Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at Sa General Trias, Bawat Barangay Makikinabang Event
Maraming salamat sa ating butihing secretary ng DILG, Secretary… Teka, ‘yung bang pagkakilala sayo dito, Governor Pogi napunta rin sa Secretary?
[laughter]
So, si Secretary Pogi?
Sabi ko, noong nagkakampanya kami minsan, sabi ko, pambira, dito lang sa Cavite, ‘yung Governor, ang panlaban niya sa kampanya niya dahil pogi daw siya. Totoo naman, totoo naman. Tanong ka sa mga babae.
Mayor Ferrer; ang ating mga kongresista; Governor Remulla, at siyempre, ang mga beneficiary natin, lalong-lalo na ang mga barangay officials na nandito ngayon, barangay officials ng GenTri; at ‘yung ating mga iba pang beneficiary, ‘yung mga magiging presidential scholar, magandang umaga po sa inyong lahat.
Andito po kami dahil mayroon tayong inilulunsad na programa, dalawang klaseng programa. ‘Yung isa po ang tinatawag na – ang manggagaling sa LGSF. Ito po ‘yung nakikita ninyo na Bawat – ‘yung mayroon pa ibang karatula doon. Bawat Bayan, Makikinabang. ‘Yun po, ito po ang ibig sabihin.
Ang LGSF po ay Local Government Support Fund. Ngunit sa nakakaraan, hindi po nagagamit ito masyado at kung saan-saan napupunta ‘yang pondong ‘yan.
Eh ako po ay laking… Ang tawag ko sa sarili ko, laking local government po ako dahil siyam na taon ako naging governor ng Ilocos Norte, nakita ko po ang – paano ang patakbo pagka sa mga provincial level, sa mga municipal level, hanggang sa barangay.
Kaya po sabi ko, siguro panahon na na gamitin natin sa tama ‘yung LGSF. ‘Yan po ang pondo na nasa national government.
Ang ginawa po namin ay lahat ng probinsya, lahat ng lungsod, lahat ng mga bayan ay bibi – kukuha po tayo dun sa pondong ‘yan at ipinamimigay natin sa ating mga local government officials.
Kasama doon sa programang ‘yun, hindi lang po… Siyempre ‘yung pondo ibinababa natin sa local government officials, ngunit mayroon din kaming kaunting condition na kailangan kasama doon ang pagbigay nitong –pagbigay ng mga 10 kilo na sako ng bigas sa mga lahat na nangangailangan.
‘Yan pong listahan kung sino ang mabibigyan, sino ang matutulungan dito sa tigsa-10 kilo na sakong bigas ay kinukuha po namin sa ating mga local government officials, sa mga barangay official, sa mga mayor, sa mga governor para alam po namin kung sino ang dapat makatanggap nito.
At kailangan po niyo malaman, hindi lang po minsanan ito. Itong 10 kilo na bigas ay magbibigay kami anim na beses kada taon. Bawat dalawang buwan may 10 kilo ng bigas [cheers and applause] para naman matiyak natin – para naman matiyak natin ang food supply ng ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.
‘Yan po ang gamit namin dito sa LGSF.
At ‘yung isa pang programa, ‘yung socio – tawag sa – nanggaling naman sa ibang pondo, Socio-Civic Program Fund, SCPF. Ito po ay ginamit naman namin para ibigay sa mga bara-barangay.
At ‘yung binibigay po natin, kagaya ng napaliwanag, ‘yung pong tsekeng binigay ko sa ating ABC at saka kay Mayor, ay ‘yan po ay para sa bawat barangay, makapagbigay po tayo ng PhP200,000.
Ang PhP200,000 na ‘yun, mayroon na naman – mayroon kaming hinihingi sa mga barangay official na kalahati nun, PhP100,000 doon sa barangay ay ibigay sa mga gagawing presidential scholar.
Tigda-dalawampung libong piso ang bigay sa bawat scholar, kaya bawat barangay, magkakaroon tayo ng limang presidential scholar.
Kaya po ito’y dahil napakahalaga po na mayroon tayong magandang training ng ating mga kabataan, na may maganda silang pinag-aralan at para pagkatapos ng – pagka panahon na na kami’y pagka… Lilipas din kami, kaya pagsu – kailangan naka-ready na kayo para pagsunod ninyo, kayo ang magpapatakbo ng Pilipinas. Kaya we have to have good training, kailangan maganda ang inyong pag-aaral.
