Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. Following the Inspection of the Damaged Sto. Cristo Dam
Nandito ngayon tayo, nandito tayo sa Lubao para tingnan ang nangyari dito.
Hindi naman pala na-damage โyung dam. Kung hindi, ang nangyari nabara dahil hindi basura kundi โyung debris, mga troso na siguro nagpuputol sila na illegal logging sa taas, bumababa rito, nabara ngayon โyung dam, umikot โyung tubig,
Kaya โyung nakita natin na bahay na nahulog, nahulog sa ilog. Dahil nga umiwas na doon sa dam, gumawa ng sariling daanan dito. Sinira โyung wall natin kasi galing na sa likod โyung tubig. Sinira โyung wall dito at dito na dumaan โyung tubig.
Kayaโt ang gagawin natin ay itatayo natin โyang wall na โyan ulit at maglalagay naman tayo ng Sabo Dam sa upstream nitong ating dam. At for now, immediate na magagawa natin ay maglagay muna nung harang para kung ano man โyung โ kung basura man, kung troso man, kung ano man ay hindi na bababa hanggang mabara ang dam.
Lahat ng dam natin ngayon kailangan na natin maglagay ng ganyan sa mga upstream ay lalagyan natin pagka praktikal, kung tama ay lalagyan natin ng Sabo Dam. Kung hindi, ito lang muna, โyung mga harang lang muna para hindi mabara โyung dam natin para tama ang takbo ng tubig.
At mayroon kaming latest report sa NLEX naman na mukhang bumababa na ang tubig at ang northbound ay less than one hour na ang pagbiyahe. โYung southbound lang ang medyoโkasi mas mababa talaga โyung southbound. Kailangan talagangโโpag binobomba natin โyung tubig, wala rin pupuntahan โyung tubig dahil mababa masyado at mataas na masyado ang tubig.
Kaya kung makita ninyo โyung dinaanan namin kanina, ay pantay lang โyung tubig sa magkabila. Kung saan mo bobombahin, ganun din, babalik at babalik din โyan. Pero makakahanap tayo ng paraan. Iniisip namin na huhukayin โyung mga ibang lugar doon para doon iikot โyung tubig imbis na pupunta sa kalsada.
So, but dahan-dahan makikita natin na โyung NLEX ay nadadaanan na. Northbound is already 45 minutes daw na lang ang naging traffic. โYung southbound na lang ang kailangan natin gawan ng paraan para madaanan na mas mabuti, mabawasan ang tubig na.
โENDโ