Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Commencement Exercises of the Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) “Kadaligtan” Class of 2025

Speeches 15 August 2025

Thank you, Transportation Secretary, Secretary Vince Dizon.

Higher Education Commissioner Desiderio Apag III; [please take your seats] Philippine Coast Guard Admiral Ronnie Gil Gavan; the officers of the Armed Forces of the Philippines; Philippine Merchant [Marine] Academy Superintendent Commodore Joel Abutal; Zambales 2nd District Representative Doris Maniquiz; Zambales Provincial Governor Jun Ebdane; the officers, employees, cadets, and graduates of the PMMA “Kadaligtan” Class of 2025; also the parents and loved ones of the PMMA graduating class; fellow workers in government; other distinguished guests; ladies and gentlemen.
A good day to you all.

Two centuries ago, in 1820, the PMMA began its seafaring journey as the Escuela Nautica de Manila in Intramuros.

Dalawang daang taon ng paghahanda at pagbibigay direksyon sa mga kabataang Pilipino na tatawid sa dagat upang maglingkod at magdala ng dangal sa ating bayan.

Sa loob ng mahigit dalawang siglo, ilang libo na ang mga marinong hinubog ng PMMA sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sa bawat pagtatapos, mayroong bagong angkan ng [mga] magpapatuloy ng pamana ng institusyong ito.

Ngayon, kayo ang bagong henerasyon.

Kawal ng Dalampasigan, Liwanag ng Karagatan. Your class name says it all. [You] journey far into the sea to carry the light for others to follow, even in the most turbulent waters.

Today, there are two hundred and fifty-two (252) of you. Some of you will serve with the Navy, some with the Coast Guard, and some with the merchant marine.

Each path is different, but you carry the same compass guiding you towards excellence and service.

The seas are rife with danger. It will test you; it will push you to your limits, but above all, it will shape you into the mariner that you are meant to be.

I believe your safe arrival at your destination is a triumph for yourself and for the people that you serve.

Kaya naman, tinitiyak ng pamahalaan na mas matibay at mas mataas ang antas ng pagsasanay ng ating bansa.

Magkakaroon na tayo ng National Merchant Marine Aptitude Test na susukat kung handa na ang ating mga kabataan na kumuha ng mga maritime courses sa kolehiyo.

Bukod dito, binubuo na rin natin ang Ladderized Maritime Education and Training Program, para tuloy-tuloy naman ang pag-angat mula sa non-degree hanggang sa degree program.

Gumagawa rin ang MARINA ng iba’t ibang paraan upang maparami ang oportunidad para sa onboard training.

To our cadets, do not forget to carry your mission and – carry on the tradition of excellence of the PMMA.

Let this day inspire you to live up to your class’ name, bringing your own light even to the darkest of seas.

Para naman sa inyong mga magulang at pamilya, kayo po ang tunay na bayani sa likod ng bawat kadete.

Marahil ngayong araw, naiisip ninyo ang lahat ng payo at sakripisyo ninyo sa inyong mga anak, sa inyong mahal sa buhay na kadete upang matulungan ang ating mga kadete na makarating dito.

At sa pagkakataong ito, sila na ang hahawak sa manibela ng kanilang buhay. Ngunit, naniniwala ako na kahit gaano kalayo ang mararating nila, palagi nilang dala ang aral at pagmamahal sa inyo.

Mga kadete, malawak ang abot-tanaw ninyo. Dadalhin kayo ng inyong mga barko sa iba’t ibang dako ng mundo. Tandaan ninyo na sa bawat paglalakbay, bitbit ninyo ang dangal at pagmamahal sa bayan.

Dalhin ninyo ang pangalan ng PMMA, ng “Kadaligtan”, at ng Pilipinas sa bawat pantalan at bawat karagatang inyong tatawirin.

Maraming, maraming salamat.

Congratulations at mabuhay ang “Kadaligtan” Class of 2025!

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]

— END —