Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. Following the Inspection of the Marikina River Linear Park and Centralized Materials Recovery Facility
Good morning. Magandang umaga sa inyo.
Nandito tayo sa Marikina dahil kung maalala ninyo noong nakaraang ibang taon, dito lagi nagkakabaha. Iyong Marikina River kaunting ulan lang ay nag-overflow na.
Pero dito sa Marikina, over the last more or less 10 years, 11 years, nagawan nila, nalagyan nila ng sistema.
Una-una, ‘yung pinuntahan natin doon sa Marikina River, nakita natin na ‘yung mga no-build zone, nilinis na nila, na-relocate na ‘yung mga nagtayo ng kung ano-anong mga facilities, mga bahay, mga kung ano-ano doon sa no-build zone. So, na-clear na nila ‘yun.
Pangalawa dun, naglagay pa sila ng tawag na trash catcher, ‘yung hinuhuli ‘yung basura sa ilog. At dito naman, nandito naman tayo dito sa recycling para lahat ng maaaring magamit, lahat ng, for example, mga biodegradable na waste, ginagawa – ‘yung mga pagkain ginagawang compost. At ‘yung mga plastic nandito gumagawa sila ng bag, gumagawa sila ng bricks, at saka ‘yung nakita natin na nilalagay sa molde ‘yung plastic na natunaw na ay ginagawang materyal para paggawa ng mga desk para sa schoolroom at sa kung ano-ano pang mga iba’t ibang bagay.
Kaya tayo nandito dahil ito ang pinakamagandang halimbawa ng circular na economy. Dahil nagagamit as much as possible lahat nung mga maaari pang maulit na gamitin na recycle ay nagagawan nila ng paraan.
At ito ay dapat ang maging template, at nagiging template na ngayon sa lahat ng iba’t ibang lungsod sa Pilipinas, lalong-lalo na siyempre dito sa NCR. Pero kasama na rin diyan siyempre ‘yung lahat ng mga lungsod na may problema sa basura at hindi nila alam kung anong gagawin, ito ngayon ang naging solusyon na nanggaling sa DENR at ginawang totoo dito sa Marikina.
Kaya congratulations tayo sa ating mga LGU na executive na ginawa nila ang lahat ng kailangang gawin upang magbuo ng sistema.
Ngayon pinag-uusapan ko ay sistema. Hindi lamang pupunta sa ilog tapos magde-desiltation o mangongolekta ng basura.
Mula doon sa desiltation, mangolekta ng basura, dadalhin ngayon dito, at ire-recycle. Gagawin lahat ng maaaring gawin upang magamit ulit, ma-recycle ulit kung anuman – ‘yung plastic, ‘yung food waste. Lahat ng maaaring ulitin – maulit ang gamit ay ginagawa dito.
Kaya nababawasan ang nasasayang at malaking bagay lalo na sa flood control. Kung maalala ninyo, ang Marikina River noon, uulan lang – aambon lang nang kaunti, nakita na natin tataas na ‘yung tubig nang husto at mag-o-overflow na.
Ngayon, hindi na nangyayari ‘yan dahil nga dito sa proyektong ito.
Kaya congratulations sa Marikina at ito’y dapat gawing halimbawa para sa lahat ng iba’t ibang mga settlement – lahat ng bayan, lahat ng lungsod –upang mabawasan nga natin ‘yung problema natin sa basura.
Ang problema… Ang ano lang dito, kailangan lang gumawa ng sistema para sa pagkolekta ng basura dahil may minimum volume required para paandarin ‘yung waste-to-energy, halimbawa.
Iyon naman ay ating ginagawa. That is the job of the local government. ‘Pag nagawa nila ‘yun, then we have systems like this, and we have this kind of recycling, and we have this waste recovery… And it is not only the flood management, it is not only part of flood management, but it is also in terms of the environment na malaki ang naitutulong.
So, in the time of climate change, this has become a very important issue. This is why we are here today and we will continue to broadcast and to make known this kind of technology, this kind of system to all our cities, especially our cities dahil sila ang may basura problem eh.
This is to all the cities and all the LGUs and we hope that they will adopt this and that we will find some relief in terms of not only the flood management, but also the management of garbage.
Maraming salamat.
— END —