Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bawat Bayan Makikinabang: Cagayan
[Ilocano] Governor Egay Aglipay for your – para sa inyong mga napaka – pinaalala sa atin ang mga programa ng gobyerno. At lahat po [Ilocano] mayores, opisyales; 820 nga barangay chairman [Ilocano].
Nandito po ako upang… Unang-una nanggaling po kami sa Cagayan Valley Medical Center kung saan mayroong bagong specialty center. Anong ibig sabihin ng specialty center? ‘Yung specialty center ay isang bahagi ng ospital kung saan dito ay spine and brain ang kanilang espesyalidad.
At pagka may karamdaman ay mayroon na tayong specialty hospital. Ito po ay kasama sa programa ng national government para sa buong Pilipinas, dahil natuto na po tayo. Noong nandito ang COVID ay ang kailangan ng taumbayan, kailangan ng mga pasyente, ‘yung specialty center.
Ang problema lang, ang mga specialty center, lahat ay nasa Maynila. Kaya eh mabuti… Dito naman sa Cagayan, sa Tuguegarao, makakaabot kayo sa Manila pero sa bandang Visayas, bandang Mindanao, ay mahirap talagang makapunta sa Maynila lalong-lalo na may sakit. Kaya’t ay natuto tayo.
At sabi ko noong ako’y umupo, maglagay tayo ng specialty center sa iba’t ibang lugar. At para naman kung mangyari ulit ‘yung kagaya ng COVID ay hindi na tayo naghahanap ng ospital at nakukulangan ng lugar.
Maganda po ang ginawa nila na specialty center. Ang ginagawa namin po sa ibang lugar, ano, isang ano lang, kasama lang doon sa ospital na ano. Dito, ang laki-laki nung ginawa na specialty center at sana naman, ito ay makakatulong sa ating mga kababayan na matatamaan ng sakit.
Ang isa pang sadya ko nito ay ito nga – ipakita ang ating dalawang, more or less dalawang programa na inilalabas ng national government kasama ang local government.
At ito po ay ang unang-una, ‘yung nakikita po ninyo, Bawat Bayan Makikinabang. Ito po ay programa na ang ginagawa ng national government ay sinasama sa lahat ng aming trabaho ang mga lokal. Dahil alam naman po natin na kung minsan kapag umaasa lang tayo sa national government, eh kahit lahat ng maaari naming gawin, ginagawa, mabagal po.
At saka mahaba ang dadaanan ng pondo, ang daming madadaanan ng serbisyo. Maraming pangangailangan, maraming dokumentong kailangang pirmahan. Eh, ikako, sabi ko naman, baka naman hindi na kailangan ‘yun.
At malaking bagay… Sabi ko, ba’t di natin ginagamit ang mga local government official? Dahil nandiyan na sila. At hindi… Alam na nila lahat ng problema doon sa kanilang lugar, alam nila kung papaano ayusin ang mga problemang ‘yun. Sa kanila na natin ibigay ang pondo, sila na ang gumamit.
Kaya ‘yan po ang nagsimula – kumuha po kami ng pondo sa tinatawag na Local Government Support Fund, LGSF po. At ‘yung pondo na ‘yan ay talagang para sa local government. Ngunit hindi – madalas hindi nagagamit ng local government, kung saan-saan napupunta. Kaya’t sabi namin, ito mula ngayon eh local government talaga ang gagamit niyan. Kaya’t ‘yung LGSF, binaba na namin sa mga probinsya, sa mga lungsod, sa mga bayan.
At kasama doon sa pagbaba ng pondo na ‘yun ay nagpapatulong ang national government na gumawa ng listahan ng kung sino man ang mga nangangailangan ng tulong para makakain. At ‘yan po ay bibigyan… Ito po mga sako-sako na tigsa-sampung kilo na bigas, ‘yan po ang ibibigay natin para naman kahit papaano, kahit na masyadong nahihirapan na ang mga kababayan natin, may mga tayong kababayan, masyado ng nahihirap – hindi mapakain ang kanilang pamilya, hindi mapakain ang kanilang sarili eh kahit papaano ‘pag may sampung kilong bigas ay makakatulong tayo at hindi tayo makakaranas, hindi natin mababalitaan, hindi natin makikita na masyadong maraming nagugutom.
Kaya ang pangarap ko talaga, lagi kong sinasabi, ay sana maiabot natin na sana wala ng Pilipinong ginugutom. Kaya ito po ‘yung mga programang nilalabas natin.
Ito pong mga sampung kilo na sako eh huwag niyong isipin po na minsanan lang ito. Magbibigay kami ng sampung kilo na sako na anim na beses sa isang taon. [applause]
Kada dalawang buwan, mayroon na naman sampung kilo.
Basta po nangangailangan po ang – nangangailangan po kayo ay nandito po ang pamahalaan at tuloy-tuloy na nakasuporta sa inyo hangga’t kailangan pa ninyo.
