Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. to the Filipino Community in United Arab Emirates
Maraming-maraming salamat po!
Thank you po.
Maraming salamat sa ating department secretary, Department of Foreign Affairs Secretary Tess Lazaro sa kanyang pagpakilala.
Ipapakilala ko na rin po ‘yung ating mga kasamahan dito na ibang mga opisyal na kasama namin dito sa pagbisita namin sa Abu Dhabi.
At nandiyan po ang namumuno ng departamento ng pamahalaan na Cabinet secretary na ang trabaho niya ay lahat ay para sa inyong mga overseas workers.
Ang ating Secretary ng Migrant Workers, Secretary Hans Cacdac. [applause]
Tapos po siguro nakita naman po itong pina-display namin. Ito po ‘yung ating app na ginagawa para ‘yung ating mga kababayan sa Pilipinas at kayo po na nandito sa abroad ay hindi na kailangan pumupunta sa mga opisina.
Lahat po ng pangangailangan ninyo sa ating pamahalaan ay kaya ninyo nang gawin dito sa ating e-Gov app na e-Gov app na pinapa – [applause] kinakalat po natin.
‘Pag binuksan po ninyo ‘yan, puwede na po kayong pumunta sa lahat ng kahit na anong departamento sa Gabinete, lahat ng departamento sa pamahalaan upang gawin kung ano pa ang inyong pangangailangan.
Hindi ninyo na po kailangan pumunta sa opisina. Hindi ninyo na po kailangan pumunta ng Maynila para lakarin ang mga papeles ninyo.
‘Yan po ay ginawa ng ating Department of Information and Communications Technology, nandito po, Secretary Henry Aguda ng DICT. [applause]
Nandito rin po ang isa pang opisyal na ang kanyang trabaho po ay para ulit sa ating mga minamahal na kababayan na OFW. Nandito rin po ang Overseas Welfare Administration Administrator PY Caunan. [applause and cheers] Aba may fans club pala ito si PY. Nagdala ng pala eh.
At siyempre kilala ninyo naman po ang ating Philippine Ambassador, Philippine Ambassador Alfonso Ferdinand Ver. [applause and cheers]
Ang tumutulong po sa atin dito po sa UAE at malaki po ang tulong na ginagawa niya dahil po ay tinatrabaho niya ang pagsasama-sama ng UAE at saka ng Pilipinas. Siya po ang Special Envoy of the President to the UAE for Trade and Investment, Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel. [applause] Siya po ang asawa ni Senator Koko Pimentel. Kaya tumutulong po sa atin.
Special envoy din ng Pangulo to the UAE for Culture and Arts naman. Ang special envoy natin, Special Envoy Karen Santos. [applause]
At iiwan ko na sa huli siguro ‘yung pinakamahalaga sa lahat. [cheers] Ang ating First Lady po, First Lady Liza Araneta-Marcos. [applause]
Ang aking mga kasamahan sa gobyerno; mga minamahal kong kababayan; ladies and gentlemen.
Magandang gabi po sa inyong lahat. [applause]
Lagi po kapag ako’y bumabiyahe at nagkakaroon po tayo ng kaunting pagsasama dito sa ating tinatawag na visit to the Filipino community ay napaka – nagagalak po kaming lahat na makita ko kayong lahat.
Dahil po ay nagbibigay ng karangalan sa ating bansa – kayo po ang nagbibigay ng karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng inyong kontribusyon sa United Arab Emirates, sa magandang ehemplo na inyong ipinakita sa inyong trabaho, sa inyong mga kapwa Pilipino, sa pamahalaan ng UAE, sa iba’t ibang mga lahi na naninirahan dito, at sa kontribusyon ng inyong ibinigay sa ekonomiya sa ating minamahal na Pilipinas.
Alam ninyo po ay tayo ay nandito po ako – isang bagay na ating ginawa dito ay pag-witness nung kanina nabanggit po ng ating Ambassador, ‘yung pag-witness sa pagpirma, ‘yung tinatawag po na CEPA. Ano ‘yung CEPA? Comprehensive Economic Agreement ang kahulugan ng CEPA.
