Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Caravan of Programs and Services for the Indigenous Peoples (IP) Community
Maraming – maraming salamat sa ating Secretary ng DSWD, Secretary Rex.
At nandito po ang ating mga opisyal. ‘Yung mayor natin, baka sasayaw daw siya parang TikTok pagka… [applause and cheers]
Alam na alam nila ‘yung sayaw mo. Nandiyan si Cong. Chua. Lahat ng mga iba’t ibang mga opisyales ng bayan, ng barangay, nandito po tayo.
Nandito lang naman po ako ang sadya ko rito para tingnan na maayos ang pagbigay ng tulong sa ating mga – ‘yung aking – ating tinatawag mga unang Pilipino, ang ating mga IP community dito sa – mga Sama Bajau. [applause]
Kaya’t titiya – nandito kami ay para – dahil kung minsan, kapag ina – ang gobyerno ay naghihintay lang na kayo ang lumapit, hindi naman namin naseserbisan kayong lahat. Hindi namin kayo natutulungan lahat.
Kaya’t ang ginawa namin, kami na lang ang pupunta. Ang gobyerno ang pupunta sa inyo para makapag-register kayo. [applause]
Nandiyan ang — nandiyan ‘yung para magkaroon kayo ng ID. Nandiyan po ‘yung PhilHealth. ‘Yung PhilHealth po ’yung health insurance. Ito importante po ito dahil lahat po ng Pilipino ay miyembro ng PhilHealth. Kahit wala kang ginawa, basta pinanganak kang Pilipino, kasama ka sa PhilHealth.
Ngunit, kailangan magrehistro. Importante ang magrehistro para alam namin kung nasaan kayo, kung ano ‘yung kailangan ninyo, at mabigyan kayo ng ID.
Kapag hawak na ninyo ‘yung ID na ‘yan, kapag kayo ay pumunta, mayroon kayong karamdaman, mayroong – nasugatan kayo, nabalian kayo, o may ubo o whatever, pupunta kayo sa aming BUCAS center. ‘Yung BUCAS center, ‘yun ‘yung parang clinic. ‘Yung mga puwedeng ayusin na mabilis, ‘di aayusin nila tapos sasabihin, kung tatahiin lang ‘yung ano o ire-reset ‘yung buto o bibigyan kayo ng gamot.
Kung puwede nang umuwi, tapos na ‘yun, uuwi na po kayo. Kung kailangan pa ninyo magpatingin, kailangan kayo maospital, puwede kayong pupunta sa government hospital.
At dinamihan po namin, nilakihan na namin ang benepisyo. Malaki-laki na ang benepisyo na binibigay ngayon ng PhilHealth. More or less, kapag ‘yung pangkaraniwan, ‘yung ordinary lang na sakit, ay libre na. Ang gobyerno na ang magbabayad.
Kaya baka nakikita ninyo, mayroon kaming tinatawag na zero balance billing. Ibig sabihin, pagpunta niyo sa hospital, zero ang balanse ninyo. Wala kayong babayaran. Basta’t pipirma na lang kayo. Basta’t gumaling na kayo, pipirma na lang kayo, puwede na kayong umuwi.
Kaya’t napakahalaga po para sa ating mga kababayan ‘yan. At napakalaking bagay po na tulong para sa… Eh lagi naming – lagi naming iniintindi at inaalala ang inyong kalagayan, ang inyong kalusugan. Kaya’t ‘yun ang pinaka – para sa akin, ‘yun ang pinakaimportante sa lahat.
Kaya po nandito lahat ito mga – nandito po ang DSWD, nandito po pati Agrarian Reform para ayusin ‘yung mga titulo ng mga lupa ninyo na puwede natin…Mayroon silang coordination sa Registry of Deeds.
Nandiyan ang DOH, may kaunting clinic tayo dito at mayroon tayong binibigay na gamot.
Nandiyan din ‘yung programa ng – ‘yung programa na Walang Gutom. ‘Yun po ay programa ko po ‘yan dahil ang pangarap ko na pagkatapos na ako mag-Presidente, wala nang gutom na Pilipino. [applause]
Kaya’t ang mayroon po tayong ano – mayroon po tayong ganiyan,may program tayong Walang Gutom at mayroon pa rin…Hindi lamang ‘yung food supply, kung hindi, kung papaano ‘yung tama ang – na pagkain para maging malakas ang ating mga katawan.
Iyong isang napakahalaga na baka hindi niyo po napupuna, ‘yan pong eGov app na aming nilagay. Kailangan po na matuto kayo dahil ito po ay app na sa… Puwede ninyong gamitin ‘yung telepono niyo, puwede rin gamitin ‘yung computer. Hindi na kayo pupunta sa opisina ng gobyerno. Kahit na –basta’t may – mayroon kayong koneksyon na ano, puwede niyo nang gamitin.
Iyang eGov app, ‘pag ginamit ninyo ‘yan, lahat ng serbisyo ng gobyerno, lahat ng departamento ng gobyerno, kaya ninyong puntahan, kaya ninyong kausapin.
Kahit na ‘yung mga – imbes na ‘yung mga papeles, mga dokumento, na kung dati eh pabalik-balik kayo, tatlong oras kayo naghihintay sa pila, tapos sasabihin sa’yo, pagka napirmahan, sasabihin, “Ay, kulang pa kayo ng tatlong pirma.” Kailangan pa kayong pumunta rito tapos kailangan pa pumunta…
Ngayon, nasa eGOV app na lahat ‘ yan kaya’t malaking ginhawa para…’Yung mga iba sa inyo na hindi techie, kayang-kaya ng mga anak ninyo ‘yan, magpaturo lang kayo. Madali lang naman po gamitin.
Pero para hindi na kayo bumabiyahe sa malaking – sa lungsod, hindi na kayo kailangan pumunta sa city, hindi na kayo kailangan pumunta sa poblasyon, gawin na lang ninyo sa sarili ninyong mga tahanan. ‘Yan po.
Marami po tayong serbisyo na ibinibigay. Basta’t patuloy lang po at titiyakin po namin na hindi po – lalo na, kagaya ng ating mga kababayan na napaka – medyo malayo ang tirahan ay tinitiyak namin na kahit papaano maabot natin ang lahat ng ating mga kababayan.
Kaya’t mabuti naman maganda ang ugnayan natin sa ating mga local government. Hindi po namin kayang gawin ito kung wala ang local government.
Kaya lang namin siguro hanggang probinsya, hanggang siyudad. Pero para doon sa mga malalayo na mga sitio, eh mahirapan siguro kami. Hindi ganoon karami ang tao kaya’t umaasa kami sa LGU. At masasabi ko naman napakaganda ang ugnayan ng LGU at saka ng national government.
So, patuloy lang po. Huwag po kayong – huwag po kayong nagdadalawang-isip. Kung may kailangan kayo, kung may tanong kayo, magtanong po kayo. Kaya sila nandito upang turuan kayo, upang ipaalam sa inyo ‘yung ating mga serbisyo. Kaya kami nandito. [applause]
Hindi ito…Lagi kong sinasabi kasi maraming nagte-thank you. Huwag na kayo mag-thank you. Ito ‘yung trabaho namin. Ito lang talaga ang dapat naming ginagawa. [applause]
At sige lang, tuloy-tuloy — hindi namin ito ititigil. Hangga’t may buhay, itatrabaho namin ito.
Maraming salamat. Magandang umaga sa inyo. [applause and cheers]
— END —