Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bawat Bayan Makikinabang: City of Lucena

Speeches 21 July 2026

Maraming maraming salamat at maraming salamat sa napaka-init na salubong na ibinigay ninyo sa akin. Maraming salamat.

Laging pagbabalik ako dito sa Quezon saka sa Lucena parang nauwi ako. Thank you po

[magsi-upo kayo].

Ang sadya ko lang po dito, nandito po ako upang tignan yung aming bagong programa na isinulong at dito unang una, yung nandito nakasulat, ang Bawat Bayan ay Makikinabang. Ano po yun?

Dahil po, meron po ang pondo sa national government na tinatawag na LGSF, Local Government Support Fund.

Yang Local Government Support Fund na yan ay pondo na nasa national government na talaga naman, kagaya nasa pangalan, local government support ay dapat na panggamit na ibibigay sa mga ating mga local governments, sa ating mga gobernador, sa ating mga mayor ng lungsod, ng bayan, at kasama na rin dyan ang ating mga barangay officials.

Paano po? Dalawa pong programa yan. Unang-una, yung sa LGSF. Yung LGSF ay Local Government Support Fund. Ngunit, alam nyo po, naging Governor ako sa amin sa Ilocos Norte ng siyam na taon. At lagi po namin nakikita yan, LGSF, Local Government Support Fund.

Pag tinatanong ko sa aking mga kapwa governor, sabi ko, paano bang makakuha ng tulong dyan? Paano bang mag-avail dyan?

Eh sa siyam na taon na pagka Governor ko, walang nakapagpaliwanag sa akin kung paano nga makakuha ng tulong doon sa LGSF. Walang sistema. Walang naging sistema.

At sa siyam na taon na pagka-governor ko, hindi po ako nakatanggap, hindi pa ako nakakita ng LGSF, so kaya’t nung nanungkulan na ako bilang Pangulo, eh kako ito na yung pagkakataon ko, aayusin ko ang sistema ng LGSF na yan.

Kaya ang ginawa po natin ay sinabi natin unang-una makipag-ugnayan sa local government, dahil po sa pamahalaan, sa gobyerno, ako po ay lumaki sa local government, diyan ako natuto para talagang malaman kung ano ba talaga nangyayari dahil pagka Senador ka, Presidente ka, eh mahirap malaman kung ano ba talaga ang sitwasyon sa bawat probinsya, sa bawat lungsod, sa bawat bayan.

Mabuti na lang magkatulungan, kailangan magpatulong din kami sa ating mga local government official.

Kaya’t ginawa namin ay nakipag-ugnayan tayo sa ating mga local government official at ang pondo ng LGSF na galing sa national government ay ika namin hindi naman national government ang mag-administrate, magbibigay nitong pondo na ito.

Dapat magpatulong tayo sa local government officials dahil alam naman natin kapag ang national government ang gagawa may katagalan po kasi ano paano kung kami pa ay pupunta magpapadala kami ng tao dito sa inyo at magsa-survey, tatanong sino ba yung mga nangailangan ng tulong dito, sino ba dapat mabigyan at maging benepisyaryo dito sa programa natin.

Tapos pagka natapos yung survey, aakyat pa yun hanggang sa opisina ko bago ma-approve, bago bababa ulit, e mahabahaba na ang proseso yun. Kaya kako, para mapabilis, ay magpatulong tayo sa local government.

At sabihin na lang natin, sabi ko, bakit pa tayo gagawa ng survey? Dahil sa local government, alala ko, yung listahan ng mga nangangailangan, yung mga dapat paging benepisyaryo,ay araw-araw namin tinitignan yan, araw-araw, nakafile yan, araw-araw namin pinapalitan at dinadagdagan, binabawasan kung anuman ang kailangan gawin.

Kaya sabi ko, tanong na lang natin sa ating mga local government officials, yan po ang aming ginawa kaya’t hindi na po, ang binigay po natin, ang pondo na yan, lahat ng pondo na yan ay binigay natin sa ating mga local government officials para dito sa rice support program.

Ito po yung nakikita ninyo, yung mga tig-sa-sampung kilo na sako ng bigas, ito po ay pampatulong dahil po sa dami ng pangangailangan, may mga kababayan pa natin na hindi nakakatiyak na sila’y kakain ng mahusay sa isang araw.

