Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the 2026 Galing Pook Awards Ceremony: The Ten Outstanding Local Governance Programs
Thank you very much to our DILG Secretary, Secretary Jonvic Remulla. [Please take your seats.]
The Ambassador from the Netherlands to the Philippines His Excellency Roderick Wols; Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity Secretary Mel Sarmiento; officials of the Galing Pook Foundation led by its Chairperson Maria Fe Mendoza; Land Bank President and Chief Executive Officer Lynette Ortiz and the other Land Bank officials that are present here; SM Prime Holdings represented by Vice President Lisa Celerio; local government officials present; partners from the private sector; the winners and finalists of the 2026 Galing Pook Awards: The Ten Outstanding Local Governance Programs; my fellow workers in government; ladies and gentlemen.
Good afternoon.
Hindi maikakaila na ang lokal na pamahalaan ang unang nilalapitan ng ating mga kababayan sa panahon ng kanilang pangangailangan.
Ang bawat komunidad ay may kani-kaniyang kuwento ng hamon, pagbangon, at pag-asa.
At sa likod ng mga kuwentong ito ay ang tanong na patuloy na gumagabay sa inyong mga lider: “Paano pa natin mapaglilingkuran nang mas mabuti pa ang ating mga kababayan?”
Ito ang diwa ng Galing Pook Awards—na kilalanin ang mga lokal na pamahalaang tumutugon sa mga hamon at nakakahanap ng makabuluhang paraan upang mapagaan ang buhay ng kanilang mga kinasasakupan.
Lalong angkop ang pagtitipong ito ngayong Oktubre, ang Local Government Month, dahil binibigyang-diin nito ang mahalagang papel ng mga LGUs sa pagsusulong ng tunay na pag-angat ng ating komunidad.
Sa taong ito, mula sa 208 programang isinumite ng 148 LGUs, paparangalan natin ang 10 natatanging halimbawa ng makabagong pamamaraan, may malasakit na paglilingkod at mahusay na pamamahala.
Sa temang “Islands of Hope: Local Innovations, National Inspiration,” ipinakikita ng mga finalist na ang mga solusyong nagsisimula sa komunidad ay maaaring maging inspirasyon sa buong bansa.
Makikita natin ito sa mga nanalong programa sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Sa Bataan, isinusulong natin ang mas malinis na transportasyon sa pamamagitan ng electric vehicles. Habang naman sa Valenzuela, ginagawang park at pasyalan ang mga lugar na dati ay hindi napapakinabangan.
Sa Del Carmen, Surigao Del Norte, at Davao Del Norte, pinalalakas ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Pinalawak naman ng Quezon City ang mga serbisyo para sa mga kabataan na may kapansanan.
Iloilo City, pinahuhusay ang kahandaan sa sakuna at pinabibilis ang pagtugon sa oras ng panganib. Malaki naman ang ibinaba ng bilang ng mga kaso ng dengue sa Baguio dahil pinagtulungan ito ng lahat ng komunidad.
Sa Malolos, ginagamit ang mga likas na materyales tulad ng kawayan upang maiwasan ang pagguho ng baybayin.
Sa Pagayawan, Lanao del Sur, pinahusay ang pagtatala ng mga residente upang mas mapadali ang paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan.
Samantala naman sa Oriental Mindoro, tinutulungang matutong magbasa, sumulat, at magbilang ang mga katutubong Mangyan.
Magkakaiba man ang mga hamon at solusyon, iisa ang ipinapakita ng mga programang ito: na ang mahusay na pamamahala ay nagdudulot ng tunay at makabuluhang pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan.
To our 10 awardees, may this recognition inspire you to achieve even more.
The beauty of innovation is that there is always room for improvement. Whether through technology or better approaches to governance, we can always build on what we have achieved.
As the needs of our communities continue to evolve, so must the solutions that we provide. Continue improving your programs, let your accomplishments inspire other local governments to learn and to take your success even further.
To all finalists, congratulations to you as well.
For each of you has made valuable contributions to our communities through your innovation and commitment to public service.
Your accomplishments reflect the value of finding solutions that respond to the needs of your communities.
And I, along with the Filipino people, thank you for your efforts to improve the lives of those that you serve.
Maraming salamat din sa ating mga institutional partner, National Selection Committee, at Board of Judges.
I can only imagine how challenging it must have been for you to choose just ten, knowing that behind every entry are people who worked hard, thought creatively, and developed innovative solutions to make a real difference in their communities. And that is what makes this annual recognition truly meaningful.
Mga kababayan, ang Galing Pook Awards ay hindi lamang pagkilala sa mga natatanging programa. Isa rin itong pagkakataon upang matuto tayo mula sa karanasan at tagumpay ng isa’t isa.
We must continue to encourage new ideas and build on the solutions that have already been made and that now feeling the difference in our communities.
Let us ensure that the progress we achieve today becomes the foundation for even greater accomplishments.
Maraming salamat at mabuhay ang Galing Pook Awards!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]
— END —