Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at Sa General Santos City at Sarangani, Bawat Bayan Makikinabang event

Speeches 1 May 2026

Maraming salamat sa ating Special Assistant to the President, Secretary Anton Lagdameo.

[Please, magsiupo po tayo.] 

At sa lahat ng ating mga elected officials, siyempre kasama po natin dito ang idol, hindi lamang dito sa GenSan, hindi lamang sa Sarangani, pero sa buong mundo, nandito si Senator Manny Pacquiao. [applause]

Kasama rin natin para titingnan ang patakbo nitong ating mga bagong programa.

Siguro, kailangan dapat ipaliwanag ko po kung ano ang ibig sabihin

nitong nakalagay dito, “Bawat Bayan, Makikinabang”.

‘Yan po ay galing po – mayroon pong pondo ang national government na tinatawag Local Government Support Fund. Ito pong pondo na ito ay talagang para tulungan ang ating mga local government, ating mga probinsya, ating mga lungsod, ating mga bayan.

At ‘yan po ay – ‘yung pondo po na ‘yan ay ngayon lang natin talagang gagamitin para maibigay sa mga mayor, mga governor para mayroon silang hawak na pera para kanilang – para sa mga inisiyatibo na nais gawin ng local government.

Dahil po ako ay naging gobernador ng siyam na taon sa Ilocos Norte, kaya’t alam ko po ang sitwasyon ng local government.

Kahit na – kahit – iilan lang ang masasabi ko na local government – na masasabi ay lam –  maraming hawak ng pondo masyado. ‘Yan ‘yung mga Makati, mga Quezon City, mga Maynila. Pero karamihan ng local government ay siyempre laging kulang ang pondo.

O, ‘yan, tumatango. Lahat ng mayor alam nila ito. Pati vice alam ito.

Kaya’t ang iniisip namin ay dapat bigay – gamitin na natin ‘yung Local Government Support Fund o ‘yung LGSF para magbigay ng tulong sa ating mga local government executives.

Kasama lang doon sa aming pagbigay ng pondo na ‘yun ay ‘yung pagbigay ng bigas sa mga nangangailangan.

Itong tigte-ten – 10 kilo na bigas ay binibigay namin sa mga identified na beneficiary. Ang listahan ay nanggagaling sa ating mga local government official dahil sa aking pananaw ang nakakaalam talaga kung sino ang nangangailangan sa bayan nila, sa lugar nila, sa probinsya nila ay ang mga local government official.

Kaya’t binigay na lang namin sa kanila at sila na ang gagamit nito at sila na ang magbibigay ng bigas.

Alam niyo po ‘yung mga benepisyaryo na nabibigyan ng bigas, ‘wag po kayong mag-alala na ito ay minsanan lang. Ito ay tuloy-tuloy. Gagawin po namin – [applause]. Magbibigay po tayo ng isang sako – isang sampung kilo na bigas sa mga benepisyaryo sa isang taon, anim na beses. Bawat dalawang buwan may sampung kilo ng bigas. [applause] Para naman kahit papaano eh mayroon kayong ginagamit.

‘Yan po ang isa sa mga proyekto na aming ginagawa upang matiyak na ang mga kababayan natin ay kahit papaano may makain.

Eh natapat lang po ito…Hindi po ito dahil sa krisis sa Middle East. Natapat –nagkataon lang na nataon na ‘yung paglabas namin ng programa, nasabay dito sa giyera sa Iran at nagtaasan ang presyo ng langis. Kaya’t mabuti na lang at may programa tayong ganito para naman eh mabawasan ang bigat ng dala ng ating mga kababayan ngayon sa krisis na oil crisis na ito, na alam naman natin ‘pag tumaas ang presyo ng langis, sumasama na ang presyo ng lahat ng bilihin. Kaya’t ito po ay tuloy-tuloy ang tulong po natin na aming ibigay.

Mayroon pong isa pa, ‘ yung isa pang cheque na binigay ko sa ating mga – para sa ating mga barangay po. Ito ay isa pang programa dahil po ay – dahil nga sa karanasan ko bilang governor, alam ko ang mga barangay captain, mga barangay official, pagdating ng panahon, eh kung ano ‘yung share ng

barangay sa [unclear], kung minsan sasabihin, “Wala, nagamit na, nangailangan kami, nagka-bagyo, whatever.”

So, tiniyak namin na mayroon namang – may hawak naman ang ating mga barangay official para maraming – ‘yung mga inisiyatiba nila doon sa kanilang barangay ay magagawa nila. Mayroon silang pondong gagamitin.

At sa –  ang ginawa po natin ay PhP200,000 kada barangay. PhP200,000 pesos sa bawat barangay ay magbibigay tayo ng cash benefit.

‘Yun po. ‘Yun lamang ay sinama po namin at ang hiningi natin sa ating mga barangay official ay tiyakin na kalahati doon sa PhP200,000, PhP100,000, doon ay gamitin para tulungan ang ating mga scholar.