Bakit po? Bakit po natuloy po ito? Ang UAE po ay laging sinasabi wala pong kaming narinig kahit isang masamang salita o reklamo sa inyo, sa ating mga kababayan dito.
Kaya’t naman mahal na mahal ang mga Pilipino, mahal na mahal kayo ng inyong mga employer, lahat ng inyong mga kaibigan, naging kaibigan dito sa UAE. Dahil po, kaya dahil dun, eh siyempre nagmamagandang loob po, gusto tayong tulungan, gustong makipag-partner sa atin ang UAE dahil mahal na mahal kayong mga Pilipino na nagtatrabaho dito. Nagtatanaw po sila ng utang na loob.
Ang kanilang sinasabi, kung hindi sa mga Pilipino na tumulong sa amin dito sa UAE ay hindi po naging mayaman ang UAE kagaya ng ganito. Kaya’t malaki ang pasasalamat ng UAE sa mga Pilipino. [applause]
At kagaya ng aking sinasabi, kagaya ng dati, kayo ang nagdadala ng dangal sa Pilipinas. Kaya you are the source of pride and honor of our country.
Kaya sa pagbisita natin dito ay siguraduhin na kayong lahat ay nasa mabuting kalagayan dito sa UAE na inyo pang tinuturing na pangalawang tahanan sa labas ng ating bansa.
Today, the United Arab Emirates is home to one of the largest Filipino communities in the Middle East. Magwa-one million, nag-one million na yata ang Pilipino rito sa UAE.
Nagsimula po sa Dubai hanggang dito na sa Abu Dhabi at nakakalat na po sa buong United Arab Emirates. At mula sa umpisa pa lang, mula noong 1971, ang mga Pilipino ay nandito na at tumutulong sa pagpaganda ng ekonomiya at ng bansa ng UAE.
Kaya bilang pasasalamat, bilang pagtatanaw ng utang na loob ng UAE sa mga Pilipino, sa inyo, ay sinabi nila,
ba’t di tayo magkaroon ng agreement? Ito nga naging CEPA. At ‘yan ang – it is a Comprehensive Economic Partnership Agreement. ‘Yan po ang ibig sabihin nung CEPA.
At dahil diyan, marami po tayong pag-uugnay sa UAE:
sa trade, sa exchanges, sa people-to-people na pagkikilala.
‘Yan po ay naging bunga nga ng inyong napakagandang trabaho dito at ang pagtaas ninyo ng reputasyon ng mga Pilipino dito sa UAE ay kasama na rin po lahat po ng mga OFW hindi lamang dito sa Middle East, kung hindi sa buong mundo.
Alam ninyo po, lagi kong nakakausap ang mga leader po: mga presidente, mga hari, mga prime minister. At hindi pa ako nakakapag hello sasabihin nila kaagad sa akin, alam mo, kami kung saan – ‘yung mga Pilipino na nandoon sa amin kung nasaan man ay sinasabi nila ang mga Pilipino sila ang pinakagusto namin na pumupunta rito sa aming bansa.
Sila ang pinakagusto namin dahil sila ay napakasipag, napakabait, at tumutulong kahit wala sa trabaho, tumutulong pa rin.
Eh sabi ko ganyan naman talaga dito sa – ganyan talaga ang mga Pilipino. At hari nga – hari at reyna ng overtime ang Pilipino. ‘Yan ang reputasyon natin dahil napakasipag.
Kaya’t muli ay… Noong nagsimula – ang ating mga kababayan nagsimula mga engineer; architect; sila ang nagpapatayo mga construction, sila ang tumulong sa paglagay ng mga bagong kalsada, mga tulay, mga malalaking construction na project.
And that’s why our government values the vital role of overseas Filipinos in nation building. Kaya lahat ng aming maaaring gawin upang matiyak na ang kalagayan ng ating mga OFW ay nasa mabuti naman.
