Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bawat Bayan Makikinabang: Province of Palawan
Magandang umaga, maraming salamat sa napaka init na salubong na ibinigay nyo sa akin, lagi naman ganyan kapag ako bumabalik dito sa Puerto Princesa, sa Palawan kaya’t dinadalasan ko ang pagbisita dito sa inyo.
Sa ngayon pagkakataon andito po ako upang tiyakin na maganda ang takbo ang aming bagong programa, may dalawa tayong bagong programa na sinimulan, mga two months ago, three months ago.
Dalawang programa ito.
Una po ay galing sa LGSF. Ano ba ang LGSF? yung LGSF po Local Government Support Fund. Ang Local Government Support Fund, ay gaya ng nasa pangalan, ito ay pondo para tulungan ang mga inisiyatibo ng ating local governments.
Ngunit, alam nyo po naging Governor ako ng Ilocos Norte, sa alam ko po, naririnig po namin itong LGSF na Local Government Support Fund. Ngunit pag tinatanong ko noon, tinatanong ko mga kapwa governor, Paano ba mag avail nyan? Paano ba makakakuha ng tulong dahil sa LGSF? Wala na po makapagsabi sa akin dahil wala naman sistema
Siguro kung sinuwerte ka pagbibigyan ka ngunit walang maliwanag na sistema kung paano gagamitin yang pondo yan para tumulong sa mga local government.
Kaya po nung ako nung naupo na, ito na yung pagkakataon ko para ayusin ko ito at bago nga gagawin natin maganda ang sistema sa LGSF.
Ang LGSF ay talaga para sa local government. Kaya’t kagaya ng nabanggit bibigyan po natin lahat ng probinsya, lahat ng bayan at hanggang meron pa tayong pangalawang programa para sa mga barangay.
Doon po sa LGSF ay binigyan po natin, binaba po natin, hindi pa natin, ang malaking bagay, malaking pagbabago dito sa sistemang ito ay hindi na ang national government ang mag-implement ng national program.
Dahil para mabilis ang baba ng serbisyo, ay kako galing naman ako sa local government, eh kako, sabi ko dapat ang local government ang tumulong sa atin. Dahil nasa kanila lahat yan.
Kaya halimbawa pagka sasabihin natin gagawa tayo ng listahan, sino dapat maging benepisyaryo? Magpapadala kami ng team. Galing sa Maynila, pumunta rito, iikot, magse survey sino ba yung dapat tulungan?
Eh kako ang tagal-tagal nun, tapos babalik pa yun sa Maynila, pagdating sa Manila gagawa ng report, yung report, ipapadala sa akin, ia-aprrove ko muna. Pag na approve saka bababa sa ibang departamento, sa ibang ibang ahensya, bago ma distribute.
Eh kahit nga sandali, one minute, two minutes lang yung pagkasabi ko, sometimes, kung minsan umaabot pa kung minsan umaabot pa isang taon eh
Kaya’t sabi ko makipag-ugnayan tayo sa local government. Ang local government, makipag-ugnayan tayo as local government, hindi na tayo kailangan bumaba mag-survey at ang mga local government, ang mga mayor, ang mga governor, lahat yan, nasa kanilang listahan.
Naalala ko nung governor ako sa Ilocos Norte, halos araw-araw, tinitignan namin ng listahan na yan. Binabago namin, dinadagdagan namin, nagtatanggal kami para maging tama ang ating listahan
Sabi ko, puntahan na namin ang local government, imbes na tayo ang mag implementa ay nagpapadala tayo ng pondo sa local government sa mga mayor, sila ng bahala.
Yun lamang, meron na kami hiningi, yan ay dahil sa pagtitiyak na lahat ng ating mga kababayan ay may sapat na pagkain.
Alam niyo po, nung akong umupo, na interview po ako at sa interview tinanong sa akin nung reporter, “Ano ba talaga ang hangarin mo bilang Pangulo?” Eh kako marami akong gustong gawin. Ngunit ang kaisa-isang pinakamalaking bagay ay sana naman matulungan natin ang mga kababayan natin hindi nakakatiyak sa pagkakain at sana masasabi natin dumating ang araw na masasabi natin wala nang gutom na Pilipino.
