Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the 2026 National Teachers’ Day: Teacher, Ikaw Naman

Speeches 5 October 2026

Maraming, maraming salamat sa ating Kalihim ng Department of Education, DepEd Secretary, Secretary Sonny Angara. [Please be seated]

Nandito rin kasama natin ang House Speaker, House Speaker Bojie Dy at ang mga iba’t ibang mga miyembro ng House of Representatives; ang ating host city for today’s ceremony, Quezon City Mayor Joy Belmonte na pinasubo lahat ng ibang mga mayor [laughter] dahil kailangan ngayon makapag-produce sila ng katumbas na allowance ng nanggagaling sa bawat—mayayaman naman kayong mga city eh. [cheers and applause]

Pero Mayor Joy, kasama ako doon sa pasubo dahil ako kaagad ang linapitan. Pahingi ng pondo para makapagbigay din kami ng allowance. [cheers and applause] Mali ‘yung pinuntahan ninyo, nandiyan si Speaker Bojie, sa kanila ‘yung budget hindi sa akin. [laughter]

Lahat ng ating mga local chief executives na nandito from NCR; of course ang host natin in this event, for this beautiful event is the former DILG Secretary and good friend Senator Mar Roxas [applause]; at ang labis sa sampung libo ng mga teacher, mga sir at saka ma’am na nandito ngayon, kayo ang pinakamahalaga na bisita ngayon namin dito [applause].

Alam ninyo po, pagka nakaharap namin, makikita ninyo lahat itong mga opisyal, na mga matataas na opisyal, ‘pag wala rito ‘yan mga siga ‘yang mga ‘yan. Pero ‘pag nandito, kaharap nila sampung libo na teacher, behave lahat ‘yan. Mapapanis sila.

My fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen.

Magandang umaga po sa inyong lahat. [applause]

Today, as we celebrate National Teachers’ Day, we honor the men, the women who devote themselves to shaping the characters, values, and future of our learners, the future of our country.

Beyond preparing lessons, checking papers, and computing grades, teaching carries a much deeper purpose.

Para po sa inyo, ang pagtuturo ay isang bokasyon. Sa araw-araw ninyong paggabay sa ating mga mag-aaral, pinipili ninyong magbigay nang higit sa hinihingi sa inyong mga tungkulin.

You give more than you receive. You give your time, your patience, your knowledge, and often, a part of yourselves to every child that you teach.

Kayo ang nagsisilbing inspirasyon sa kabataang nangangarap sa loob at labas ng paaralan.

Kadalasan, kayo na rin ang tumatayong pangalawang magulang nila.

At bilang magulang din, nagpapasalamat ako sa inyong malasakit, pagmamahal, at pag-aaruga sa tuwing sila ay nasa paaralan.

Nakakalungkot lang nga, nitong mga nakaraang buwan, may mga insidente ng karahasan na kinasangkutan ng ating mga kabataan.

Kaya pinapalakas natin ang guidance at mental health support sa ating mga paaralan, nagdagdag ng School Counselor Associates, at pinaiigting ang ating mga hakbang laban sa bullying at iba pang mga uri ng karahasan.

Nagtutulungan ang buong pamahalaan upang maiwasan ang ganitong insidente sa ating mga paaralan. Kailangan natin lahat na maging mulat at handang kumilos. Ang kaligtasan ng kabataan ay tungkulin nating lahat: pamahalaan, paaralan, magulang, guro, komunidad, at bawat isa sa atin.

And that is why I cannot emphasize enough how vital our teachers’ work is to our country and to our future.

Nakikita rin natin ang bunga ng inyong pagsisikap. Ang nabanggit nga na PISA 2025 na tumaas ang score natin sa reading, sa mathematics, sa science kumpara noong 2022. [applause]

Let us keep this momentum going, let us improve the quality of learning for every Filipino child.

Ang edukasyon ay nananatiling prayoridad nitong Administrasyon. Sa katunayan, sa buong kasaysayan ng bansa, ngayong taon nakatanggap ng pinakamalaking budget ang sektor ng edukasyon. [applause]

Patuloy rin nating gagampanan ang tungkulin, pangangalagaan ang mga karapatan, kapakanan, at patuloy na pag-unlad ng ating mga guro.

We have strengthened our non-teaching workforce, streamlined teachers’ paperwork, and reduced classrooms observations from four per School Year to one in School Year 2025–2026, then two… followed by two for the succeeding school years. [applause]

And because supporting our teachers, supporting our teachers means investing in their growth, we have expanded opportunities for career advancement.

As of last month, over 82,105 teachers and school heads have been promoted under the Expanded Career Progression System. [applause]

Last Friday, over 4,100 newly promoted teachers and education personnel in Region II took their oaths of office. [applause]

Pinagbubuti din natin ang mga benepisyo at incentive — mula sa teaching and medical allowances hanggang sa iba pang suportang nakalaan para sa ating mga guro.

Kabilang dito ang World Teachers’ Day Incentive Benefit na matatanggap ninyo sa tuwing ika-lima ng Oktubre. [applause]

Dagdag pa rito, mayroong Performance-Based Bonus para sa 2024. [cheers and applause] Patuloy ang pagproseso nito, at inatasan natin ang mga kinauukulang ahensya na tiyaking maayos at mapabilis ang proseso.

At hindi tayo titigil doon. Patuloy nating hahanapan ng paraan kung papaano pa mapabubuti ang suporta, benepisyo, at mga oportunidad para sa ating mga guro. [applause]

Ako talaga ay malapit ang puso ko sa ating mga guro [applause] dahil bata pa lamang ako, naobserbahan ko na kung papaano maging istrikto ang aking ina, si First Lady Imelda Marcos, at ang aking lola, si Doña Josefa Edralin, sa pagtuturo sa loob at sa labas ng paaralan. Kaya naman, batid kong parehas ang pagdidisiplina ng mga magulang at guro.

At noong ako naging governor ng Ilocos Norte, si First Lady Liza naman, nakita ko ang kanyang dedikasyon bilang law professor doon sa amin sa Ilocos.

Lagi ko ngang sinasabi: Mahirap makipagtalo sa isang abogado, pero papaano kung teacher pa? Hindi lang argumento, may lecture pa! [laughter]

Pero alam naman natin na ang pangaral ng isang mabuting guro ay hindi para pagalitan tayo. Ginagawa nila iyon dahil gusto nilang matuto pa tayo at maging mas mabubuti at mahuhusay na tao. [applause]

Kaya’t sa araw na ito, nagpapasalamat tayo sa mga guro na naging bahagi ng paghubog sa kung sino tayo ngayon. Nagpapatuloy ang inyong kontribusyon sa mga pangarap na kanilang natulungang abutin.

Sa ating mga guro: Patuloy ninyong gamitin ang bawat pagkakataon upang matuto, umunlad, at mapalawak ang inyong kakayahan.

Kayo ang kasama ng ating mga anak sa kanilang paglaki. Kayo ang nagtuturo sa kanila ng mga aralin, ngunit kayo rin ang nagtuturo sa kanila ng disiplina, ng malasakit, at paniniwala sa kanilang sariling kakayahan.

Sa inyong paggabay, naghahanda tayo ng isang henerasyong handang mangarap, handang maglingkod, at handang mamuno sa ating bayan.

Happy National Teachers’ Day!

Maraming salamat po at mabuhay ang ating mga guro!

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]

—END—