Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bawat Bayan Makikinabang: Makati City

Speeches 18 May 2026

Maraming-maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.

[Magsiupo po tayo.]

At andito lang po ako at ang ating sadya eh kagaya po ng nabanggit ng aking classmate at saka butihin nating mayor ay ‘yun ba – ito po ay programa ng pamahalaan na aming ginagawa na ibinababa.

Dalawa po ‘yang programang ‘yan eh. Unang, una, ‘yung tinata – mayroon kasing pondo na tinatawag ‘yung LGSF. Ang ibig sabihin niyan, Local Government Support Fund.

Itong pondo na ito ay para sa local government. Ngunit sa nakaraang ilang dekada, itong pondo na ito ay hindi talagang nagamit para sa mga local government.

Eh kako, siguro, ito na ‘yung pagkakataon ko na gamitin natin nang tama para makapagsabay ng trabaho ang local government saka national government.

Alam niyo po, ako lagi kong sinasabi, lumaki ako sa pulitika sa local government. At naging governor ako sa Ilocos Norte ng siyam na taon, tatlong term ako. Bago ako naging congressman, bago ako naging senador.

Kaya ito lagi ko nakikita, sinasabi ko, hindi – kulang ang ugnayan ng national government saka local government.

Ngayon, mayroon kaming… Kaya sinabi ko, itong LGSF, gawin na natin sa tama. At kadalasan, kahit LGSF ang tawag, national government pa rin ang nag-i-implement.

Alam naman po natin na kapag national government ang inaasahan lamang, eh may kabagalan dahil isa-isa naming gagawin, bawat local government iisa-isahin namin.

Eh kako, bakit ‘di natin – bakit ‘di tayo makipagsabay, makipagkapit-bisig na kasama natin ang mga local government? Dahil ang local government, ‘di na tayo puwede – kailangan magpadala ng tao. ‘Di na tayo kailangan magpa-survey. Gagawa tayo ng listahan kung sino ba ‘yung mga nangangailangan eh iisa-isahin bawat munisipyo – bawat bayan, bawat probinsya. Eh kako nasa – hawak na ng mga mayor ‘yan at saka mga governor.

Kaya ‘di na natin sila tulungan at magtulungan tayo eh kaya’t ito po ang ginawa namin, binaba na lang namin ‘yung LGSF.

Imbis na ang national government ang gumagamit at nag-implement, eh kako, baba na lang natin sa local government. At sa local government naman eh nakakatiyak tayo, mas mabilis ang dating ng serbisyo, ng pondo sa taumbayan. Kaya po, ‘yan po ang aming ginawa sa LGSF.

Kaya’t – ngunit ay kasama po doon dahil po, lagi kong inaalala ang ating mga kababayan na sa ngayon ay hindi pa nakakatiyak sa kanilang pagkain.

At noong una po akong umupo bilang Pangulo, in-interview po ako at tinanong sa akin, “Ano ba talaga ang layunin mo na pagkatapos mo maging presidente, anong – sa – ang pinakamagandang achievement na puwedeng masabi?”

Sabi ko eh ang talagang pangarap ko ay masabi natin na wala ng Pilipinong gutom.

Kaya sinabay natin na kailangan doon sa LGSF, ‘yung isang bahagi roon ay gagamitin para dito sa programang ito na pagbibigay ng bigas sa mga nangangailangan.

Ito po ay nakikita ninyo, tigsa-sampung kilo na sako ng bigas at bibigyan po natin lahat ng nasa listahan na binigay sa atin ng mayor, ng mga barangay captain, nandiyan po lahat. At eh sabi namin bigyan natin para naman makatiyak sila kahit papaano na mayroon silang bigas na kakainin.

Eh ‘yung ulam, palagay ko kaya naman kahit papaano makahanap ng paulam pero ang importante ay may bigas na kakainin.

Alam naman na tayong Pilipino, para sa atin kung walang bigas, walang kain. Kaya mahalaga na magkaroon ng – makapagbigay tayo, makatiyak ang ating mga mas nangangailangan na kababayan na nakakatiyak sila na mayroon silang makain.