‘Yung mga scholar sa kanilang barangay na lalo na ‘yung mga malapit na magtapos pero mukhang hindi makakatapos dahil wala silang pambayad.

Kaya’t mamili sila ng lima na bibigyan ng tigda-dalawampung libong piso, PhP20,000 bawat isa sa scholar, limang scholar sa bawat barangay.

Doon gagamitin ang PhP100,000, ‘yung kalahati ng ibinibigay natin sa mga barangay.

Nakita ko na sa labas ‘yung mga ibang scholar. Nakikita ko rito.

Sinu-sino ‘yung mga skolar dito? Magsi – ito nasa taas. O, ayan. Sinabi ko doon sa labas mag-aral kayong mabuti at mapakinabangan ninyo itong programang ito. Maging presen… Kayo ngayon ang tinatawag namin na Presidential Scholar. At nang sa ganoon ay kahit papaano kung makapagtapos na kayo, matutulungan ninyo ang sarili ninyo, pamilya ninyo, ang community ninyo.

At kaya’t magseryoso kayo sa pag-aaral dahil lagi ko ngang sinasabi sa ating mga estudyante, ang mahusay na edukasyon ay isang kayamanan na hindi kayang kunin sa inyo habang buhay.

Hindi puwedeng mawala, hindi puwedeng nakawin, hindi puwedeng agawin, nasa sa inyo na ‘yan.

At ‘yan ang tutulong sa inyo hanggang sa katapusan ng buhay ninyo, magagamit po ninyo ang magandang edukasyon.

Kaya’t ito po ang mga programa na ginagawa natin at ang dahilan kaya namin ginagawa ito at dahil alam ko ang sitwasyon sa local government.

Kaya’t lagi kong sinasabi ay dapat isama natin ang local government sa mga programa ng national government kasi naman eh maliwanag naman, pagka hindi nag-uugnay, hindi maganda ang coordination ng national government at saka mga lokal, kahit anong ganda at dami ng programa ng national government, ‘pag hindi nakipag-coordinate sa local government, hindi masyadong mararamdaman ng tao ang kahit na anong serbisyo ng pamahalaan.

Kaya’t kailangan – ‘yun po ang tinatawag po namin, whole-of-government approach. Ibig sabihin, ang buong pamahalaan, hindi lamang national. Lahat ng ahensya, lahat ng local government, lahat po ng gobyerno, sabay-sabay gumagalaw upang magdala ng serbisyo sa taumbayan.

‘Yan po ang aming hangarin. Asahan po ninyo na kahit tayo’y humaharap sa hamon ngayon, basta tayo’y magtulungan. Tayo’y – palabasin natin ang ating pagka-Pilipino na matulungin, na may bayanihan.

Basta tayo’y magtulungan at mag-ugnay at mag-coordinate at sabay-sabay tayong gumagalaw para tulungan ng taumbayan, makakaraos din po tayo.

Kaya’t asahan po ninyo na inyong – ‘yung inyong pamahalaan ay lagi pong nandito, lagi pong naghahanap ng lahat ng paraan upang mapaganda o makadulot ng kaunting ginhawa sa buhay ng ating mga mahal na kapwa Pilipino.

Kaya po… Ito pa ang sasabihin ko sa ating mga local government official, pinagbaban – nakabantay po kami nang mabuti sa pagtakbo nitong mga programang ito.

Dahil, tinitingnan po natin kung maganda po ang maging resulta nito, asahan ninyo, next year, lalakihan pa namin ang pondo rito para mas marami pa tayong matutulungan. [applause]

Kaya between – basta’t maganda ang ugnayan natin, basta maganda ang coordination natin, nandito’t gawin natin ang paraan, gawin natin ang paraan na makatulong – mas makatulong sa tao at mas makaka-deliver tayo ng serbisyo.

Kaya’t nandito po kami at lagi po. At nakikinig din kami sa local government kung ano ‘yung sasabihin niyo sa amin.

Kasi lagi kong sinasabi sa mga national official noon, mula noong pagkatapos ko ng governor, sinasabi ko, makinig kayo sa local. Alam nila ‘yung lugar nila. Wala nang mas alam sa lugar nila kundi sila.

Kaya huwag kayong nagmamando na magsasabi na ito ‘yung gagawin, ito ‘yung – magtanong tayo. At magbibigay talaga ng problema. Siyempre, sasabihin ninyo ‘yung problema sa amin. Pero, kadalasan, kasama doon, ay ‘yung solusyon doon sa problema. Ito ‘yung puwede nating gawin, ito ‘yung mga – baka tingnan natin, pag-aralan natin. Hindi lang naman one way ang usapan.

Kaya pagsama-sama natin lahat ng nagseserbisyo sa publiko.

Lahat ng nagmamahal sa kapwa Pilipino. Lahat ng nagsasakripisyo. Lahat ng nagtatrabaho nang mabuti upang mapaganda ang kanilang buhay.

Maraming salamat po.

Magandang tanghali po sa inyong lahat.

[applause]

— END —