Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bagong Pilipinas Kick-off Rally

Speeches 28 January 2024

Magandang gabi po sa inyong lahat, babatiin ko po ang ating mga kasamahan na nandito ngayon upang ipagdiriwang ang paglabas, pagbago ng Pilipinas.

Andito po ang dati nating Pangulo, former President Gloria Macapagal-Arroyo; andito po ang mga ating mga kasama sa Senado, Senator Jinggoy Estrada, Senator Lito Lapid, Senator Bong Revilla; andito rin si House Speaker, House Speaker Martin Romualdez, at ang ibang mga miyembro ng House of Representatives; andito ang ating Executive Secretary, Chief Luke Bersamin, at ang ating kalihim ng iba’t ibang departamento na kasama sa Kabinete; andito rin po ang ating mga sundalo, mga commanding general, officers, enlisted personnel ng AFP; at siyempre naman po, delikado ‘ko pag hindi ko tinapos ang ating binuo, ang aking pagpakilala—ang ating First Lady, First Lady Louise Araneta-Marcos; [Applause] kasama rin po natin ang ating mga local government officials; my fellow workers in government; our friends in the different religious groups; ang ating mga napakahalaga na kasamahan; partners in the private sector; mga kababayan, magandang gabi po sa inyong lahat. [Applause]

Alam niyo po nung nakaraang linggo, dumalo ako sa mga parangal at nakipagdaupang-palad sa ating mga kababayang taglay ng kagitingan ng lahing Pilipino.

Sa bantayog ng SAF 44, naalala ko ang tapang ng ating lahi, silang nauubusan ng bala pero hindi nauubusan ng lakas ng loob.

Sa inagurasyon ng Lung Center of the Philippines’ Lung Transplant Program, nakasalamuha ko ang mga walang takot na mga frontliner natin, na sa harap ng rumaragasang COVID-19 pandemic ay hindi nagpatinag.

Sa loob ng Barasoain Church sa Malolos, sumariwa sa aking isipan ang pag-giit ng ating mga bayani na ang kalayaang nakamit ay hindi na maaaring bawiin.

Sa pagyakap ko sa ating mga PWD na atleta na naghakot ng medalya sa Asian Para Games, nadama ko ang diwang ng paglulupig sa anumang balakid.

Sa pagbukas ng higanteng petrochemical plant sa Batangas, tumambad sa akin ang sipag at talino ng mga Pilipinong manggagawa at mga nangangalakal.

Bakit po? Bakit ko po isinasalaysay ito ngayon bilang pamungad– pabungad ko na pananalita?

Sapagkat po, sa gitna ng pagdududa na walang pag-asa ang bayang ito, sila ang nagpapawalang bisa sa mga maling haka-haka at paniniwala.

Sa negatibismo na tila bumabalot sa ating bansa, na binabaluktot ang ating kakayahang na umusbong, ang mga nababanggit ko, mga bayani, ang patunay na kahit gaano kahirap ang hadlang, kaya nating umunlad at magwagi.

Sa ating mga kapwa Pilipino na mababa ang tingin sa kanilang sarili at kakayahan, ang mga nababanggit kong huwarang Pilipino ang itataas ang ating noo kahit kanino.

Sa mga makakasarili na pilit tayong hinahatak sa landas na “tayo-tayo” at prinsipyong “kanya-kanya,” ang mga nabanggit kong huwarang Pilipino ang patunay na may tagumpay kung “sama-sama” tayong nangangarap at “sabay-sabay” tayong kumilos.

Sa totoo lang, sa bayang ito, hindi po mabibilang ang dami ng mga katulad nila, mga tanglaw na ‘di kayang takpan ng kadiliman.

My fellow Filipinos, it is in the spirit of our race’s resolve to surmount odds, overcome difficulties, and triumph over fears that we gather here today.

We face a complex and changing world.

It calls for a united response that would make our nation strong, our economy sound, and our children’s future secure.

We cannot meet these challenges if no common purpose energizes us.

We need to have a vision that moves us forward as a people united. A vision so compelling that it brings out the best in us. One that is feasible that every one of us will invest in.

