Speech by President Ferdinand R. Marcos at the Distribution of Assistance to Various Sectors
Maraming salamat, Secretary Anton Lagdameo; ang ating mga opisyales na nandito; at nakahabol si Gov. Magandang hapon sa inyong lahat.
Dumaan lang kami rito dahil nag-attend ako ng MassKara Festival at makitaโฆ Pero habang nandito kami ay nagpupunta kami diyan at magpapa-briefing muna sa mga pangyayari, ang inyong pangangailangan.
Pagka akoโy umiikot at pumupunta sa ibaโt ibang lugar, tinitiyak ko na โyung inaasahang tulong โ na inyong inaasahang tulong na galing sa gobyerno ay tuloy-tuloy ang parating sa taong-bayan. [applause]
At kaya kami nandito para tiyakin na maging maayos ang distribution, maging maayos at lahat ng mga nangangailangan ay makakatanggap para namanโฆ
Alam naman natin medyo mahirap ang buhay talaga ngayon. Lahat ng bilihin ay tumataaas. Lahat ng gasolina. Lahat ng krudo. Lahat ng ating mga pangangailangan ay tumataas ang presyo kayaโt kailangan na kailangan na kahit papaano, kahit hindi โ hindi lahat ay maipapalit ng gobyerno, at least makakatulong kami.
Kayaโt โyan ang aming tinitiyak dito sa ating mga pagbibigay ng tulong sa ibaโt ibang grupo. So mabuti naman at kayoโy nandito at nakita ko naman na maayos ang mga ginagawang distribution.
Kayaโt habang nangangailangan ang taong-bayan ng tulong, gagawin ng gobyerno lahat para kahit papaano ay makatulong dito saโฆ โYung kahirapan, pangmundo ito eh. Hindiโฆ
Ang Pilipinas, โyung ekonomiya naman ng Pilipinas maayos naman. Ang problema lahat ng ating mga kasama, lahat ng ating mga kanegosyo, sabihin natin, na ibaโt ibang bansa ay nagkakaproblema, nadadala sa atin โyung problema din. Kayaโt kailangan natin mag-adjust. Kailangan natin gumawa ng ibang paraan at ito ay isa sa paraan na โyun.
Ngunit, bukod pa doon, ay ginagawa namin ay inaayos natin. Halimbawa dito, ang problema ay sa industriya ng asukal, marami tayong kailangan ayusin na problema dahil napabayaan sa nakaraang ilang taon. Kayaโt dahan-dahan maibabalik natin.
Sa ngayon, tinitiyak lang natin na sapat ang dumadating sa taong-bayan. Hindi lamang asukal, pati na ang lahat ng produkto ng agrikultura, para naman ay kahit papaano ay masasabi natin ay may sapat naman na food supply na kayang bayaran ng ating mga mamamayan.
Kayaโt yan lamang po. At kagaya ng sabi ko ay akoโy dumaan lang โ kamiโy dumaan dito na makita lang na maayos ang pagbigay ng tulong sa ating mga kaibigan, sa ating mga mamamayan, sa ating mga nangangailangan na ating mga mamamayang Pilipino.
At sa palagay ko naman po, bastaโt ipagpatuloy natin ito, bastaโt ipagpatuloy natin na pagandahin ang paghawak sa ekonomiya, eh sana naman hindi na tatagal ay hindi niyo na kakailanganin itong tulong na ito. Ngunit habang nandiyan โ hanggang kailangan ninyo nandito kami.
Maraming salamat sa inyong lahat. Magandang hapon sa inyo.
โ END โ