Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bawat Bayan Makikinabang: Pampanga

Speeches 14 May 2026

Magandang hapon sa inyong lahat.

At maraming-maraming salamat sa napakainit na salubong na ibinigay ninyo sa akin.

Thank you po.

[Magsiupo po tayo.]

Nandito po kami – nandito po ako dahil mayroon po tayong ginagawa na bagong programa na para sa local government at sa mga probinsya, sa mga lungsod, sa mga bayan at sa mga barangay. Kaya andito po kami.

Ang una po – ang unang programa na aming ginagawa ay galing po sa LGSF. Ang tawag – ano ba ‘yung LGSF? ‘Yung LGSF, Local Government Support Fund. Ito ay pondo na para talaga sa local government.

Ngunit, noong nakaraan, hindi masyadong nagagamit pang local government ‘yung LGSF na ‘yan. Eh, naalala ko noong gobernador ako ng Ilocos Norte, nababalitaan ko ‘yung LGSF, tinatanong ko sa mga kasama kong governor. Sabi ko sa kanila, “Papaano ba makuha ‘yan? Eh, hindi namin alam. Sige, lumapit ka na lang. Tingnan natin.”

Eh, sa ano – hindi – walang sistema. Hindi masyadong maayos ang pagbigay at pag-assess kung saan pupunta ‘yung perang ‘yan.

Kaya sabi ko noong umupo ako bilang Pangulo, sabi ko, panahon na na itama natin ‘yung sistema na ‘yan. At ibaba natin ang pondo ng LGSF – ibaba talaga natin sa mga local government. Kaya ‘yan po ang ginawa namin. We… At nagbigay po kami sa province – mga probinsya, sa lungsod, sa city, sa mga bayan. Magbaba kami ng LGSF.

Ang programa lang natin ay humingi lang kami ng tulong sa ating mga local government na maglista na doon sa populasyon nung sa kanilang lugar, kung sino ang nangangailangan ng tulong.

Dahil po, mayroon po po tayo mga Pilipino, na – ay kung minsan, minsan lang kakain sa isang araw. Kung minsan eh dalawang araw na hindi – dalawang beses lang kakain – minsan lang kakain. Kaya hindi naman tama ‘yun.

Kaya ang sabi namin, unahin natin ‘yung pagkain.

At alam naman natin, tayong mga Pilipino, pagka pinag-uusapan ang pagkain, pinag-uusapan bigas. Kaya sabi namin ito ‘yung gagawin namin.

Lahat doon sa listahan na binigay niyo – binigay sa amin ng inyong governor, ng inyong mayor ay ‘yun ay bibigyan natin nitong ating binibigay ngayon ng tigsa-sampung kilo ng bigas para sa lahat ng ating mga benepisyaryo. ‘Yan po, kaya ‘yan ang dini-distribute namin.

Huwag po kayong mag-alala na minsanan lang ito. Ito ay patuloy namin gagawin anim na beses sa bawat taon. [applause]

So, every two months magbibigay tayo ng sampung kilo na sako ng bigas sa lahat ng mga nangangailangan.

Ito po ay para mahanapan namin ng paraan upang makatulong naman sa wala ng… ‘Yung pangarap ko po para sa Pilipinas ay masabi lang natin na wala nang gutom na Pilipino. [applause]

[Inaudible] po tayo – tinatrabaho po natin ‘yan.

At kahit… Mabuti’t marami na rin tayong nagawa. At sana, sana matupad ang aking pangarap na makita na sa pagka binigay sa akin ang mga istatistiko, ay sasabihin nila wala nang gutom na Pilipino. Kaya ‘yan po ang – ‘yan po ang dahilan dito sa binibigay nating bigas na nanggaling sa Local Government Support Fund.

Ang isa pang programa na ibinibigay din namin ay para naman sa mga barangay.

Kaya nandito po ang ating mga ABC at nagbibigay tayo ng tulong din sa mga barangay.

Ito naman, ang pondong pinanggalingan dito, ‘yung tawag ay Socio-Civic Project Fund, SCPF. Ito po… Ang ginawa po naman namin diyan, kada barangay, bibigyan natin ng tigda-PhP200,000. Okay, PhP200,000 bawat barangay.

Ang hiningi lang namin sa mga barangay officials na ‘yung PhP100,000 na doon, kalahati nun, ay gagamitin natin pang scholarship.

‘Yung scholarship, bawat barangay limang scholarship, tig-PhP20,000 lahat ang binibigay. Kayo rin ang mamimili kung sino ang sa palagay ninyo ang talagang dapat tulungan.