Kung minsan po, meron kaming nakikita, isang beses lang kakain sa isang araw, pati yung mga bata, pati yung mga anak nila.

Kaya sabi natin, eh doon natin ilagay itong pondo na ito, itong pondo na ito ay bumili tayo ng bigas at ipamigay natin sa mga nangangailangan na kababayan natin upang matulungan at matiyak na sila ay kahit papano ay meron silang mailagay sa kanilang hapag-kainan para may pagkain ang kanilang mga pamilya.

Yan po ang hangarin nitong programang ito.

At isa pa po, huwag nyo pong isipin na itong pagbigay ng tigsa-sampung kilong sako ng bigas ito ay minsanan lamang, hindi po.

Gagawin po natin, magbibigay tayo ng 10 kilos na sako ng bigas every 2 months, 6 na beses sa isang taon.

[applause]

Patuloy po yan, at uulitin ko, pagka naging maganda ang resulta nitong programa ito, sinasabi ko nga sa ating mga kaibigan sa local government, sinasabi ko nga, pagka maging maganda ito, sinusulat ngayon natin ang national budget ng 2027 ng susunod na taon ay titiyakin namin kung maganda talaga ang resulta nito, ay dadagdagan natin, sisikapin namin na dagdagan pa ang ating tulong para sa ating mga nangangailangan na kababayan.

[applause]

Yan po, yan po ang nasa programa po ng LGSF, kinuha po natin sa LGSF. Kaya ang national government at basta’t ang national government at saka ang local government ay talagang nagtutulungan.

Pagkasabay-sabay na gumagalaw ay makikita natin mabilis ang pagbaba ng serbisyo sa taong-bayan at mabilis na maramdaman ng taong-bayan ang tulong na ibinibigay ng ating pamahalaan.

At dahil po patuloy po ang aming iniisip kung paano matulungan ang ating mga localities, ang ating mga local government, ito naman po, meron po tayong karagdagang programa, ang tawag po namin doon ang Socio-Civic Development Program.

Ito naman ay para sa ating mga bara-baranggay. Yan po ang aming ginawa.

Bawat baranggay ay binigyan po ng National Office of the President po, sa akin talaga galing yan, binigyan po natin ng tigda-dalawang daang (200,000) libong piso.

[applause]

Ang hiningi lang natin, ang hiningi lang natin sa ating mga barangay opisyal ay doon sa 200,000 piso, ang 100,000 piso ay gamitin natin para tulungan ang ating mga magiging iskolar, at mamili ang bawat barangay ng lima, lima na maging presidential scholar upang mabigyan ng tulong sa halaga ng dalawampung libong (20,000) piso.

So bawat estudyante, na napili ng ating mga barangay official, sila po ay makakatanggap, yan po yung nakita ninyo, yung ating mga estudyante, mga nag-aaral ay nabigyan ng cheke-, tigda 20,000 piso yan, para sa kanila yun, para sila ay tiyak na makapagtapos yun po ang hiningi namin sa ating barangay official, hanapin nila yung mga malapit na magtapos, pero alanganin, baka hindi makapagtapos na mabuti dahil nga kulang sa pambayad, kailangan magtrabaho, kung ano man ang naging dahilan para makatulong po tayo.

Bakit po natin ginawa yan? Dahil napakahalaga na ang ating mga kabataan pagdating ng panahon na sila na ang mga leader ninyo, sila na ang namamahala, sila na ang nagpapatakbo ng pamahalaan, sila na ang nagpapatakbo ng mga negosyo, sila na ang nagpapatakbo ng kung ano man ang kanilang pasukin na hanapbuhay ay handa sila at sa ganun paraan matutulungan nila ang kanilang sarili, matutulungan nila ang kanilang pamilya, matutulungan nila ang kanilang komunidad, at matutulungan ang buong Pilipinas.

Yan po ang ating mga programa na ibinibigay yun pong natira na isang daang (100) libo, dalawang daan (200) libo yan, bibigay natin yung isandaan libo sa ating mga iskolar.

