Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Rice Distribution in Roxas City, Capiz
Thank you very much sa ating butihing mayor at lahat ng mga opisyales na nandito ngayong araw. And our Chairman is also here pati na ‘yung ating mga konsehal, mga chairman, at other barangay chairmans, all the city officials. Ngunit, ang pinakaimportante na kasama natin ngayon ay ang mga beneficiary para dito sa rice assistance program.
Maayong aga sa ninyong tanan!
Kami’y nandito para tingnan ang – bantayan ang pag-distribute nitong tigsa-sampung kilo ng bigas para sa mga… Alam niyo ang sistema ay ganito, nais namin magbigay ng ganito, ito 10 kilos, magbibigay kami ng six times a year. So, kada dalawang buwan, mayroon na naman ibibigay.
Hindi ito minsanan lang. It is – mag-continue ito na – well, hanggang patuloy lang. It’s – nasa program na natin ‘yan.
Kaya ito ang maaaring gawin kapag maganda ang partnership, ang ugnayan ng local government at saka ng national government.
Kaya’t po namin ginawa ito dahil siguro, ako, very impatient ako, gusto kong mabilis ang takbo ng serbsiyo ng pamahalaan. Nababagalan ako sa – kung minsan dahil ang daming kailangan gawin at siyempre, ang national government hanggang region lang.
Sabi ko eh nanggaling naman ako sa local govern – governor ako ng siyam na taon sa Ilocos Norte, kaya’t nakita ko may kakayahan naman talaga ang local government.
So, sabi natin – sabi namin, ba’t ‘di na lang sila ang magbigay at sila na ang mag-distribute. At basta’t galing sa atin, galing sa national government, programa ko ito pero ang nag-implement, buong national government at buong LGU.
At ito ay upang matiyak na lahat ng mga nangangailangan ay hindi naman…Basta’t mayroon sampung kilo ng bigas, hindi naman gugutumin.
Ang listahan po ay galing sa ating mga local government, mula mayor hanggang chairman, sila po ang gumagawa ng listahan doon sa area nila kung sinong mga nangangailangan kaya’t ‘yun ang nakalista para mabigyan nga nito.
Kagaya ng aking nasabi, ito ay hindi lang minsanan. Ito every two months –six times a year, anim na beses kada taon. [cheers and applause]
So, kaya…At ito’y para tulong sa inyo dahil alam naman natin, hindi… At lalo na eh nataon…Itong programang ito, hindi ito kasama doon sa energy crisis, doon sa giyera sa Middle East, sa Iran.
Nataon lang na nangyari ‘yan eh isisimula namin itong programang ito, eh mabuti na lang na may programang ganito kasi alam naman natin, ‘pag tumaas ang presyo ng langis, lahat ng mga iba’t ibang bilihin ay tumataas din.
Kaya’t mabuti na lang mayroon tayong programang ganito na kahit na wala na ‘yung crisis na energy crisis eh patuloy pa rin ang programa ng pamahalaan para sa inyong mga nangangailangan.
Ito po ay isang bahagi pa lang. Mayroon din po kaming programa para sa mga bara-barangay. At lahat ng barangay ay bibigyan namin ng PhP200,000. [cheers and applause]
Itong kalahati ng PhP200,000, ‘yung PhP100,000, gagamitin para sa – para tumulong sa mga scholar.
Ang scholar na ma-identify ng chairman, sasabihin ito’y eh dapat mag-graduate na pero walang – walang pambayad sa eskwela ay ‘yun ay bibigyan ng PhP20,000 para at least makatapos man lang. Lima ‘yun bawat barangay. Umpisa pa lang ‘yun, PhP100,000 ‘yun.
‘Yung natirang PhP100,000, nasa barangay na kung ano ‘yung gagawin niyo doon sa perang ‘yun. Puwede kayong bumili ng bigas, puwede kayong magdagdag ng scholar, nasa sa…Puwede kayong gumawa ng ibang project. It’s up to you. Nasa barangay chairman na.
At ‘yan ay aming ginagawa upang ibaba ang serbisyo ng national – ng gobyerno para sa ating mga kababayan. Para maramdaman kaagad.
At kaya’t napakahalaga ang pagsasama sa LGU…Kapag…Kahit na gaano kaganda ang programa sa taas, sa national government, ‘pag hindi nila kayang – ‘pag hindi maganda ang koordinasyon sa national government at saka sa local government eh baka walang maramdaman ang tao.
Nakikita ko po ito noong gobernador nga ako. Nakikita ko na ‘yung mga inuutos sa amin na galing sa taas eh nakikita ko, sabi ko, “Oo, maganda sana ito sa papel, pero pagka sinubukan nating gawin ito, mahirapan tayo.”
At kaya’t sa mga natutunang mga leksyon na ‘yun ay in-apply ko na dito sa aking pagkapangulo para lahat ng buong gobyerno, hindi lamang national, hindi lamang local, lahat ng buong gobyerno mula sa taas, mula Pangulo hanggang sa barangay tanod nagtatrabaho para sa inyo.
‘Yan po ang aming ginagawa, ito po ang rice assistance program. Sana po ito’y makatulong, magbigay ng kahit kaunting ginhawa at pagaanin ang dala ninyong mabigat na problema sa pera lalo na sa mga magugulong panahon na ganito.
At patuloy po na – asahan po ninyo na ang pamahalaan ninyo ay walang pagod na patuloy na naghahanap ng iba’t ibang paraan kung papaano pang makatulong at kami po ay nakikinig sa inyo kung ano sa inyong palagay ang tunay na pangangailangan.
Kaya’t asahan niyo po, we are – nakikinig po kami at ginagawa namin ang lahat ng kayang gawin ng pamahalaan kasama ang buong pamahalaan mula national hanggang local.
Maraming-maraming salamat po.
— END —