Kaya po ang aking ginawa ay sa pagbaba. [applause] sa pagbaba ng pondo ng Local Government Support Fund, sa pagbaba ng pondo yan ay binigay namin sa mga local chief executives at sabi namin, yun lamang ang bahagi ng paggamit doon sa LGSF, yung pondo, ay magbigay tayo ng bigas doon sa mga alam natin na mga kababayan natin na nangailangan ng tulong para matiyak na may kinakain sila.
Meron silang mailagay sa kanilang hapag kainan, mapapakin nila ang sarili nila at ang kanilang mga pamilya.
Kaya ito po ang naging programa at nagbibigay po tayo ng tigsa-10 kilo sako para są lahat ng mga benipisyaryo at sa pamamagitan ng programang yan nakakatiyak tayo na lahat ng mga naghihirap ay mabibigyan ng tulong.
Kagaya ng nabanggit, ito po ay second tranche na ito, dahil ito po ay hindi minsanan na programa. Ito po ay gagawin namin 6 na beses na bawat taon, bawat dalawang buwan magbibigay po ulit tayo
ito ang 10 kilo ng bigas. [applause]
Sa pamamagitan nyan ay natitiyak natin na naalala ang mga kababayan na kung minsan, minsan lang nakain isang araw minsan, minsan lang kakain sa dalawang araw, hindi nakakasiguro kung saan sila kukuha ng pagkain sa darating na panahon kayat yan po ang naging programa sa LGSF.
Yung ibang hindi nagamit dito sa rice support program ay masasabi ng natuloy na nasa local government na kung saan gagamitin at bibigay din sa atin ng project. Kasi, lagi ko nang sinasabi, wala nang mas marunong sa lugar, sa bawat lugar, kung hindi ang local officials.
Sila nakakaalam nila kung ano ang mga sitwasyon sa kanila, ano yung mga kailangan, ano yung mga problema at kadalasan, alam din nila, kung ano ang solusyon, kailangan lang ng pondo kaya’t yan po ang ginawa natin.
Sa buong Pilipinas, nagbibigay po tayo ganito po ang aming ginagawa at para mabilis at natupad naman ang aming gustong gawin na pabilisin ang pagbaba ng serbisyo, ang pagbaba ng tulong na kahit na galing sa national government, sa tulong ng ating mga local government official ay maikakalat kaagad at hindi na mag aantay kung ano pa mga certificate, accreditation kung ano ano pa.
Ay binilisan po natin ang programa para maramdaman nyo agad na may tinutulong ang national govt sa inyo na natin na may kasama ang ating mga local government officials upang tayo ay makatiyak na yung mga nangailangan ng tulong ng ating mga kalabayan ay magbibigyan naman ng tulong kahit pa paano ay maalalayan natin ang mga naghihirap na kababayang Pilipino.
Ang pangalawa ng programa po, ay yung tawag naman namin dyan ay yung Socio-Civic Development Program.
Ayun po ay ang aming binigyan po natin sa mga bara- barangay. Sa buong Pilipinas po ito.
Bawat barangay sa buong Pilipinas ay binigyan po natin ang dalawang daang libong (200,000 ) piso para sa kanila. {applause]
Yan, 200,000 piso, ang hiniling lang natin sa ating mga barangay officials , sana kahit kalahati kailangan gamitin naman natin para sa scholarship. Dahil alam naman natin napakahalaga, maganda ang mga kabataan natin, maganda pag natapos sila, mayroon silang nahawakan, mayroon silang hawak na diploma.
At syempre, alam naman natin, ang pagkamagandang pinag-aralan at maganda ang training ng ating mga kabataan ay maraming po silang magagawa sa kanilang sariling buhay, matutulungan nila ang kanilang pamilya, matutulungan nila ang kanilang kumunidad, at sa ganoon paraan ay matutulungan ang buong Pilipinas.
Kaya po ay ang sabi namin sa ating mga barangay official, yung nga namin, kung gawin ninyo doon sa dalawang daan libong, kumuha kayo ng kalahati, 100,000 piso,
Doon sa isang daang libong piso, yan ang gagamitin natin pangbigay ng scholarship. At mamili ang bawat barangay, mamili kayo ng limang na maging scholar, maging presidential scholars.
Ang tawag ngayon dyan, presidential scholar.
Dahil po yan ang pondo na ‘yan ay galing talaga sa Office of the President. At binaba natin sa sa ating mga barangay, at yung mga barangay na ang namili ng limang na scholar, nandito po yung mga iba. Nakita po ninyo.