Ang lagi kong pinapayo na hanapin ninyo ‘yung mga malapit nang magtapos pero baka hindi magtapos dahil nag kulang sa pambayad, kung ano man. Kailangan magtrabaho. Ito – ito para makatulong at para naman magkaroon na sila ng diploma.

At alam naman natin, napakalaking bagay na maganda ang pinag-aralan. At buong buhay nila… ‘yan na nga ang sinasabi ko sa kanila. Dinaanan ko ‘yung ating mga… Ang tawag namin mga presidential scholars. At ‘yan po ang aming – dinaanan ko kanina.

At sinasabi ko sa kanila, eh mapakinabangan nila ‘yang pondong ‘yan, ‘yung bigay natin na tulong na scholarship para naman makapag-aral sila mabuti, makapag-graduate sila at sa ganoong paraan eh tutulong sila sa kanilang – tutulong sila sa kanilang mga pamilya, sa kanilang komunidad.

At syempre pagka pinagsama-sama mo ‘yan, ang buong Pilipinas mararamdaman ang kagalingan ng ating mga kabataan.

At ‘yun pong natitira na PhP100,000 ay nasa sa inyo na ‘yun. Dahil ang naging karanasan ko sa local government, wala nang mas marunong doon sa lugar ninyo kung hindi kayo.

Noong governor ko, ‘yun talaga ‘yung pinagmamalaki ko. Sabi ko, “Wala nang mas alam ang Ilocos Norte kung hindi ako. Ako ang pinakang-expert.” Totoo naman. Dahil wala ka namang ginawa, kung hindi ‘yun ang pinag-aaralan mo, ‘yun ang pinupuntahan mo, ‘yung tao ang kausap mo. It’s the same for provinces, it’s the same for cities, the same for municipalities. Pare-pareho ‘yan.

That’s why sabi namin, bigay na natin sa mga barangay leaders, bahala na sila kung anong gagamitin, saan nila gagamitin ‘yung pondo, ‘yung natirang PhP100,000.

‘Yung ibang mga barangay, ginamit din nila sa bigas. So nasa sa inyo ‘yun. It’s up to you kung saan niyo lalagay, saan niyo gagamitin.

But – dahil alam ninyo ang pangangailangan sa mga lugar ninyo, sa mga barangay ninyo.

At kadalasan, alam din ninyo kung papaano ayusin ang problema, kung may problema man.

So, ‘yun ang ating mga ginagawa ngayon. ‘Yun po ang programa na dinadala natin para makatulong sa taumbayan, para makatulong sa mga nangangai – lalong-lalong na sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Dahil sa pagkain, dahil sa kung ano pang iba’t ibang bagay, dahil sa pag-aaral eh lahat ‘yan ay tinitingnan po namin at hinahanapan natin ng mga iba’t ibang solusyon.

At hangga’t kaya ng pamahalaan ay gagawin namin – gagawa kami ng programang kagaya nito upang tumulong sa ating mga minamahal na kababayan.

At alam naman po natin na marami pa sa atin ang nangangailangan talaga nang kaunting tulong.

At ‘yan ay… Kaya’t nandito po. ‘Yan po ang trabaho ng gobyerno. ‘Yan ang trabaho ng pamahalaan upang tumulong sa mga nangangailangan ng tulong. At sino ba ang hindi nangangailangan ng tulong once in a while?

Kaya po asahan po ninyo na ang pamahalaan, ang gobyerno ninyo nandito po. At wala kaming ginawa kung hindi mag-isip kung papaano pa ang gagawin namin para tumulong sa taumbayan.

At hindi lang kami nag-iisip, nakikinig din po kami.

Kaya pagka mayroon kayong kailangan, pagka mayroon kayong nakita na hindi tama, o may naisip kayo magandang puwedeng gawin, sabihan niyo po kami.

At hangga’t… Kagaya ng sabi ko, hangga’t kaya naming gawin, gagawin namin, basta’t maliwanag, nakakatulong sa taumbayan, gagawin po ng inyong gobyerno. Hindi po kayo iniiwanan, hindi po kayo nalilimutan at lahat po ng trabaho ng lahat ng national government at mga local government ay pinagsama-sama na namin para talagang magkaroon ng magandang resulta itong aming inilalabas na programa.

Kaya ‘yun lang po. Good luck po at sana ito ay makatulong, sana po ay makikita natin ang mga resulta nitong ating mga ginagawa sa darating na mga ilang taon.

‘Yan po ang ating mensahe para sa araw na ito. Maraming-maraming salamat po. Good afternoon po.

[applause]

— END —