Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit 2024 Gabi ng Pagkakaisa
Maraming salamat sa ating butihing Speaker ng House of Representatives, Speaker Martin Romualdez; former President and Deputy Speaker, Gloria Macapagal-Arroyo; and — the, makita natin, there are many members of the Cabinet here, and the many members of local government, many members of the legislature, and I greet you all because your presence here, once again, exemplifies what we are trying to do in bringing all of government together, and bringing all of government to find — to gain that synergy, to make the services that we bring to our people better, faster, more efficient, and more relevant; the Pasay City Mayor, our host for this event, Pasay City Mayor Imelda Rubiano; the PAO Chief is also here, Atty. Percy Acosta; at babatiin ko na rin ‘yung ating mga awardees and beneficiaries of Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ngunit nung tinatawag ang mga pangalan, nauna na si Sandro, sumunod si Martin, binulungan ko si former President GMA, kako sa kaniya, “parang may lutong Macau yata itong pagka-awardee” [laughter], pero alam ko naman nagtrabaho sila nang husto at talagang binuo nila itong proyektong ito [applause]; my fellow workers in government; distinguished guests, magandang gabi po sa inyong lahat.
Ipinagdiriwang natin ngayon ang Gabi ng Pagkakaisa ang tagumpay ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Ang BPSF ay naging simbolo ng ating pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan, lalong-lalo na ‘yung mga nasa malalayong lugar ng bansa na kung minsan hindi nararamdaman ang tulong at serbisyo ng pamahalaan.
Bukod pa [riyan], ito rin ay kumakatawan sa pagkakaisa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at ng lokal na pamahalaan. Sa ilalim nito, tayo ay nagtutulungan upang mailapit ang [mga] serbisyo sa taumbayan.
Mula doon sa amin, sa Ilocos Norte hanggang sa Tawi-Tawi, nalibot na ng BPSF ang iba’t ibang probinsya. Naka daan na ang BPSF sa Dalawampu’t isang probinsya sa loob lamang ng [halos] isang taon. Dahil sinumulan natin ito wala pang isang taon.
Nakapagbigay tayo ng lagpas labindalawang bilyong piso na halaga ng serbisyo at halos limang bilyong piso na tulong na pinansyal sa humigit kumulang dalawang milyong benepisyaryo.
Nakapaghatid tayo ng bakuna, [permits], birth [certificates], SSS registration, pati na ‘yung application para sa mga utang, PhilHealth registration kasama na pati ang konsulta, driver’s license, NBI clearance, pasaporte, at marami pang iba na pangangailangan ng taumbayan na nahihirapan dahil malalayo ang mga tanggapan ng pamahalaan. Lalo na kung sa regional gagawin, kaya’t ay naisip namin — ito ang nakita ko at naging matagumpay naman doon sa amin sa Ilocos Norte, tayo na lang ang pupunta doon para hindi na mahirapan ang tao.
And that is the main concept behind BPSF. Is that we perfectly understand… Nag-umpisa ‘yan sa ospital. Bakit ‘yung mga pasyente pumupunta sa ospital masyado nang late, masyado nang malubha ang kanilang sakit. Kung minsan wala nang magawa. Basta’t gagawin na lang komportable ‘yung tao.
Dahil napakahirap, napakahirap iwanan ng trabaho, napakahirap iwanan ang mga bata, napakahirap maghanap ng sasakyan lalo na kung malalayo, mahal ang pamasahe. Kaya’t binaligatad natin, ba’t sila pa ang pupunta sa atin? Kaya’t ito ngayon nakita natina ng BPSF… Iyan ang naging buhay ng pag-iisip na ‘yan at sa aking palagay napakaganda ang naging resulta.
Patunay lamang ito na marami tayong magagawa [para] sa bayan basta’t tayo’y nagkakaisa.
Kaya nating baguhin, pabilisin, at ilapit sa mga mamamayan ang serbisyo ng pamahalaan. Sabi nga nila, basta’t gugustuhin natin, mahahanapan natin ng paraan.
Iyan ang tinatawag na asikasong Pinoy. In-apply natin ngayon sa pamahalaan.
At dahil ginusto at isinapuso ninyo, naging matagumpay ang BPSF. Kaya naman, para sa ating mga lingkod-bayan, local government [units], at ibang katuwang sa adhikaing ito, salamat naman sa inyong dedikasyon, at walang sawang paglilingkod,
at ang inyong sakripisyo. [Congratulations]. [applause]
Ang pagpapakita ninyo ng sipag at [kalinga] – naarawan man, nakabilad man sa araw kagaya ng sinasabi ni Speaker, kung di naman basa sa pawis naba basa naman ng ulan — maihatid lamang
ang serbisyo publiko ay hindi ito matatawaran.
Sana ay mapanatili natin ang walang-sawang paglilingkod at bigyang halaga ang tiwala sa atin ng taumbayan.
Sa ating mga kababayan, para sa inyo po ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Nawa po, sa pamamagitan ng BPSF ay nakatulong kami upang makabuti sa inyong mga kabuhayan.
Ang iba’t-ibang sangay at ahensya ng gobyerno ay nagtutulungan at nagkakaisa upang matugunan [pa] ng mas maayos at mas mabilis ang mga pangangailangan ng taumbayan.
Sa katunayan ang ilang mga lalawigan [na] ating nabisita ay nagsasagawa ng kanilang sarili na tinatawag na ngayon na Mini BPSF.
Bukod [pa] sa mga napuntahan na, sasadyain pa natin ang animnapu’t-isang probinsya sa bansa.
At dahil nakita natin ang kahalagahan ng programang ito, layon din nating magtayo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Center sa ilang mga lalawigan para sa tuloy-tuloy na pagproseso [applause] ng mga pangangailangan ng ating mga residente.
Ngunit hindi pa rin dito natatapos ang trabaho natin.
Hinihiling ko sa lahat ng ating mga iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, kasama lalo na ang [mga] local government [units], na patuloy pa nating pagbutihin, pabilisin, at palawakin ang mga serbisyo upang maabot natin ang lahat ng ating mga kababayan [saan] man sila naroon.
Gamitin natin nang lubos ang teknolohiya upang lalo pang mailapit sa mga Pilipino ang pamahalaan.
[Hikayatin] din natin ang ating mga mamamayan na sumali [rito] sa Serbisyo Fair at gamitin ang pagkakataon na mapabuti ang kanilang paghahanapbuhay at ang kanilang pagtulong sa kanilang sarili, at sa kanilang pamilya.
Maaasahan po ninyo na sa Bagong Pilipinas, ating itataguyod ang magandang kinabukasan sa bawat isang Pilipino.
Maging inspirasyon nating lahat ang tagumpay ng BPSF. Patuloy tayo na magsikap sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas, kung saan ang bawat Pilipino ay may pagkakataong umunlad, magtagumpay sa buhay, at makatulong sa iba na nangangailangan din.
Maraming salamat.
Mabuhay kayong lahat! [applause]
Mabuhay ang BPSF! [applause]
Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]
—END—