We must restore faith in ourselves by taking stock of what makes us a strong people, a resilient nation.

We must dig deep into our valiant past, draw strength from the heroism of our forefathers, and let this heritage of selflessness propel us forward into the future.

Malalim at marami po ang ating pinaghuhugutan ng lakas.

When dreams seem impossible, let us remember that our nation, Asia’s first republic, was founded by patriots who were in their 20s, who never wavered in fighting for the freedom we enjoy today.

Because when stakes are high, let us recall how Bataan and Corregidor survivors rent and rebuilt a nation, whose cities were in ruins but whose spirits were not.

When hard work looms, let us be inspired by the resilience of communities pummeled by typhoons, yet never let this annual stress of nature defeat them.

Every generation who came before us was defined by the crisis that tested their mettle and that tried their souls.

And as we rebuild, we must not return to a nation as it was before. We must create one that is better.

We will only succeed if we overcome the crisis of confidence that clipped our wings long before COVID-19 struck.

We have to begin by restoring faith in ourselves, belief in our strengths, and trust in our institutions. Only then can we have confidence to bravely confront whatever tomorrow brings.

Ang balakid na nakakahambalang sa ating pag-unlad ay ang kawalang tiwala natin sa ating mga sarili, sa ating mga institusyon.

Bakit marami sa atin ay napakababaw ng pagtingin sa ating kakayahan?

Bakit naging marupok ang paggalang sa mga batas at alituntunin?

Simpleng batas trapiko, hindi nasusundan. Ang kalat itinatapon kung saan-saan.

Uso pa rin ang palakasan. Talamak ang palusot. Gustong makalamang, ayaw lumaban ng patas.

Hindi pwedeng ibunton ang sisi sa taumbayang paulit-ulit na pinangakuan, pero hindi natutupad na pangako. Hindi natin pwedeng sumbatan ang masang binigo na ng maraming beses.

Kaya ilang beses ko na naitatanong sa aking sarili, papano ba natin hihilumin ang pagtatampo ni Juana at Juan de la Cruz?

Paano natin ibabalik ang tiwala nila sa gobyerno, sa kanilang sarili, sa ating kinabukasan?

Paano ba natin bubuhayin ang pananalig nila na kaya natin ang mga hamong parating?

I believe that to win that trust, the government must show, in deeds not in words, that it is deserving of that trust.

Government must lead by example, not by empty exhortation but in ways that inspire confidence to our people, so they too, will believe that the greatness they deserve is at hand.

It must present an agenda for the future, with clear benefits for our people, for only by providing clarity will they invest in it.

It must craft a blueprint for progress, a plan that inspires hope and promises change, because without one, we will be inflicting the old and outmoded views on our people, denying them the benefits that innovation and that empowerment will bring.

We now have that PLAN: The Philippine Development Plan of 2023 to 2028.

Binalangkas ito ng lahat ng mga departamento ng ating gobyerno. Nagtoka ng mga gawain, nagkasa sa bawat sektor, sa bawat sulok ng ating bansa, upang sama-sama tayong bumangon muli.

It enumerates the sectors to which funds should be channeled, what nurturing policies must be planted, so that these can contribute to the overall growth that we desire.

It lists the infrastructure which we are building better and more. It paints the ideal human development index that we are all working to achieve.

Ang Philippine Development Plan, ‘yan ang isa sa mga batayang dokumento kung saan hinango ang Bagong Pilipinas, our brand of governance.

Ang Bagong Pilipinas ay hindi slogan na basta lang binigkas, o bumper sticker na kung saan-saan na lang ikinakabit, na ibinuburda sa damit.

Ang layunin ng Bagong Pilipinas ay maglatag ng mga mithiin na dapat nating makamtan para sa kinabukasan ng ating bayan.

Tapos na ang patsi-patsi na plano na naiiba-iba na ang nangyayari lang ay nagkakawatak-watak tayo.

It is the time for bold thinking, accompanied by the strong will to execute it.

