Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the 2026 National Kick-off of the School-Based Feeding Program and Milk Feeding Activity at Pulilan, Bulacan
Maraming Salamat sa ating kalihim ng Deped Secretary Sonny Angara
Napaka-simple, kami po ay nandito at sinisimula natin yung Nationwide Feeding Program.
Alam nyo po, meron tayong feeding program noon pero kulang-kulang dahil namimili pa tayo kung sino yung kulang ang pagkain, hindi nakakain ng mabuti, kayaโt hindi makapag-aral ng mabuti.
E natuklasan naman namin na karamihan naman ay dapat talaga pakainin na lang natin, huwag na natin piliin kung sino yung mga dapat bigyan at sino ang hindi kasama sa feeding program, at ginawa po natin ito kagaya ng sabi ni Sec. Sonny.
Ito ay sa mula sa buong kasaysayan ng Pilipinas, hindi pa natin nagagawa ito kaya ako ay tatutuwa na mabuksan ngayon ng ating nationwide feeding program.
Hindi lang po nangyayari ito dito lamang sa Pulilan, kundi sa lahat ng makita ninyo may video yung lahat ng pagbukas ng feeding program sa buong Pilipinas.
Pero napili natin na puntahan ngayon itong puli natin. Hindi ko naman puntahan lahat.
Pero ito ay napakalaking bagay para sa akin. Dahil alam naman natin na kung minsan ang nagiging dahilan kung bakit hindi makapag-aral na mabuti ang mga kapatahan ay kulang sa pagkain.
At kaya tinanggal na natin ang problema na yan para tiyak tayo na lahat ng mga pumapasok na nag-aaral ay hindi na kailangan alalahanin ang kanilang kakainin, hindi na alalahanin ang kanilang mga pamilya, ang pamahalaan na ang tutulong at ang pamahalaan na ang magpapakain.
Meron po tayo kasing problema, marami po sa ating mga kabataan ay parang masyadong maliit dahil kulang sa pagkain, stunted kung tawagin.
At madalas magkasakit. Kaya kasama na rin natin dito ang ating kalihim naman ng Department of Agriculture dahil sila ang humahanap ng supply. At nakita naman natin, isa pang naging tulong na nangyari dahil dito sa programang ito ay yung mga local na supplier. Yun po ang inuuna namin. Hindi kami bumibili sa mga lalaking grocery.
Hanggat maaari, lahat ng ibinibigay ng pamahalaan, hindi lamang dito sa feeding program, pati sa DSWD, lahat po ng ahensya ng gobyerno, inuuna po ang pagbili ng mga lokal na produkto.
Kaya yung mga supplier na meron mga booth dito, mula ngayon, garantisado na ang kanilang merkado dahil dito namin dadalhin para ipakain natin sa ating mga kabataan.
Kaya sa lahat ng mga tumutulong, maraming maraming salamat sa tulong ninyo.
At ito ay napakahalaga dahil alam naman po natin ang pinakamahalaga sa ating mga buhay, ang ating mga anak. Kaya yan ang inuuna natin na alagaan na sila ay makakain na maganda, sila ay maging mgaโฆsustansya ang kanilang kinakain, sila ay ligtas sa sakit.
At sila ay makapag-aaral na mabuti at kasama na po yan dahil marami tayong ginagawa para pinabago natin ang pag-aaral para tayo naman masasabi natin, hinanda na natin ang ating mga kabataan para sa kanilang kinabukasan at sa kinabukasan ng Pilipinas.
Kaya po maraming salamat po sa tulong ninyo.
Congratulations sa lahat ng kasama dito sa ating programa.
Ipagpatuloy po natin, palawakin pa natin hanggaโt kaya.
Maraming maraming salamat po. Maraming maganda umaga po.
โ END โ