Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at Sa Muntinlupa City, Bawat Bayan Makikinabang Event

Speeches 6 May 2026

Maraming-maraming salamat at magandang hapon po sa inyo lahat.

Sa ating mga city officials, Mayor Ruffy, Cong.,at lahat ng mga Bokales.

Siyempre, ‘yung ating kasama at katuwang sa national development, ang ating mga barangay officials na nandito ngayon.

Nandito po kami – ang sadya ko po rito ngayong araw na ito ay upang tingnan at tiyakin na maganda ang ating paglunsad ng mga bagong programa na nanggagaling sa national government na kasabay ang ating mga local government nang sa ganoon… Ay ito po ay ginawa namin upang maramdaman kaagad ng taumbayan kung anuman ang programa, kung anuman ang tulong, kung anuman ang pondo na ibinibigay ng national government ay idadaan na natin sa local government.

Dahil alam niyo po, ako po ay ang… Lagi kong sinasabi, sa larangan ng politika, ako po ay lumaki sa local government dahil naging governor po ako ng siyam na taon doon sa amin sa Ilocos Norte.

At nakita ko – habang governor ako, nakita ko – ang dami kong natutunan tungkol sa paano ang patakbo kapag nasa ground level.

Iba ‘pag congressman ka eh, iba ‘pag senador ka eh, iba kapag pangulo ka. Hindi mo – ‘pag hindi ka dumaan sa local government, hindi mo alam ‘yung talagang mga issue at kung ano ba ‘yung mga practical na mga pangyayari na kailangan eh bigyan ng solusyon.

At marami po kaming mga programa na nais idulot at dalhin sa ating mga kababayan upang magdala – makapagdala nang kaunting ginhawa naman, lalong-lalo na sa mga panahon kagaya ngayon na mayroon tayong hamon sa oil crisis, energy crisis na hinaharap at dahil sa giyera sa Gitnang Silangan ay tumataas po ang ating mga – ang presyo ng langis.

At alam naman po natin na kapag tumaas ang presyo ng langis, sumasabay po ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ngunit ito pong programa na ito ay hindi nabuo ito dahil doon sa oil crisis. Talagang ilalabas na po namin ito, nataon lang po. Kaya’t may kaunting suwerte pa rin na nandiyan na ‘yung programa habang talaga lumaki at bumigat ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Sa ating mga local government po ay ginamit po natin ang pondo na tinatawag na LGSF, Local Government Support Fund. Sa… Noong panahon ko bilang gobernador, hindi ko po nakita ‘yung LGSF na ginamit para bigay sa mga local government.

At nagtataka nga ako, sabi ko eh local government support fund pero hindi namin nararamdaman. Eh sabi ko eh ngayon, may pagkakataon na at gawin na natin ng tama at gamitin natin ‘yung pondong ‘yun para nga sa ating local government. [applause]

At bukod pa roon, eh sabi ko, bakit hindi – bakit nag-aabang – naka –umaasa lang tayo sa national government?

Dahil kapag national government ang tumatrabaho, kung minsan may katagalan at ang daming dadaanan na mga kung anu-anong – anu-anong mga requirement, kailangan lumapit pa ang tao.

Eh sabi ko, ba’t ‘di natin – ba’t ‘di tayo makipagtulungan sa local government? Dahil sila – kami, bababa pa kami mula region, mula probinsya hanggang sa bayan, eh ‘yung mga local government, andiyan na.

Hindi mo na kailangan hanapan ng tao, hindi mo kailangan magdagdag ng item. Nandiyan na silang lahat. At alam ko, again, from my experience, ay talagang handang tumulong at mas mapapabilis ang pagbaba ng lahat ng tulong na ibibigay ng national government kung tayo ay maganda ang koordinasyon, maganda ang ugnayan sa ating mga local government. Kaya po, ‘yan po ang ginawa namin.

‘Yung isang programa, ‘yung pagbaba ng LGSF sa ating mga probinsya, sa ating mga lungsod, sa ating mga bayan.

Ito po ay ang aming binigay. Sabi ko – sabi namin, may pondo naman tayo. Unang-una, ang hiling lang namin sa local government na dapat kasama doon sa paggamit ng pondong ‘yan ay itong pagbigay ng bigas sa mga nangangailangan.

At madali po – mas madaling gawin ito dahil ‘yung listahan naman po ng mga nangangailangan ng tulong ng ganito, ng mga bigas, ay ‘yung listahan na ‘yan, kinukuha po namin sa mga barangay officials, kinukuha natin sa mga local government officials.

Kaya’t alam na nila, hindi na kami mangongolekta, hindi na kami maghahanap, hindi na kami magse-survey, nasa inyo na lahat ‘yan.

Kaya ‘yan po ang aming ginawa at ito ay isang bahagi ng LGSF na pag-release na lahat ng mga nangangailangan, basta’t ‘yan po ay kasama sa na-identify ng ating mga local government officials ay kasama po sa listahan ‘yan at pag – bibigyan po natin ng itong mga nakikita niyong sako ng bigas, tigsa-10 kilo at magbibigay po tayo para matiyak naman na lalong-lalo na ngayon, na ang ating mga kababayan ay na – Kung minsan ay hindi na… Kung minsan ‘yung iba sa atin ay hindi na talaga makahanap ng paano magpakain sa kanilang pamilya, sa kanilang mga sarili.

Ito naman ay pang-tiyak na lahat ay kahit papaano ay makakatanggap ng kahit kaunti upang matiyak na makakain lang naman.

