Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Constructing Our Future: MOA Signing of the DepEd and Cities for a Nationwide Classroom Building Program

Speeches 23 February 2026

Thank you, Executive Secretary Ralph Recto.

[Please take your seats.]

The honorable members of the House of Representatives and the members of the Senate who are here specifically, Senator Bam Aquino, who is the Committee Chairman for Basic Education in the Senate and the other members of the Senate; the mayors from Luzon, Visayas, and Mindanao; the DepEd officials and employees led by Secretary Sonny Angara; our beloved teachers and our learners – it’s good to see that the actual beneficiaries of this program have also joined us here this afternoon; my fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen.

Good afternoon.

Welcome po sa inyong lahat sa aking tinatawag – today is my LGU Day dahil kaninang umaga ay [applause] mayroon naman tayong ginawa para sa LGSF at nagpulong-pulong kami. Iyong ibang mga city mayor nandito rin kanina – we had the governors and the city mayors here to explain the program where LGSF will be given to – we have increased the program of the LGSF to make it more responsive and para mas maging bagay sa pangangailangan ng mga LGU.

But today, this afternoon, we are formalizing the partnership between the DepEd and our City Local Government Units to accelerate the construction, rehabilitation, and repair of classrooms, thereby building a stronger foundation for the education of Filipinos and to assure the betterment of the future of our children and, in that way, the future of our country.

This is the second batch of partnerships for our nationwide classroom building program. It forms part of our sustained effort to address the classroom gap.

As of January 2026, we have still a classroom shortage of more than 144,758 – to be specific – units.

We cannot wait for decades, years, to give every student a safe and conducive classroom for effective learning.

Kapag kulang ang classroom, masikip ang klase. Nahahati sa ilang shift ang pasok ng mga estudyante.

Mas nahihirapang matuto ang mga mag-aaral, mas nabibigatang magturo ang mga guro, at mas nangangamba ang mga magulang.

Kaya’t in-instruction-an ko ang DepEd na pabilisin ang pagtatayo ng mga silid-aralan at siguraduhin na maayos ang pagpapatupad nito.

Ito nga dahil nga natin napag-isipan na isama, gawing partner ang mga LGU, dahil ‘pag sa aming mga kalkulasyon pagka ang inaasahan lang natin ay ang DepEd ay kulang na kulang pa rin ang magiging eskuwelahan. Kaya’t dinagdagan natin ng mga iba’t ibang programa upang mapabilis ang construction ng ating mga classrooms.

Kasama na po diyan ang mga PPP na dati nating ginawa at naging matagumpay naman kaya’t isasama din natin ‘yan sa isang programa.

At ngayong araw, ito ngayon ay ang partnership natin sa ating local government units isa ‘yan sa – isa sa mga strategy natin para mapabilis ang pagpatayo ng classroom.

The event today reinforces what we formalized more than a week ago. We are shifting from centralized implementation of classroom construction to faster, and more responsive execution on the ground.

Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ninyo ngayon, binibigyan natin ng mas malaking papel ang mga lungsod sa bansa.

Ang city government ang mangangasiwa ng procurement, pagpapatayo, at pamamahala ng proyekto. [applause]

Ang Department of Education naman – ang DepEd naman ang magtatakda ng pamantayan. Sila ang magtitiyak na ang bawat silid-aralan ay matibay, ligtas, at naaayon naman sa ating national standard.

Alam naman natin na ang pondo ng taumbayan ay kailangang ingatan kaya malinaw din ang pananagutan sa sistemang itinayo natin dito.

Ilalabas ang pondo sa tatlong bahagi o tatlong tranche. Kinakailangan ang hiwalay na trust account para lamang dito sa proyektong ito. May obligasyon din na mag-submit ang LGU ng buwanan at quarterly reports sa DepEd. Para malaman naman natin kung nagkakaproblema, kung maayos ang patakbo.

At ang mahalaga, walang final turnover or final payment na mangyayari hangga’t na-validate na ng ating DepEd.

Ang lahat ng ito ay magtitiyak ng mas mabilis na implementasyon, mas malinaw na pananagutan. Dahil sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, mahigit 85 bilyong piso ang inilaan natin sa Basic Education Facilities. [applause]

Sa unang tranche ng programang ito, mayroon ng PhP9.6 billion ang nakaprograma para sa pagpapatayo ng humigit-kumulang 4,000 silid-aralan.

Bukod pa riyan, sa pamamagitan ng kasunduang ito, makakapagpagawa tayo ng karagdagang 1,700 na silid-aralan, na tinatayang nagkakahalaga ng PhP5.96 billion.

At pinalakas din natin ang PPP para sa school infrastructure upang mas mabilis pa ang pagtatayo ng bagong classroom.

Para sa mga bata, ito ay magsisilbing maayos na lugar kung saan sila matututo at mangangarap.

Para sa mga guro, ito naman ay sapat na espasyo upang hubugin ang susunod na henerasyon.

At para sa mga magulang, ito ay katiyakan na nasa ligtas na pasilidad ang kanilang mga anak.

Hindi nagtatapos sa pagtatayo ng classroom ang ating tungkulin. Kailangan din nating ihanda ang ating kabataan sa makabagong mundo.

Kaya’t ipinatutupad natin ang mga programang patuloy na susuporta sa ating mga guro at sa ating mga mag-aaral.

Pinalawak natin ang ARAL Program, na naglalayong paghusayin ang kakayahan sa pagbasa at kaalaman ng mga mag-aaral sa bansa.

Pinapabilis din ang pagbili ng mga aklat upang masigurong may materyales ang mga estudyante sa pagbubukas ng klase.

Pinabubuti din natin ang career progression ng ating mga minamahal na guro.

Parati kong sinasabi na ang edukasyon ang pundasyon ng maunlad at matatag na bansa. Subalit ang pundasyong ito ay hindi kayang itayo ng isang sektor lamang.

Kaya’t sa ating mga lokal na pamahalaan, hinihikayat ko kayo na gamitin ang pagkakataong ito at ang pondong ipinagkatiwala sa atin ng bayan nang mas may pananagutan.

Tiyakin natin hindi maaantala ang mga proyekto. Tiyakin natin de-kalidad ang ating maitatayo na silid-aralan. Tiyakin din natin na ang bawat sentimo na pinaghirapan ng ating mga kababayan ay gagamitin sa tama.

Dahil hindi lamang tayo nagtatayo ng silid-aralan; nagtatayo tayo ng isang matibay na kinabukasan para sa ating kabataan at para sa ating minamahal na Pilipinas.

Because every classroom we build gives our children a better future.

Ito po ang binubuo para sa Bagong Pilipinas.

Maraming salamat po.

Mabuhay kayong lahat!

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]

— END —