Speech by President Ferdinand R. Marcos during his Visit to the Areas Affected by Typhoon Marce in Cagayan
[Ilocano]
Mayor Antiporda. That means we are already the third generation ng pagsama ng Antiporda at saka Marcos. [Ilocano] [applause]
We are here today only because I wanted to see kung ano ba talaga ang damage. At alam niyo po kahit pagka nagkakaroon ng ganitong sitwasyon at nakikita – lahat ng mga tauhan natin ay binibigyan naman po tayo ng report at kung papaano, anong nangyari at anong naging epekto, anong pangangailangan.
Ngunit lagi kong ipinipilit hangga’t maaari ay pupunta – that I come to see for myself. And not only myself, [applause] I have brought with me, of course, the other Cabinet secretaries. Dahil po pagka ganito, nasalanta na ganitong mga napakasama na bagyo, ay hindi kayang gawin lahat ng kailangang gawin ng iisang departamento lamang.
Kaya’t nandito po kasama natin po si Sec. Manny Bonoan ng Department of Public Works and Highways. [applause] Nandito rin po dahil nga, kagaya ng nabanggit ni Mayor, maraming mga nasira… Ang naging problema sa Marce is that hindi kagaya ng mga nakaraan. Ito ay – malakas pa rin ang ulan ngunit ang talagang nagkaroon ng damage tayo dahil sa malakas na hangin.
At inabot – malapit na… Iyong report na natanggap ko ‘yung wind velocity na umabot dito malapit na sa Yolanda dahil umabot ng 240. Ang Yolanda 260 with gustiness of 300 and plus. So, nandoon na eh, nandoon na sa super typhoon category kaya’t nakakaabala.
At kaya naman noong nakita ko ‘yung mga report pati ‘yung mga picture na ipinadala sa akin, eh nakita ko talaga ‘yung damage was from the wind — nagliparan na mga bubong. At ‘yun na nga.
Dahil nga isa doon – dahil napakahalaga ng ating mga evacuation center na ginagamit natin sa mga eskwelahan eh ‘yun pa rin ang nasira. Kaya’t isinama ko na ang ating DepEd Secretary, Secretary Sonny Angara para makita niya kung ano ba ang mga kailangang gawin. [applause]
Ang nauna ngayon dito – nauuna lagi sa ating mga disaster ay natural ang ating DSWD Secretary, DSWD Secretary Rex Gatchalian. [applause]
At dahil kailangan na natin ibalik kaagad lahat ng mga facilities, lahat ng communication pati na ang kuryente, lahat ito, hindi lamang dito sa Buguey, sa Cagayan kung hindi doon din sa amin, doon sa Ilocos Norte, mayroon din kaming tinamaan. Kaya’t sinama ko po, DICT Secretary, Secretary Ivan Uy [applause]; at siyempre nandiyan din si Secretary Katrina [applause] who is a… Siyempre siya ang unang laging – pagka may problema dito sa inyo, siya ang laging unang nagre-report sa akin at… [applause] Sila ni JPE. Alam ninyo, the former Senator, Senate President, and now Secretary, he is the Legal Counsel to the President ngayon. Kinuha ko po. Sabi ko kailangan ko ng legal counsel. Kailangan ng abogado ang Pangulo. Siya ang abogado ng Pangulo.
At sabi ko kaya noong may – sabi ko mag-appoint ako ng abogado ng Pangulo, kailangan makuha ko ‘yung pinakamagaling na kaya kong kuhanin. [applause] Wala ng gagaling kay Johnny Ponce Enrile, kaya’t siya ang kinuha ko na ating Legal Counsel. Nandito rin po ang ating Secretary Anton Lagdameo, siya po ang assistant natin [applause] at tumutulong sa lahat.
At lahat po ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay sinama ko na dahil ang lagi naming ginagawa pagka bagyo, pagka nasalanta, pagka magkaroon ng disaster ay lagi naming sinasabi, hindi kaya ng isang department gawin lahat.
At kaya ang tinatawag namin, ginagawa po namin ay what we call the whole-of-government approach. Ibig sabihin, lahat ng iba’t ibang departamento na kahit papaano ay makakadala ng tulong at makakatulong para mabigyan ng relief, para ma-rescue ang ating mga tauhan, para mabigyan ng relief.
At ngayon, ngayon dito sa Cagayan, ang dapat talaga nating tingnan ay ang reconstruction dahil ‘yung sa… Sa public infrastructure, okay naman, not so bad. Pero ‘yung mga private na tirahan, ‘yun na nga, nasira. Kaya’t ‘yun ang tututukan natin.
Ngayon, kasama diyan dahil maraming nasira na bahay, walang matirahan ang ibang tao. Kaya’t kahit papaano, kailangan pa rin nating mag-provide nitong relief goods. Kaya’t nandiyan po ang DSWD, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng relief goods.
At titingnan po natin kapag medyo bumaba na ‘yung tubig, kung ano ang kailangang gawin sa ating mga mangalon dahil mayroon ding damage. Mabuti rin nakapag-harvest na tayo. Sa amin nakapag-harvest na kami. Kakatanim lang eh.
Then so, ma — hindi — buti na lang ‘yung timing, hindi ‘yung bago aani, nakapag-ani na tayo. So, ‘yung season na susunod ay kaya pang habulin. Kaya’t kahit papaano ay mayroon tayong magagawa upang tulungan hindi lamang ang ating magsasaka kung hindi pati na ang ating mga mangingisda, lahat po ng mga nasira.