Kaya po ay lahat ng pangangailangan ng ating mga OFW ay ating ipinipilit na bigay sa mga benepisyo, sa mga tulong, sa mga suporta para masabi naman natin lahat ng pangangailangan ninyo ay sinasagot naman ng ating pamahalaan.
Because we envision a future where every Filipino at home or abroad has a chance to succeed. Because once we deepen our trade and investment partnership with, for example, the UAE, we are laying the groundwork for employment opportunities in more varied sectors and wider market access for Filipino businesses.
Every achievement that you earn, whether through your profession or entrepreneurial ventures, makes us stronger, not only for yourselves, but also for the collective progress of the Philippines.
So to sustain this momentum, let us prioritize lifelong learning and skills development. ‘Yan po ang susi ngayon dahil marami pong dumarating na mga bagong teknolohiya ay hindi po – kailangan tayo matuto, kailangan patuloy ang pag-aaral natin para lahat ng kahit na anong bagong dumadating na bagong trabaho ay tayo ay handa.
So in this pursuit, let the enduring bayanihan spirit of our Filipino community shine. Filipinos supporting one another, growing together, lifting each other towards a much brighter tomorrow.
Sa aking pagbisita ngayon dito sa UAE, ngayon ay napalakas na namin ang pagsamahan at pagtutulungan ng ating bansa sa UAE.
Kaya napakalaking bagay po na itong ating nagawa habang nandito kami ay marami pong mga opportunity na darating hindi lamang para sa ating mga kababayan dito sa UAE, hindi lamang para sa mga iba’t ibang OFW sa buong mundo, kundi pati na sa ating minamahal na Pilipinas.
Kaya po ay napakahalaga ang ating nagawa. At ito ay – ang pundasyon po nito ay nanggaling po sa inyo.
Kaya marami po tayong kasunduan na pinirmahan sa pagitan ng ating mga bansa. Mayroon na po tayong free trade agreement. Ano ba ang ibig sabihin ng free trade agreement? Ibig sabihin ay pagka nag-import-export ang UAE at saka ang Pilipinas ay hindi na natin nilalagyan ng buwis, hindi na natin china-charge. Parang libre ang pag-exchange. Hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi pati na rin sa UAE.
At ‘yun na nga, ‘yung pinaka-importante ‘yung CEPA na pinirmahan natin. Mayroon din po tayong MOU o Memorandum of Understanding sa Defense Cooperation.
At itong mga kasunduan na ito ay may layuning lalo pang paigtingin ang pakikipagsamahan ng UAE at palakasin ang ugnayan sa aspetong pang-seguridad. Mga mahalagang sangkap para sa isang progresibong bansa.
Mga kababayan, nais ko pong iparating sa inyo na ang inyong gobyerno ay patuloy na nagsisikap na pabutihin ang kalagayan ng ating bansa. Isa-isa nating tinitingnan at inaaral ang mga isyu na dapat mabigyan ng agarang aksyon at solusyon.
Ating hinihimay ang mga suliranin na nagpapahina sa ating bansa at pinag-iisipan, pinag-aaralan, at pinagpaplanuhan nang mabuti para mabigyan ng karampatang interbensyon at solusyon.
Makakaasa po kayo na patuloy natin patatatagin ang mga programang naglalayong magsulong ng kaunlaran para sa lahat upang ating makamtan ang inaasam nating kasaganahan sa ilalim ng isang Bagong Pilipinas.
So in closing, I express once again my deepest gratitude, not only of myself, but of all your countrymen, for your unwavering spirit and dedication, and the pride and love that you have shown for your countrymen and for your country.
Your achievements bring honor to the nation, a nation that is truly and genuinely proud and grateful to all of you.
I also thank, of course, the United Arab Emirates for being a benevolent sponsor to all of you.
Kaya po, huwag po natin makakalimutan, lahat po ito ay para sa pagpaganda ng buhay ng ating mga kababayan at ang pagpaganda ng ating minamahal na bansang Pilipinas.
Mabuhay po kayo!
Mabuhay ang Manggagawang Pilipino!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas!
Magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming-maraming salamat po. [cheers and applause]
— END —