Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Ceremonial Launch of the 2025 SSS Pension Reform Program

Speeches 10 September 2025

Maraming, maraming salamat sa ating DOLE Secretary, Secretary Benny Laguesma. [Magsiupo po tayo.]

Kasama rin natin dito ang DICT na Secretary, Secretary Henry Aguda; at siyempre ‘yung ating President and CEO of the Social Security System Robert Joseph De Claro at lahat ng mga ibang opisyal ng SSS; ating mga pensioner – malapit na akong sumama sa inyo; [laughter] mga kapwa lingkod-bayan; mga ginang at ginoo.

Magandang hapon po sa inyong lahat! [applause]

Today, we celebrate the Social Security System or SSS’s 68th year of service. Magkaedad kami ng SSS. [applause]

Baka isipin ninyo nag-reform tayo para paghandaan ko ‘yung sarili kong retirement. [laughter] Hindi ‘yun ha. Talagang gusto namin makatulong sa ating mga pensioners.

Sa halos pitong dekada, naging katuwang ng pamahalaan ang SSS sa pagbibigay ng seguridad at proteksyon sa ating mga manggagawang Pilipino. Tinitiyak natin na ang mga taon ng kanilang pagsisikap ay may kapalit na kahit kaunting ginhawa sa kanilang pagretiro.

Ang SSS, kasama na rin diyan ang GSIS, ay sumasagisag sa pangako ng pamahalaan na ang bawat Pilipino, nasa pribado o pampublikong sektor man, ay may karapatang magkaroon ng seguridad at dignidad sa kanilang pagtanda.

This event places our beloved pensioners at the heart of our endeavors.

By celebrating as one, the SSS and GSIS uphold that social protection is a responsibility of the government to its people.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng SSS, itinaas natin ang pensyon sa ilalim ng SSS Pension Reform Program. [applause]

Kailangan na kailangan nating gawin ito. Bilang pasasalamat sa ating mga kababayan na buong buhay na naglilingkod, nagtatrabaho para sa ating bansa, simula unang araw ng Setyembre ng taong ito, itinaas na natin ang inyong buwanang pensyon.

At taon-taon ito’y tataas hanggang 2027, nang walang dagdag na kontribusyon mula sa mga miyembro ng SSS.

Kasama rito ang sampung porsyentong pagtaas para sa mga retirement at disability pensioners, at limang porsyentong pagtaas para sa survivorship pension. Tataas din ang pensyon para sa mga dependents.

Sa kabuuan, mahigit tatlong milyon at walong daang libong pensioner ang makikinabang dito sa programang ito.

At sa loob ng tatlong taon, halos 93 bilyong piso ang mailalabas para sa ating mga pensioner para makabili ng gamot, ng pagkain, at iba pang mga pangangailangan nila — at ‘yun karamihan, para may maiabot sa mga apo. [laughter]

Ang perang ito… Siyempre pagka ‘yung mga apo ninyo, ‘yung mga inaanak ninyo pagdating ng Pasko, pagdating ng birthday ‘di ba, nakakahiya naman wala kang maibigay. [laughter] Asahan ninyo ‘yung SSS nandiyan na. [applause]

Ang perang ito rin rin ay makakadagdag sa sigla sa ating ekonomiya.

This is aligned with our scheme of promoting the theme na “Sigurado ang Ginhawa sa Bagong Pilipinas” as we improve retirement and survivorship benefits that will remain fair and responsive to the times.

Sa mga kapwa ko lingkod-bayan sa SSS at GSIS, huwag nating kakalimutan na ang bawat kontribusyon ng ating mga miyembro ay bunga ng kanilang pagsisikap at sakripisyo.

Kaya naman, tungkulin natin na tiyakin na sa oras ng kanilang pangangailangan ay nandiyan tayo, handang umalalay at magbigay ng ginhawa sa kanila.

And that is why I direct the leadership of these two institutions to guard this trust with the highest integrity and vigilance.

So, invest wisely. Modernize your systems and make your processes efficient. Ensure that your services are easier to reach, be it through digital platforms or help desks and kiosks, even in the most remote areas. Make sure your services are available whenever the need arises, wherever the need arises.

Let us protect the lifetime of work that our pensioners have built for themselves and for our country.

Para naman sa ating mga pensyonado, pagpaplanuhan ninyo nang mabuti ang inyong kinabukasan.

Makipag-ugnayan po kayo sa SSS at GSIS para makapaghanda nang mabuti para sa inyong pensyon at mga benepisyo para sa mga mahal ninyo sa buhay.

At sa aking mga kapwa Pilipino, suportahan natin ang mga programang tulad nito— sa pamamagitan ng pagtitiwala at paghuhulog ng tamang kontribusyon upang mas mapaigting pa natin ang ating social security systems.

Let us resolve to secure the well-being of all Filipino people.

Iyan lamang ang ating layunin na lahat ng ating mga kababayan ay binibigyan ng tulong at inaalagaan at inaalalayan ng ating pamahalaan.

Maraming, maraming salamat po! [applause]

Mabuhay ang SSS at GSIS!

Mabuhay ang ating mga pensyonado!

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]

— END —