Kaya’t nandito naman ako. Mukha naman pong maayos ang ating relief operation. At umikot po kami ng helicopter, tiningnan na po namin nang mabuti at mukha namang… Ang inaalala ko are the — on the — ‘yung seafood growers na mga nasira ‘yung kanilang mga beds eh. So, that’s what the DA will look into. Not so much crops, pero ‘yung fisheries ninyo dahil crab capital kayo ng Pilipinas eh and marami kayong — maraming nag-hahanapbuhay diyan sa ganyang klaseng negosyo. So, we have to do everything that we can para i-restore kaagad ‘yan.
But I think the damage – because it has been – because of the wind and nasa dagat naman medyo bawas nang kaunti pero mayroon pa rin tayong kailangan ayusin.
So, iyan po ang aming sadya and that is why we have come here. And hindi ko nakalimutan kasama – isinama ko na rin po ‘yung dalawang anak ko. [applause] Nandito po ‘yung aking dalawang anak ko: ‘yung pangalawa ko si Simon [stand up, show yourself] at saka ‘yung aking bunso na si Sandro – ay si Sandro, si Vincent. [applause] Hindi, naiisip ko kasi Sandro – ito si Vincent. Nagkamali ako. Pambihira ito, anong klase kang ama. Nakalimutan mo ‘yung pangalan ng anak mo. [laughter]
Hindi, iniisip ko kasi – ang explanation is Sandro, si Congressman Sandro wala rito dahil iniintindi niya ngayon ang tinamaan sa Ilocos Norte ay Pagudpud hanggang pababa hanggang Pasuquin. Kaya’t distrito ni Congressman Sandro kaya’t nandoon na siya at inaasikaso niya lahat. So, isinama ko na si Simon at saka si Vincent – Vincent. [applause]
Iyon lamang po, iyon po ang aming sadya. Asahan ninyo na hangga’t mayroong pangangailangan, ang ginagawa namin hindi namin sinasabi after one week, aalis na kami; after five days, aalis na kami. Hangga’t kailangan niyo kami rito, maiiwan kami rito. [applause] Hangga’t kailangang…
Iyong mga na-displace na nasira nga ang bahay, walang tirahan, kahit nasa evacuation center man sila o nasa bahay ng kanilang kamag-anak o kaibigan, eh mag-provide pa rin kami nitong relief goods, tuloy-tuloy pa rin. [applause] Hangga’t makabalik na sila sa kanilang mga bahay.
Kaya’t nandiyan po, nandiyan naman po lahat ng ating mga opisyal. Basta’t may pangangailangan pa kayo, ipaabot ninyo sa amin. You have the regional and provincial offices of the different national agencies. Just tell us what [you] need. Hangga’t maaari, hangga’t kaya namin, hangga’t kaya naming gawin – at kahit na hindi namin kaya, gagawan namin ng paraan kakayanin natin [applause] dahil mahirap naman basta’t pabayaan ang mga tao.
Magpapasalamat – magpasalamat din po tayo dahil hindi lamang ang pamahalaan ang gumagawa nitong lahat. Mayroon po tayong maraming katulong sa private sector na bago pa kami nakarating ay marami ng ginagawa, marami ng – namimigay na ng tulong.
Kaya’t lagi kong pinag-uusapan kung maalala ninyo during the election, we always talked about unity, we always – sama-sama tayo. At iyan ang nakita natin, basta’t sama-sama tayo, nakikita natin magtulungan tayong lahat, kahit papaano magagawan natin ng paraan. Mabibigyan natin ng tulong ang lahat ng mga nangangailangan na tinamaan ng nitong Marce. At hindi namin titigilan hangga’t masabi ninyo kaya niyo na at hindi niyo na kailangan ng tulong ng pamahalaan.
Itong tulong ng pamahalaan ay maraming bagay. Hindi lamang itong relief goods. Ang DA magbibigay din pagkatapos na tayo makapag-assess doon sa damage, doon sa mga naapektuhan na fishermen at saka ng farmers ay bibigyan din natin ng tulong.
Ang mga naman nasiraan ng hanapbuhay, kunyari may tindahan kayo, mayroon kayong lugar nasira dito sa bagyong ito, nandiyan naman ang DOLE magdadala sila ng tinatawag na TUPAD. Itong TUPAD na ito ay kaunting tulong para naman makabalik kayo sa inyong hanapbuhay.
And then the DepEd is here precisely to continue the repairs that are needed in the school buildings. And, of course, kay Manny Bonoan sa DPWH kung ano ‘yung mga imprastrukturang nasira na kailangan nating ayusin.
So, iyon lang po and I’m happy… Sana makabisita ako sa Buguey na hindi bagyo. Sana makabalik ako dito na nag-celebrate na lang tayo ng kahit na ano. [applause] Mag-celebrate tayo na tapos na ‘yung bagyo at okay pa rin tayo.
The very good news that we have dito sa dumaan po na Marce, sa lahat ng Pilipinas wala po tayong namatayan, wala tayong casualty. [applause] Kaya po nangyari ‘yan dahil mabilis at maaga ang pag-evacuate ng tao.
Alam namin mahirap para sa ibang tao na iwanan ang inyong bahay at iwanan ninyo ang pag-aari. Ngunit ito ang bubuhay sa inyo, ito ang sasalba sa inyo eh. Kasi kung mamilit tayo na nandoon, kung saan dadaan ‘yung baha, kung saan dadaan ‘yung malakas na hangin, baka masaktan naman tayo. Kaya’t mas mabuti…
Kaya naman tayo walang casualty ngayon ay nakapag-evacuate tayo nang mabuti at tuloy-tuloy ang suporta ng gobyerno. Kaya’t iyon lang po maraming-marami [Ilocano]. [applause]
— END —