Yung natirang isandaan libo, bahala na yung ating mga barangay official kung saan nila gagamitin, dahil alam naman natin…

Ito na naman dahil sa karanasan ko sa local government, alam ko walang mas nakakaalam sa sitwasyon sa lugar, sa barangay, sa bayan, sa lungsod sa probinsya kung hindi yung local executive.

Kaya’t hindi namin sinasabi, dito nyo gamitin, dyan nyo gamitin, nasa sa inyo yun kung ano yung pangangailangan ninyo at nasa sa inyo kung paano nyo gagamitin.

Kung makita po ninyo sa labas, meron po mga ibang barangay chairman na nandun, pinakita, yung iba ginamit pambili ng monoblock, yung iba ginamit pambili ng computer, bumili ng solar light, doon sa ibang lugar, bumili ng motorsiklo, doon sa ibang lugar, kung ano, yung ibang barangay, bumili pa ng bigas para dagdag pa.

Kaya nasa sa inyo na yun kung saan yan sa palagay ninyo ang pinakamagandang paggamit ng pondo na yan.

Kaya po, yan po ang aming dalawang bagong programa at ito ay talagang ginagawa natin mabilis at ginagawa natin mas mabilis para maramdaman ng ating mga benipisyaryo para mabigyan natin ng tulong ang ating mga kababayan, na alam naman natin, yung mga iba sa mga kababayan natin ay nangangailangan pa rin ng tulong.

Yung mga ibang kababayan natin ay kailangan pa rin alalayan, kaya yan po ang aming binuo ng programa. Yan po ang LGSF. Yung una, yung LGSF.

Yung pangalawa ay yung Socio-Civic Development Program. Ito po ay sa programa na ang Bawat Mayan ay Makikinabang.

Yan po ang ating magiging programa.

[Applause]

Sana po ito ay maging matagumpay at titiyaking po namin na kung sino man, ang nangangailangan ng tulong sinuman, ang nangangailangan ng pag-aalalay galing sa pamahalaan, sino ba ang dapat mabigyan ng serbisyo ng pamahalaan, kami po ay nandyan. Asahan po ninyo na ang inyong pamahalaan ay nandyan, ay kasama ninyo.

At hindi lang po kami nag-uutos kung sino, kung paano gagawin, ano yung gagawin ninyo sa pondong ito, ano yung mga dapat ninyong gawin, ang pamahalaan po ninyo ay nakikinig po rin sa inyo.

Kaya’t kung ano man sa palagay ninyo ang kailangan pagandahin, ang mga kulang, kung ano pa ang mga kailangan gawin ng inyong pamahalahan, ay sabihan nyo kami, sabihan nyo si Governor, sabihan nyo si Mayor, sabihan nyo yung mga barangay chairman ninyo, sabihan nyo yung mga ahensya, iba’t ibang ahensya na nandito ng national government at saka ng local government para naman malaman namin kung ano yung pangangailangan ninyo.

At asahan ninyo, kaya namin gawin, gagawin po namin para matulungan lahat ng ating mga kababayan na nangangailangan, lahat ng ating mga kababayan na humihingi ng tulong na kailangan alalayan.

Yan po ang aming hangarin, ang aming layunin at ito po dahil naging bunga po nito dahil hindi ko makalimutan, bago akong upo bilang Pangulo, ay tinanong sa akin, nag-interview ko, tinanong sa akin ng ika-nila, ano ba talaga ang pangarap mo para sa Pilipinas?

Kaya nag-isip ng sandali at mabilis na nakita ko yung ano ba talaga yung sagot dyan, ang sagot ko, ang tanging pangarap ko para sa Pilipinas ay wala ng gutom na Pilipino.

Yan po ang aming ginagawa…[applause] para maabot natin yang pangarap na yan, para matupad ang ating pangako sa ating mga kababayan na tayo ay nandito para magserbisyo sa inyo.

Kaya’t asahan po ninyo, ang pamahalaan ninyo ay hindi po malayo sa inyo, nandyan po sa tabi ninyo at pagka kayo ay nangangailangan ng tulong, gagawin po namin ang lahat upang tulungan kayo.

Maraming maraming salamat po.

Magandang umaga po sa inyong lahat. Maraming maraming salamat.

— END —