As I have said many times, the mandate of the people should be devoted to achieving the grand, not wasted on the petty.

I will not squander the sovereign people’s trust by marching and grunting loudly but staying only in place, when what they want is to surge forward bereft of drama.

Bagong Pilipinas is not a political game plan that caters to a privileged few. It is a master plan for genuine development that benefits of all our people.

Bagong Pilipinas serves no narrow political interest. It serves the people.

Bagong Pilipinas is not a new partisan coalition in disguise. It is a set of ideals that all us Filipinos, regardless of political creed or religion or wealth, can coalesce around.

Bagong Pilipinas is addressed to all government officials and employees, and citizens of this country. It is an invitation to all of us to think about being a Filipino and view the nation from a renewed perspective.

It is a call for transformation. The transformation of our idea of being a Filipino, and the transformation of our economy, of governance, of society.

Bagong Pilipinas transcends this administration.

To those whose overheated imagination has been poisoned by toxic politics, Bagong Pilipinas is no Trojan Horse. It conceals no agenda. It is a program, many workhorses driven by the love of country.

The sweeping vision that it brings presents—will not automatically come to fruition. It will require for all of us to work very hard

Such is not the assigned task of government alone, but it is the duty of every Filipino.

This is not a plan drafted in isolation by those who govern. It is a plan drawn from the inputs of the sovereign. As such, it can only succeed with the people’s participation.

It can only succeed if a government will demonstrate the fortitude to do the hard work.

And for this I pledge, government will neither ask the people for sacrifices it will not exact first upon itself, nor impose a burden that is heavier than what people can carry.

Sa Bagong Pilipinas, ang pagbabago ay nagsisimula sa pamahalaan. While power emanates from the people, change must begin from the government.

Kaya naman, ito ang aking mga mahigpit na tagubilin sa mga kawani ng gobyerno:

Una, bawal ang tamad at makupad sa pamahalaan. Walang puwang ang mga mabagal at sagabal sa serbisyo publiko.

Services must be fast, projects must be completed on time, deadlines must be met per schedule, distress calls must be responded to without delay.

In whatever government office, red tape must be replaced with a red carpet.

At tsaka palitan na ninyo, yung sungit ninyo, palitan na ninyo ng ngiti. Complex requirements and the processing time must be reduced.

Pangalawa, bawal ang mga hindi tapat at nangungulimbat. Kapag pera ng bayan ang nawala dahil sa katiwalian, ang mga taong paglalaanan sana ng pondong naglaho ay nananakawan.

Sa Bagong Pilipinas, bawal ang waldas.

Ang paghahanda, lalo na ang paggugol ng budget ng bayan, ay bukas sa publiko at hindi kinukubli. Walang parte nito ang kinu-upit o sinusubi.

Pangatlo, bawal ang mapangapi at naghahari-harian. [Cheers and applause] You are servants of the people, not their lords.

Huwag nating pahirapan ang taong-bayan. Bagkus, suklian ang kanilang tiwala ng magalang na panunungkulan.

So let me reiterate this, feedback is essential to government, without it, mistakes cannot be corrected, bad behavior cannot be sanctioned, best practices cannot be learned, and good deeds cannot be commended.

Sa Bagong Pilipinas, ang masama ay i-reklamo, ang mabuti ay i-rekomenda. [Cheers]

Ngunit ang mga papuri at puna ay hindi dapat hintaying kumatok na lang sa ating mga opisina.

Obligasyon natin na mga nasa gobyerno na hanapin ito. Kailangan natin bumaba sa masa upang tingnan ang kanilang kalagayan at alamin ang kanilang hinaing.

Huwag i-asa ang pagpisil sa kanilang pulso sa mga report lamang.

Tapos na ang panahon ng pagkukuyakoy sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno. [Cheers]

Halimbawa, imbes na suriin ang isang suliranin sa walang katapusang [balitaktakan] ng mga tao sa gobyerno, bakit hindi [na] lang magkaroon ng konsultasyon sa mga naapektuhan?

