Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. on the report of the Programme for International Student Assessment (PISA)

Speeches 8 September 2026

Magandang araw po mga minamahal kong kababayan.

Kakatangap lang natin ng napakagandang balita ng nanggaling sa Program for International Student Assessment. Ito po ay isang organisasyon na pinag-aaralan kung gaano kaganda o gaano kahirap yung mga educational system sa ibaโ€™t ibang bansa sa buong mundo.

Nabalitaan po natin ngayon-ngayon lang ay ang Pilipinas ay isa sa pinakamaganda ang performance sa pagpapaganda ng educational sector.

Itoโ€™y kinuha sa mga score ng ating mga mag-aaral. Tumaas tayo sa lahat ng bagay, sa reading, sa mathematics, sa science. Iilan lang daw ang bansa na natamo ang ganong klaseng improvement na kagaya ng nakikita natin sa ating educational system.

Tayo ay isa ulit sa pinakamaraming na ilagay sa reading proficiency, yung marunong magbasa, na kaya at least tawag nila level 2 na marunong magbasa.

Nakasulat dito, the Philippines is among the few education systems improving across all domains.

The Philippines is considered one of the fastest improving educational systems globally with the strongest long-term improvement in reading amongst participating systems.

Kung di naman po nakakatuwa ang balita niya. Muli ay napapatunayan kung gaano kagagaling ang ating mga mag-aaral na sila ay masipag at seryoso sa kanilang pag-aaral at kung gaano kagaling magturo ang ating mga guru.

Bastaโ€™t sila ay supportado ng tama ng hindi lamang ng gobyerno, kung hindi pati ang buong komunidad, ang mga magulang at lahat ng ating mga kababayan na tumutulong para pagandahin ang mga kinabukasan ng ating mga anak.

Kaya po ipagpapatuloy natin lahat ito; ipagpapatuloy natin lahat ng ating ginagawa.

Nagsimula pa lang tayo, nagsimula pa lang tayo magtayo ng classroom, nagsimula pa lang tayo nagpamigay, ng internet, ng mga computer, ng mga school supply, na nagpa-imprinta tayo ng mga libro. Nagsisimula pa lang tayo, ipapagpatuloy natin ito.

At nakikita naman natin kapag pinagkaisahan natin ang pagpapaganda ng buhay ng ating mga mag-aaral ay talagang ramdam na ramdam ang napakagandang resulta.

Kayaโ€™t wag po natin titigilan, hindi dito po sa ating administrasyon, hindi po natin titigilan yan.

Mas lalo pa natin didiinan ng ating seryoso na pagtutugon.

Maraming maraming salamat. Magandang araw po.

โ€”ENDโ€”