Ang lagi kong sinasabi na sabi ko doon sa ibang kasamahan ninyo sa labas, nag-orientation, ika ko sa kanila, eh gawin niyo ng – mag-aral kayo nang mabuti. Study hard. Talagang napakahalaga ang magandang edukasyon.
Dahil, lagi kong sinasabi ito dahil ito ‘yung natutunan ko sa sarili kong buhay. Dahil kapag maganda ang naging edukasyon mo, nag-aral kayo nang mabuti, napakabigat na kayamanan ‘yan na nasa sa inyo.
At kahit ano pang mangyari sa inyo, hindi na makukuha ‘yan sa inyo.
Hindi puwedeng agawin, hindi puwedeng nanakawin, hindi puwedeng kunin sa inyo ‘yan, ‘yang edukasyon na ‘yan.
At ‘yan ang tutulong sa inyo habang buhay na tutulong sa inyong mga sarili at sa inyong mga magiging pamilya at sa mga bara-barangay ninyo, sa komunidad ninyo.
Kaya nakakatuwa na makita dito sa GenTri at sa Cavite at sa lahat ng Pilipinas ay magagawan po natin ng paraan upang tumulong.
Natapat pa po dito sa krisis natin na nangyari, ‘yung oil crisis dahil sa giyera nga sa Gitnang Silangan ay nagtataasan ‘yung presyo ng langis.
Alam naman natin, ‘pag tumaas ang presyo ng langis, sasabay ‘yung ibang mga bilihin. Kaya’t mabuti na lang at mayroon na tayong programang ito.
Hindi namin ginawa ito dahil sa krisis. Ginawa talaga lang namin ito. Suwerte lang tayo, mahal talaga – ‘yung mahal – mahal talaga ng Diyos ang Pilipinas dahil naisabay ang ating programa.
Kaya po – at mayroon ding binulong sa atin si – ito. Mayroon ding binulong sa atin si SILG, SILG Jonvic, na bukod pa rito, mayroon tayong bubuksan na branch ng PGH na… Ilang beds ito? How many beds? Oh dalawang – 200 beds. Mayroon tayong – mag-groundbreaking daw kami itong Mayo na ito, isang PGH na hospital sa Carmona. Kaya – [cheers and applause]
Pambi – ang title ni Sec. Jonvic eh secretary of all local governments pero parang nauuna ‘yung Cavite lagi eh.
[laughter]
Nakakahalata na kami sa Cabinet meeting eh puro Cavite ‘yung naririnig namin sa ating butihing secretary. Pero mabuti ‘yan dahil lumalaki po ang populasyon ng Cavite.
Tinatanong ko nga kay… Sabi ko ‘yung una kang tumakbo Sec. Jonvic, ilan ang population – ilan ang botante mo nung una kang tumakbong governor?
One million ang botante niya. Ngayon, tatlo na. Magto-2.6 ganoon? 2.8. 2.8 million. Ang bilis ng progreso ng Cavite. Ang bilis talaga. Ang daming nangyayari.
Lumilipad lang kami at nasa daan kami, ang daming namin nakita na pagbabago at kaya kailangan naman suportahan ng national government. Kaya nandito po ang ating mga programa.
Asahan po ninyo na walang katapusan ang aming paghahanap ng iba’t ibang paraan upang tumulong sa ating mga kababayan, upang maramdaman ng taumbayan ang mga programa ng – hindi lamang po sa national government kung hindi pati na sa local government.
At sinasabi ko nga sa ating mga local government officials, ‘pag – tingnan natin, medyo pilot project pa lang ito eh. Kaya unang beses pa lang ito.
Kung mapaganda natin nang mabuti ito at makita natin na maganda ang takbo, na-fine-tune na natin at maayos na ang pag-deliver ng serbisyo, ng mga tulong sa ating mga kababayan ay pipilitin natin na sa susunod na taon, lalakihan na pa natin ang pondo para mas malaki pa ang tulong na maibibigay namin. [applause]
Kaya po, magtulungan po tayo, lalong-lalo na sa ganitong klaseng mga araw na may hamon tayong hinaharap. Magtulungan po tayo.
Pagka nagtulungan – pagka maayos ang ugnayan ng local government at saka national government, maraming-marami pong nagagawa.
At basta tayo ay ipalabas po natin ang ating ugaling Pilipino na may bayanihan, na may malasakit, na may pagmamahal sa kapwa Pilipino ay tayo po ay magiging matagumpay kahit ano pa ang mangyari.
Maraming salamat po.
Magandang umaga po sa inyong lahat!
[applause]
— END —