At bawat isang iskolar, lima sila, paghahatihan nila yung isang daan libong piso, eh di bawat isang iskolar ay P20,000 ang aming ibibigay na tulog para sila ay makapagtapos at makapag-aaral mabuti. [applause]
At sinabi ko lang sa ating mga barangay officials, mamili kayo yung talagang malapit ng magtapos, ngunit baka mahirapan makapagtapos dahil kulang sa pambayad, kailangan magtrabaho.
Kung ano man, ayun na, magbigay tayo ng tulong para makatiyak naman tayo na bawat barangay sa buong Pilipinas ay meron tayong limang na graduate.
Kaya yung ating mga scholar, lagi ko ipinapayo sa kanila na tiyakin ninyo na pakinabanagan ninyo mabuti itong 20,000 pesos na scholarship. At ito ay napaka-importante para maging maganda ang inyon pag-aaral, para makita natin na kayo’y makapagtagos.
Dahil alam naman po natin na ito ang edukasyon ay ibang klase na biyaya, ibang klase mabigyan yaman, yang edukasyon ay napaka-importante na meron na kayong kaalaman at kayo mismo, kapag mayroon kayong kaalaman yan po ang pambihiran ng mga kayamanan kahit anong pano nangyari,yan ay hindi na maaaring kuhanin sa inyo, hindi na maaring agawin sa inyo. Hindi na lulusaw yan.
At araw-araw, sa buong buhay ninyo, lahat ng natutunan ninyo sa school, magagamit ninyo para pagandahin lang ang inyong buhay, para pagandahin buhay ng inyong pamilya,
makatulong kayo kuminidad ninyo.
At bukod pa roon, alam nyo po, laging kong inisip ang inyong kinabukasan. At kahit na kami ngayon, kami ngayon mga leader, eh may kasabihan wala naman daw forever, darating ang araw, kayo na ang mga magiging leader, kayo nga ang magdedesisyon para sa Pilipinas. (applause)
Kailangan handa kayo, kailangan mag-training kayo ng mabuti, kailangan alam ninyo ang gagawin ninyo.
At pagka pinag-usapan ang serbisyo publiko, hindi po, ibig sabihin ang tinutuloy ko lamang ay sa gobyerno. Eh lahat na, kahit saan kayo pumasok, kahit ano ang maging hanapbuhay ninyo,
Mag nenegosyo kayo, may professional kayo, ano man, kahit ano pa man, basta may training kayo, may pinaparalan kayo, meron kayong yaman, nakaalaman, ay handa na kayo pagdating ng panahon.
Siguro iniisip nyo matagal pa yan, pero magugulat kayo, isang araw sasabihin sa inyo, kailangan ka naming, kailangan para tumulong dito sa amin.
Sasabihin ninyo mabuti naman at nagkaroon tayo ng scholarship para nakapaghanda kayo, para kami ay ready na. Kaya sinasabi ko sa mga eskolar, magsumikap kayo, mag aral kayo mabuti, pagbutihan ninyo, at sa ganoong paraan, ay maganda magiging resulta at pagpasasunod natin pagkikita, magkakataon na pagkikita may hawak na kayong diploma.
Yan ang pinakamagandang magiging resulta nito lahat.
Doon naman po, dahil nabigyan po natin ang mga paranggay, ang 200,000 o 100,000, ginamit natin para sa scholarship.
Yung 100,000 na natira, ay hindi lang po namin sinasabi sa mga official kung saan nilang nagamitin yan. Kagaya nabanggit kanina, ang mga local official, kung saan nila…doon sa bawat barangay, wala nang mas nakakaalam doon sa bawat barangay kung hindi mga chairman at mga official.
Kaya bahala na sila. Yung 100,000, bahala na sila kung saan nilang nagamitin.
Yung mga iba’t iba, may nakakita po kami na ginamit sa bumili ng mga musiklo. Yung isa, yung iba, bumili ng computer. Pero yung mga nandyan sa likod, bumili ng mga computer, bumili ng tent, bumili ng monoblock, eh nasa sa inyo na yun.
Dahil yung mga inisyatibo naman ninyo, at yung mga pangangailangan ninyo ay matutugunan na ninyo. Dahil meron sa nyo, meron na tayong mga 100,000 pondo para magagamit din.