Sa Bagong Pilipinas, ang mga mamamayan ay dapat ligtas. Ligtas sa krimen, ligtas sa kalamidad.

Sa mga pulis, ating mga bumbero, tiyakin ninyo na agarang pagresponde sa bawat tawag at sumbong.

Ngunit ang pinakamahalagang dapat bawasan ay ang dami ng tawag at sumbong sapagkat nangangahulugan ito na bumababa na ang bilang ng krimen.

Ang inyong sigasig ay susuklian natin ng suporta – of ample resources to move, to communicate, and to solve the problems that we are facing.

Including tools to prevent a different kind of stealing. When contents of e-wallets are picked by cybercriminals, when their dirty hands reach our children through computer screens.

We will boost the defenses of our people and communities against calamities. More than paying tribute to their resilience, we must provide them with resources.

Sa Bagong Pilipinas, una ang kabataan dahil prayoridad ang kanilang kinabukasan. Pangangalaga sa kalikasan ang pangunahin nilang pagkakaabalahan.

The reforms that we envision for our educational system should be showcased in our classrooms.

The gist of which is this: A learner with books on their table, a well-trained, highly-motivated, well paid teacher in front of them, [cheers] teaching a curriculum carefully curated to our needs, under a setting wired to the digital world.

Sa gitna nito, ang sentro ng ating pagsisikap, isang batang natututo.

To learners who are hungry, we will provide meals, because one cannot feed the mind habang umuugong ang kanilang mga tiyan.

Through Bagong Pilipinas, we will meet our greatest obligation to our youth, to mold them into critical thinkers, problem solvers, and brave visionaries for their country.

Panahon na rin upang bayaran ang ating utang sa mga magsasaka at mangingisda, those who feed the nation but ironically cannot feed their own family.

Nagbabadya ang El Niño, ngunit babahain natin nga mga program ana babawas sa perwisyong ito. Si-siguraduhin natin na hindi malulunod ang mga pinagpaguran ng ating mga kababayan sa kanayunan.

We are expanding our irrigable lands. We are increasing farm support across the board for all crops.

We are incentivizing urban gardening, including turning idle lands into vegetable plots.

We will not tolerate smuggled food that impoverishes our domestic producers and puts our consumers at risk.

The ultimate objective is to make food affordable to all, and one way to achieve this is to make it accessible to consumers.

We are addressing trading and transport bottlenecks.

Itinigil din natin ang [kotongan] ang pagkokotong sa daan at sa pantalan sapagkat ang tong ay nagiging presyong ipinapatong sa mga mamimili.

Sa mga barangay, ang kaayusan at kalinisan ay gawin nating tuloy-tuloy. Ang bawat bakanteng lupa sa inyong nasasakupan ay gawing [halamanan] at gulayan.

Sa mga barangay at SK official, maging modelo kayo ng isang tunay na mabuting mamamayan, may takot sa Diyos, may hiya sa kapwa,
at nangangalaga ng kapaligiran at kalikasan.

Sa ating mga local government units, ang outstanding performance ng bawat barangay, munisipyo, lungsod, at lalawigan ay patuloy na susukatin, kikilalanin, at tututukan, upang ang bawat sangay ng pamahalaang local ay tiyak na magiging epektibo.

Sa mga miyembro ng ating Gabinete, Pangunahan ninyo ang mga Bagong Pilipinas Town Hall Meetings sa mga rehiyon. Ilahad ang mga bagong patakaran at mga bagong programa. Ipadama ninyo ang mga pagbabago na giangawa at ggawin pa ng inyong mga departamento, at hikayatin ang suporta ng bawat Pilipino sa mga patakaran at programang ito.

Sa sambayanang Pilipino, araw-araw tayong manalangin, magsumikap, at kumilos upang maging mas maginhawa ang pamumuhay ng bawat Pilipino sa ilalim ng isang Bagong Pilipinas.

Sa Bagong Pilipinas, may pag-asa ang lahat.

Ang pag-asa ng bayan ay nasa ating lahat.

Mabuhay ang bawat Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! [Applause and cheers]

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [Cheers and applause]

–END–