Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at Sa Las Piñas City, Bawat Bayan Makikinabang Event

Speeches 6 May 2026

Maraming.. Mainit na sa labas, mas mainit pa salubong dito. [applause and cheers]

Maraming, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. Lagi po ako’y natutuwa… [Magsiupo po tayo.] Lagi akong natutuwa dito makabisita sa Las Piñas.

Naalala ko noong kampanya. Noong dumadaan kami rito. Nako.

Siguro, ika ko, siguro dito na sa Las Piñas ‘yung pinakamalalakas ang boses ng mga Pilipino. Nandito sa… [applause and cheers] Nakita niyo na?

Magandang hapon po sa inyong lahat. Marami pong salamat sa inyong napakainit na salubong. Kami po ay nandito at maraming salamat sa ating mga local officials.

Mayor April, tama po ‘yung sinasabi nila. Matagal na po kaming magkaibigan. Magdadalawampung taon na po. Nahahalata ‘yung mga edad natin pagka nababanggit ko ‘yung mga ilang taon na magkasama.

At kaya naman, nakakatuwa na makapunta, makabisita ulit sa inyo. Lalong-lalo na dahil po ang sadya ko rito ay tingnan ang pag-implementa nitong aming mga bagong programa na parang pagsama-sama at pag-uugnay at pagtulungan ng national government at saka ng local government.

Dalawa po itong programa na aming pinag-uusapan. Unang-una ay ‘yung tinatawag na LGSF, Local Government Support Fund po.

‘Yan po ay talagang pondo na itinatabi para sa local government. Eh ‘yun lamang noong naging gobernador po ako ng siyam na taon doon sa amin sa Ilocos Norte.

Eh sa buong siyam na taon na ‘yun, ni isang kusing hindi namin nakita ang LGSF. At ‘yung aking mga kapwa na local government official tinatanong ko sa kanila, kayo ba ay may nakuha?

Sabi nila, wala naman. Hindi namin alam kung papaano gagawin. Walang maliwanag na paraan upang magkapag-avail, makakuha nitong pondong ito. Kaya sabi ko naman napakasayang.

At isa pa ang isang natutunan ko po bilang gobernador ay na kailangan ang lahat ng gagawin ng national government, kailangan kasama ang local government.

Dahil ganito po, unang-una, kapag national government lang ang gumagalaw, napakabagal po at ang daming kailangang gawin, ang daming dadaanan, ang daming kailangan na kung ano-anong dokumento. Pupuntahan pa ng mga tao para ma — doon sa malalaking opisina, sa regional office bago makuha ‘yung kanilang tulong. Ilang araw ‘yun? Dalawang araw bago makuha ‘yung kumpletong papeles, bago makuha kung anuman ‘yung kanilang hinihingi.

Kaya sabi ko handang-handa naman, imbes na kami sa national government, gagawin pa naming ‘yung region namin, hanggang region lang kami. Kadalasan hanggang region lang ang mga opisina, mga ahensya namin.

Kaya sabi ko ba’t ‘di natin ibigay na sa ating mga local government dahil hindi na tayo maghahanap ng tauhan na tutulong sa atin. Nandiyan na sila. Araw-araw sila – sa araw-araw na nagtatrabaho ang local government official

nandiyan na nasa lokal. Alam nila kung ano ang problema, alam nila lahat ng solusyon na maaari ring gawin para doon sa mga problemang hinaharap ng local government.

At sabi ko tama ‘yan para maging ‘yung tinatawag namin na whole-of-government approach. Ibig sabihin, lahat ng pamahalaan, lahat ng ahensya, lahat, national at saka local, ay nagtutulungan, maganda ang kooperasyon, maganda ang ugnayan, at magiging maganda ang koordinasyon upang talaga naman madaling paabutin sa taong-bayan kung anuman ang tulong na ‘yan.

