Second Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. on Iran Strikes

Speeches 2 March 2026

Magandang gabi, ating mga kababayan.

Ikinalulungkot ko na mayroon po tayong natanggap na report na mayroon na pong casualty na Pilipino dito po sa giyera na nangyayari sa Middle East.

Na-report po sa atin ay namatay po ang isang Mary Anne Velazquez de Vera na taga-Pangasinan. Siya po ay isang caregiver sa Israel na tinutulungan ang kanyang alaga para dalhin sa bomb shelter, ngunit hindi na po nakaabot sa bomb shelter at inabutan na sila bago sila nakarating. Siya ay namatay dahil tinamaan ng shrapnel ng mga bumagsak na bomba.

Na-identify na po siya ng kanyang asawa na isang OFW din na nagtatrabaho sa Israel.

Lahat po ng tulong na kakailanganin ng kanilang pamilya ay ihahatid ng ating pamahalaan.

Patuloy po ang ating pag-monitor sa kalagayan ng ating mga kababayan na nasa gitna nitong giyera patuloy pa rin sa Middle East.

Asahan po ninyo na pagka mayroon tayong maire-report ay ire-report ko po sa inyo kaagad.

— END —