At isa pang babanggitin ko po, itong pagbigay ng bigas na ito, hindi lang po minsanan ito. Hindi lang minsanan ito.

Gagawin po namin ito, anim na beses kada taon.

Ibig sabihin, bawat dalawang buwan, mayroon po na maibibigay na ganitong sako ng bigas. Para eh…Baka isipin ninyo para sa ano lang, para ngayon lang. Hindi po, tuloy-tuloy po ito.

At mayroon po tayo isa pang programa na ginawa, sinama naman natin ang ating mga barangay officials. Ito ay galing naman… Mayroon pong pondo na kami – na-identify po namin. Mayroon isa pang pondo, Socio- Civic [Projects] Fund. Ito para sa mga programa para pangtulong.

So sabi namin, ang bigay namin, ganito…Simpleng-simple lang ang aming plano. Magbibigay kami ng PhP200,000 sa bawat barangay.

Ngayon, ang hiling lang namin sa ating mga barangay officials, ‘yung kalahati nun, ng PhP200,000 ay gamitin para tumulong sa mga scholar.

Dahil alam naman natin, napakahalaga na ang ating mga – ang ating mga kabataan ay mayroon namang – may pinag-aralan. Dahil ito’y – ito’y tutulong sa kanila, ito’y… Kagaya ng sinasabi ko, nadatnan ko ‘yung – ‘yung orientation doon sa labas, doon sa mga scholar ay sabi ko nga sa kanila, ito, ang edukasyon ay napakahalaga na yaman na makukuha ninyo kapag maganda ang pinag-aralan ninyo.

At itong yaman na ito, hindi ito malalagas, hindi ito makukuha, hindi ito kayang agawin o nakawin ng kahit sino. At habang buhay, nasa sa inyo na ‘yan. At habang buhay, tutulong sa inyo ‘yan.

Kaya’t ‘yung kalahati nung binibigay natin sa PhP200,000 para sa mga bara-barangay, kalahati po nun ay ‘yung PhP100,000 ay ibibigay natin sa ating mga scholar. Tigda-PhP20,000 para limang scholar sa bawat barangay.

At sa ganoong paraan ay makikita natin gagaling at gaganda ang sitwasyon ng itong mga scholar natin.

At siyempre eh aahon din, hindi lamang ang kanilang mga sarili kung hindi ang kanilang pamilya at ang kanilang mga komunidad.

Kaya po ‘yung natira na PhP100,000 ay bahala na ang mga barangay chairman at mga barangay official kung ano ‘yung gagawin niyo diyan.

Dahil dito po eh… Nanggaling po itong pag-iisip na ito dahil sa aking tapat na paniniwala na wala nang mas marunong o mas nakakaalam sa sitwasyon sa lokal kung hindi ang mga local government officials sa barangay.

Wala naman siguro magsasabi sa inyo na mga barangay chairman, mas alam namin ‘yung barangay ninyo kaysa sa inyo.

Eh sabi ko, mga local government, bawat bahay, alam nila ‘yung sitwasyon doon. Alam nila bawat ano. Kaya nakikita natin eh talagang deretso sa tao ang magiging tulong.

Kaya’t ‘yan po ang ating naging programa. ’Yan po ay aming patuloy na tulong upang tiyakin… Alam niyo po, dahil noong una akong umupo bilang Pangulo, mayroon po, nagpa-interview po ako. Mayroon nagtanong sa akin, sabi niya, “Ano talaga ang gusto mong mangyari na pagbaba mo bilang Pangulo na achievement na naging – nagawa mo?

Sabi ko, ang pangarap ko talaga ay masabi natin na wala nang gutom na Pilipino.

Kaya’t ito po ang mga iba’t ibang programa na ating inilalabas at ating iniimplementa upang eh sana naman, kahit na hindi natin maabot ‘yung sinasabi kong walang Pilipinong gutom ay mababawasan natin ang mga Pilipino na hindi makakain. [applause]

At marami… Kahit papaano, makapagdala tayo nang kaunting ginhawa sa mga naghihirap, sa mga nangangailangan.

At asahan po ninyo na ang inyong pamahalaan ay laging nandito po. At hindi lamang tumutulong ating ginagawa, iniimplementa itong mga programang ito kung hindi bukod po roon ay kami ay laging iniisip namin kung ano pa ang maaari naming gawin upang tulungan ang mga nangangailangan na ating mga kababayan.

At lahat – at para gumanda at umahon nga sa kahirapan at kahit papaano ay mas maging maginhawa ang inyong mga buhay. ‘Yan po ang aking pangako, ang pangako ng Administrasyong Marcos sa inyo. Dahil asahan ninyo, nandito po ang pamahalaan para alalayan kayo, para alagaan kayo, para tulungan kayo.

Kaya’t maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Mabuhay po kayo. Mabuhay ang ating mga LGU. Mabuhay lahat ng mga – lahat ng local officials.

At… Ay lagi ko pong… Bago ko makalimutan, lagi kong sinasabi sa lahat ng mga – aming mga partner ngayon, dito sa ating mga programang ito. Kapag maayos ang ating implementation nitong programa na ito, eh pinagpaplanuhan na po namin na pagka maganda – maganda at maayos ang pagdala ng serbisyo, ng tulong sa taumbayan ay tiyakin namin na sa susunod na taon ay lalaki pa po namin ‘yung budget para dito.

[cheers and applause]

Kaya’t nasa sa inyong kamay na padamihin natin at pagandahin pa natin itong mga programa.

Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Magandang hapon po. Magandang hapon po.

— END —