At huwag po kayo mag-alala, ito po ay hindi po minsanan na pagbigay. Magbibigay po kami ng 10 kilo na sako ng bigas, anim na beses sa isang taon. Bawat dalawang buwan mayroon po ulit na 10 kilo ng bigas. [applause]

‘Yan po ang aming – para makatulong po at tuloy-tuloy po ito. At ito po ay isang bahagi… Buti na lang… Ito po ay hindi dahil sa oil crisis doon sa Middle East. Hindi po ito – nataon lang na nasabay. Kaya sabi ko, nagpapasalamat ako na noong dumating ‘yung krisis eh sabi ko, tamang-tama, buti na lang may programa na tayo para tulungan.

At dahil mas maraming naghihirap dahil tumata… Alam naman po natin,

pagtaas ng presyo ng langis, nagtataasan ng presyo ng lahat. Kaya sabi ko, tamang-tama, eh nataon itong programa na ito.

‘Yung pangalawang programa po ay aming binibigay naman sa ating mga barangay officials.

Ano naman po ito… Mayroon po – mayroon din pondo na ginawa natin, binu – nagbuo tayo para sa mga bara-barangay. Itong pondo po ito ay binibigay namin sa bawat barangay.

Ginawa namin sa dalawa – na bawat barangay ay bibigyan ng national

government ng PhP200,000. Itong PhP200,000, ang hiningi lang namin sa ating mga barangay official, ika namin, kalahati niyan, gamitin niyo para sa scholarship.

Kaya mayroon po tayong mga scholar at tawag ngayon sa kanila mga presidential scholar.

At sabi namin, doon sa PhP200,000, ‘yung PhP100,000 ihati natin sa tigda-dalawampung libo at magbigay tayo ng scholar – limang iskolar ng tulong sa bawat barangay.

Kaya po, ‘yan po ‘ yung mga cheque na ibinigay namin, ‘yan po ay para matulungan sila para ‘yung iba… ‘Yung iba po kasi ay malapit na magtapos pero mukhang baka delikado, hindi makapagtapos dahil ayon na nga, may kulang sa pambayad, kailangan magtrabaho, kung ano man ang nagiging dahilan.

Kaya ito’y tulong natin dahil alam naman po natin, napakahalaga ng magandang edukasyon, magan – na ating mga – mga kabataan natin ay may magandang pinag-aralan para naman pagdating ng panahon na sila naman ang maglilingkod para sa ating bayan, sila naman ay ready na, handa na, maganda na po ang training. Kaya ‘yan po ang dalawang programa natin.

Asahan po ninyo na ang inyong pamahalaan ay hindi po natutulog, hindi po nagbabakasyon kung hindi walang ginawa, kung hindi mag-isip ng paraan kung ano ang pangangailangan ng ating mga – ng taumbayan, kung ano ang pangangailangan ng ating mga naghihirap na kababayan, kung ano pa ang aming magawa para makatulong. Ito po ay aming ginagawa.

At bukod pa roon, kami po ay nakikinig din sa inyo. Kaya sabihin po ninyo sa amin kung ano ang mga problema, anong nahaharap ninyo, anong klaseng tulong ang kinakailangan ninyo at titingnan po natin. At kung kaya gawin ng pamahalaan, gagawin po natin ‘yan.

Huwag po kayong nag-aalala habang nandito po ang inyong pamahalaan. Nandito po ang gobyerno na nag-aalalay sa inyo, na tumutulong sa inyo, at tinitiyak na ‘yung buhay po ninyo ay maging mas maginhawa kahit kaunti lang, makapagdala po ng ginhawa sa inyong mga buhay.

Kaya po, ito po ang ating programa.

Nandito po ang inyong gobyerno, nakikinig at hindi lamang nakikinig kung hindi ginagawa ang lahat upang tulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan.

Maraming-maraming salamat po. Magandang umaga po sa inyong lahat.

[applause]

— END —