Kaya ‘yan po ay binaba na po namin ang LGSF sa ating mga probinsya, sa ating mga lungsod, sa ating mga bayan. At sila na ang mamamahala. Kayo na ang mamamahala nito dahil para mabilis.

Ngayon, kung ginawa naming national ito baka inabot tayo ng ilang buwan pa. Ngayon nandito na ito, nakapagsimula na tayo.

And that’s why patuloy naming ginagawa ito upang matiyak namin na lahat ng mga nangangailangan, lahat ng humihingi ng tulong ay mabibigyan ng tulong, naalalayan ng pamahalaan.

Kaya ang unang-una, siyempre ay ang kaunting tulong ay hindi lang — pagbigay ng bigas. Itong tigsasampung kilo na sako ng bigas ay binibigay po namin sa mga alam naming nangangailangan.

At ‘yun pong listahan ng mga nangangailangan kinukuha din po namin sa local government. Dahil imbes na ang national government, magpapaikot pa kami ng tao, magse-survey-survey pa kung sino ang dapat talagang tulungan. Eh nandiyan naman ang mga listahan. Alam na ng mga local government, lalo na sa barangay level. Lahat ng barangay alam ninyo, bahay-bahay kung ano ba talaga ang sitwasyon. Kaya napapabilis at napapaaga ang pagdating ng serbisyo sa taong-bayan. Kaya po ito ‘yung unang bahagi – LGSF.

Isang bahagi lang po doon sa LGSF na pondo itong pagbigay ng bigas. At huwag niyo pong alalahanin itong bigayan ng bigas na ito, hindi po minsanan ito.

Itong pagbigay namin ng 10 kilo ng sako ng bigas, gagawin po namin anim na beses bawat taon. [applause and cheers]

Kaya kahit papaano, every 2 months, bawat dalawang  buwan mayroon tayong maibababa ulit na ganitong tig-sasampung kilo. Upang naman mahirap naman ‘yung minsanan lang.

Eh alam naman po natin na lalo na ng mga panahon kagaya ngayon. Sigurado ko na nabalitaan ninyo na may malaking giyera sa Gitnang Silangan at ang naging resulta nito ay nagtaasan ang presyo ng langis. At alam naman po natin ‘pag tumaas ang presyo ng langis, sumasabay po ang lahat ng bilihin.

Hindi po namin ginawa ito dahil doon sa giyera. Talagang gagawin na po namin ito, nataon lang na ngayon pa na napakabigat ng hamon na hinaharap ng taong-bayan,

na hinaharap ng buong Pilipinas ay nandito na ‘yung programa para sa pagtulong natin sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong, na kailangan ng alalay. ‘Yan po ang naging programa po namin sa LGSF.

Mayroon din po isa pa na programa, ito naman ay para sa mga barangay. At ito ay nanggaling sa tinatawag na Socio-Civic [Projects] Fund.

Ito po ay isa pang pondo. Sabi namin dapat naman talaga – ‘yan din, ganoon din ang pag-iisip na dapat ibaba na natin. Ibaba na natin kaagad para maibigay na kaagad sa taong-bayan ang tulong na nanggaling sa national government.

Alam niyo po tapat ang paniwala ko na napakahalaga ng ginagampanan ng ating mga local government. Napakahalaga ang kanilang serbisyo, napakahalaga ang kanilang trabaho.

Dahil po isipin po ninyo, kahit gaano kaganda ang programa ng national government, kahit na gaano karami ang tulong na dinadala ng national government, kapag hindi po kami nagtutulungan ng mga local ay hindi po mararamdaman lahat ng magagandang programang ‘yan. Hindi po mararamdaman lahat na po ng tulong ‘yan.

