Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. Following the MOA Signing Ceremony Between St. Luke’s Medical Center (SLMC)-Global City and PhilHealth

Speeches 25 August 2026

Magandang umaga.

Nandito tayo ngayon sa St. Luke’s at kakatapos lang ang pirmahan doon sa Memorandum of Agreement between PhilHealth at saka sa St. Luke’s. At ito ay sa pamamagitan ng MOA na ‘yan ay ini-involve na natin, sinasama na natin ang mga private hospital sa ating mga programa para tulungan ng mga iba’t ibang pasyente.

Kaya kahit na ‘yung dati na—’yung hindi nakakapunta sa private hospital kagaya ng St. Luke’s ay matutulungan na makapunta rito at bibigyan natin ng suporta na galing—’yung kagaya ng dati sa PhilHealth, sa DOH, at sa… kung minsan kahit sa Office of the President.

Pero ito ay para hindi na matatakot ang mga nagkakasakit na pumunta sa private hospital dahil wala silang pambayad. Ito’y napakalaking bagay at simula lang siguro ito. St. Luke’s ang—nag-umpisa tayo sa St. Luke’s at paparamihin pa natin ‘yan para lahat na talaga ng ating mga facilities, healthcare facilities ay kasama na sa mga programa natin.

Para kahit na hindi lang ‘yung mga may kaya ang makakapunta sa ating mga private hospital para makakuha sila nung specialized na healthcare na kung minsan ay kinakailangan nila ngunit wala silang pambayad kaya hindi sila lumalapit at hindi sila nagpapatingin sa ating mga private hospital.

Ito ‘yung mga bago natin ginagawa para palawakin pa rin, palawakin ang suporta na ibinibigay natin sa ating mga pasyente para patibayin, pagandahin ang ating healthcare system para mas marami tayong matulungan at matamo na rin natin, maabot na rin natin ‘yung ating pinapangarap na universal healthcare.

Maraming salamat.

—END—