Yan po ang ating dalawang programa. Kaya talagang sinabi natin na ang Bawat Bayan ay Makikinabang.
Dahil tiniyak po natin na hindi lang po kung saan saang binigay kundi buong Pilipinas.
Kaya doon sa scholarship labis pa sa mas marami pa sa 200,000 ang matutulungan natin sa buong Pilipinas. Isipin ninyo, magkakaroon tayo kaagad, sigurado, 200,000 at labis pa sa 200,000 na mag-graduate.
At pagbutihan pa natin, at sa maraming level at lahat ng iniisip ninyo, ay gagamitin ninyo ang pondo yang. Kung saan saan nyo magagamit ang pondong yan…yung ibang barangay bumuo ng water system, yung iba bumili din ng bigas para dumami ang pagbigay ng bigas. Nasa sa inyo yun.
Kaya’t yan po ang dalawa nating program.
At ito po, talaga technically, hindi gawin niya sa National Government. Ngunit talaga naman, hindi naman po natin, hindi magiging kabilis, hindi magiging ganito kaganda ang pagpatakbo ng mga programa kung hindi magiging maganya ang ugnayan na national government at local government. Nagpapasalamat din natin ang local government officials.
Lagi ko naman sinasabi na kahit ano ang ginagawa ng national government, kapag hindi kasama ang local government ay mas mahirap magtrabaho, kahit ano pa ang gawin namin sa national at kapagaka hindi nakipag ugnayan sa local ay hindi rin makikinabang ang taong bayan
At pinag uusapan sa local government, hanggang sa barangay, yan ang ating smallest political unit. So, kaya po, yan ang ating ginawa ngayon. Magmamalaki ako ng kaunti sasabihin ko alam nyo po sa buong kasaysayan ng Pilipinas ngayon lang po nangyari ito na na nagbaba ng pondo ang national gov’t diretso sa local government [applause] at ibinigay sa kanila at sila na ang bahala.
Mayroon lang kaming konting condition, magbigay ng bigas at tutukan ang mga scholars, ngunit kung anuman ang pondo na kayang ibigay ng national government kayo na po ang bahala kung ano ang pangangailangan ninyo.
At saka malakas kasi ang loob ko sa mga local government officials andyan naman kayo hindi naman siguro magkakaproblema, eh naalala ko nung governor ako pagka nagkakamali ako medyo mabagal ang takbo ng programa talagang pupuntahan ako ng mga tao sasabihin bakit ang bagal bagal, inaantay na naming.
Kaya siguro nakakatiyak ako na ang project ay mabubuo ng lalong madaling panahon. Kaya po yan lang ang sadya natin ngayon araw …kayo po, ay asahan po ninyo. Lagi po ninyong asahan na n kahit sa maliit —ay hindi nakakalimutan ng national government, ang inyong pamahalaan po ay nandito nasa likod nyo, tumutulong sa inyo at ginagawa ang lahat upang maging mas maginhawa naman kahit konti lang makapagbigay ng kaunting ginhawa sa inyong mga buhay
Alam nyo po lagi kong sinasabi, na kami są national govt hindi lang kami nagsasabi ito gawin nyo, ditto puounta ang pondo, kami ay nakikinig din.
Kaya pagka mayroon kayong naiisip, nakikita na kailangang ayusin, pagka mayroon kayong nalalaman na pwedeng gawin para pagandahin pa ang takbo ng buhay sabihin ninyo sa amin, nag request kayo sa mga local government, sa mga national agencies at kung sino man.
At asahan po ninyo hanggang kaya ng inyong pamahalaan na gawin ang inyong hinihiling gagawin po naming, lahat po ng araw naming mula sa paggising hanggang pagtulog, wala kaming iniisip kung di paano pa kayo matutulungan
[applause]
Kaya tulungan ninyo kami, magtulungan tayo, dahil lagi kong sinasabi kahit mahirap ang trabaho kapag maraming tumutulong magiging magaan ang trabaho
Magtulungan po tayo, magkaisa po tayo at asahan po ninyo na ang pamahalaan nagmamahal sa inyo ang pamahalaan ay inaalala kayo, ang inyong pamahalaan ay ginagawa ang lahat upang tulungan kayo upang pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino, upang pagandahin ang Pilipinas
Maraming salamat po.
Mabuhay po kayo!
— END —