Pagka medyo mas maganda na ang takbo ng buhay ninyo, mayroon na kayong trabaho. Eh, ‘yun na lang – patuloy lang natin gagawin ito, hangga’t kaila – hindi niyo na po kailangan.
‘Yan po ang programa namin sa LGSF.
Isa doon sa pondo – sa pondong ‘yun, pati sa mga healthcare, mayroon na po tayo doon sa pag-alaga sa ating – sa ating… ‘Yung ating mga – ginagamit nating mga hospital, mga doktor, kapag kayo po ay pumasok, maging pasyente sa hospital ngayon, basta’t kayo basic care tinatawag, o ward patient, wala na po kayong babayaran.’Yan tawag po namin ay Zero Balance Billing. [applause]
Lahat po ng miyembro ng PhilHealth ay puwedeng gumamit ng Zero Balance Billing. Basta miyembro kayo… Lahat naman ng Pilipino dapat maging miyembro eh. Kaya mag-register kayo para nandoon sa listahan ng miyembro ng PhilHealth.
Tinaasan na namin ang pag coverage ng dialysis. Tinaasan na namin ang coverage para sa mga buntis at saka sa kanilang mga anak.
At cancer, tinaasan na rin namin ang coverage pati ‘yung gamot. ‘Yung kidney transplant, ginawa na naming libre pati ‘yung gamot na pagkatapos ng kidney transplant.
Kaya po lahat po kami – lahat ito ay ginagawa namin para tulungan ang ating mga kababayan dahil wala naman… ‘yung pinakamahalagang kayamanan ay ang iyong kalusugan. Kaya ‘yan po ay – ‘yan po ang ginagawa namin, pina-priority po natin.
At ‘yan po ay kasama doon sa pagbigay doon sa tinatawag nga na LGSF para sa mga probinsya, para sa mga lungsod, para sa mga bayan.
‘Yung pangalawa naman na programa ay para naman sa mga barangay – para sa mga bara-barangay.
Ang bawat barangay, binibigyan natin ng PhP200,000 bawat isa. [applause]
Kaya po ang – ngunit isa lang ang hinihingi natin sa ating mga barangay opisyal, ikako sa kanila, ang kailangan natin gawin, ‘yung kalahati ng PhP200,000 na ‘yan, dapat gamitin para magbigay tayo ng scholarship para sa mga kabataan, para sa mga estudyante natin.
Kaya ang bigayan ngayon ng scholarship, ang iskolar, makakakuha ng PhP200,000 sa – kaya’t ang bawat barangay, doon sa PhP100,000, tig-PhP20,000, lima ang magiging tawag namin presidential scholar. Lima ang magiging presidential scholar. [applause]
Eh dinaanan ko nga ‘yung orientation nung ating mga presidential scholar at sinasabi ko sa kanila eh pagbutihin nila at mapapakinabangan nila ‘yung scholarship na ‘yan para maganda ang kanilang mapag-aralan. Para naman matulungan nila ang mga sarili nila, mga pamilya nila, mga komunidad nila. At sa ganoong paraan, para sa buong Pilipinas din.
At importante na ang ating mga kabataan ay handa kapag dumating ang araw, sila’y handa na magserbisyo, alam nila kung anong kailangan nilang gawin at kung papaanong gawin ang kanilang trabaho para naman eh kami naman na eh dumaan – nakadaan na kami dito eh makikita naman natin na hindi maiiwanan ang Pilipinas sa – maiiwanan namin ang Pilipinas sa magandang kamay. And kaya napakahalaga nung ating scholarship po.
At kaya tuloy-tuloy po ang aming ginagawa at iniisip kung lahat ng mga nangangailangan ng tulong na ating – mga mamamayang Pilipino ay hinahanapan po natin ng paraan upang mabigyan ng tulong, upang maalalayan, upang maalagaan dahil ‘yun po ang trabaho ng kaming mga nasa serbisyo publiko.
Sinasabi ko din sa ating mga local government official, ‘yun po ‘pagka maging maganda ang patakbo nitong programang ito, ‘pagka naging maganda ang pagkalat natin ng benepisyo sa iba’t ibang lugar ay asahan ninyo na pagdating ng budget sa 2027, dagdagan po natin ng budget para mas malaki pa ang magiging programa natin. [applause]
Ayun lang naman po, basta ‘yun lang, gusto ko lang na malaman po ninyong lahat na ang inyong pamahalaan ay nandito, lagi po umaalalay sa inyo, nakikinig sa inyo.
Kung mayroon po kayong hinaing, kung mayroon po kayong kailangan, kung mayroon kayong gustong sabihin eh sabihan niyo po kami at kami’y nakikinig naman.
At kung kaya naming gawin at bigyan ng solusyon ang magiging problema ay asahan ninyo, gagawin po namin. Kaya po, ayun lang naman po. Good luck po. Maraming salamat.
[Ilocano]
[applause]
— END —