Kaya kailangan na kailangan na maganda ang ugnayan ng national at saka local para nga maging successful, para maging matagumpay itong ating mga ginagawa. Para po sa mga bara-barangay, ang ginawa po naming kada barangay ay bibigyan natin ng 200,000 piso. [applause and cheers]

At ‘yung hinihiling lang namin sa mga barangay opisyal ay ‘yung 200,000 piso na ‘yun ay kalahati gagamitin sa mga iskolar. Kaya tigda-20,000 piso ang iskolar sa bawat barangay. Kaya bawat barangay ay lima na iskolar at 100,000 ng pera na ibibigay natin ay sa kanila mapupunta.

Napaka-importante po na tulungan natin ang ating mga kabataan para naman sila may magandang pinag-aralan, para matulungan nila ang sarili nila at matulungan nila mga pamilya nila, matulungan nila ang kanilang barangay, ang kanilang bayan, ang kanilang probinsya, at ang buong  Pilipinas.

Kaya po kung ang bilang ng barangay mga 42,000 – more or less – 42,000, tigli-lima ‘yun, makakatulong tayo ng labis ng dalawang daang libo na iskolar. Ay napakalaking bagay po noon para naman maging maganda na ang training ng mga kabataan natin.

Pagdating ng panahon, tapos na silang pag-aaral, dahil maganda ang kanilang naging pinag-aaralan, mayroon silang magandang trabaho na makuha, tutulong sila sa pag-ahon sa kahirapan ang kanilang mga komunidad, at makikita natin handa na sila.

Kami naman na nandito ngayon na nakaupo sa mga matataas na posisyon, hindi naman ito forever. Eh lilipas din kami. Kaya naman kailangan na kailangan na handa na ang ating mga kabataan para sila naman ang mamumuno. Sila naman ang magiging leader natin.

Kaya ‘yan ang magiging kinabukasan kapag maganda ang pinag-aralan ng ating mga kabataan. Kaya sinama po namin doon sa binigay nating pondo sa mga bara-barangay ang pagbigay at pagtulong sa mga iskolar.

Kaya po patuloy lang po ang aming ginagawa. At sinasabi ko sa lahat ng ating mga opisyal kapag maging maganda –

siyempre bago pa lang itong programang ito. Ngunit pagka maganda ang ating maging resulta dito sa ating mga ginagawa, kapag maayos at maganda at mabilis

ang pagbaba ng tulong sa ating mga kababayan, ay asahan ninyo sa 2027, lalakihan po natin ang pondo para dito sa LGSF at saka sa SCPF. [applause and cheers]

Kaya po huwag po kayong mag-isip na iniwanan na kayo. Kagaya ng sabi ng ating butihing mayor, hindi kayo nag-iisa. Nandito po ang inyong pamahalaan at hindi lamang para dito – [applause] hindi lamang para dito para sa mga programang ito kung hindi patuloy po ang aming pag-iisip at paghahanap ng iba’t ibang paraan upang tulungan ang ating mga kababayan na matulungan ang nangangailangan ng tulong, pagandahin ang mga buhay, at kahit papaano sana po ay magdala ng kaunting ginhawa.

Alam po naman namin na mahirap ang buhay. Ngunit kahit kaunti lang makatulong po kami, gagawin po namin.

At kami ay nakikinig po naman sa inyo. Hindi lang kami basta’t nagsasabi sa inyo kung ano ang mangyayari. Ngunit nakikinig din kami sa taong-bayan para malaman namin ano ba ang inyong pangangailangan.

Kaya sabihan po niyo kami para alam po namin ang gagawin namin at kung kaya naming gawin, hanggat kaya ng ating pamahalaan, hanggat kaya naming gawin ay gagawin namin para sa inyo. [applause]

At tapat kami sa aming katungkulan na ang pamahalaan ay nandiyan upang alagaan ng taong-bayan, upang tulungan, upang gawing maganda ang kanilang buhay, at maproteksyunan ang ating mga kababayan.

Iyon lamang po at sana po ay magkita tayo ulit. [applause and cheers] At hindi masyadong matagal ay maririnig ko ulit ang mga sigaw ninyo.

Maraming salamat po! [applause and cheers]

Magandang hapon po sa inyong lahat.

— END —