Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Launching of the Oplan Kontra Baha Metro Cebu Waterways Clearing – Cleaning Operations and Drainage Declogging Works
Good afternoon. Magandang hapon sa inyong lahat.
Andito ngayon tayo para simulan ‘yung dredging at saka paglinis ng ating mga creek, mga river – mga ilog, lahat ng ating waterway, ‘yung pinagdadaanan ng tubig.
At ito, kung maalala ninyo ay sinimulan namin sa Metro Manila. Dahil doon naman, ang nagiging problema ‘yung basura at ‘yun ang ‘pag nagbabara dito sa – at nangyayari nagkakaroon talaga ng baha.
Kaya’t ganoon din ang aming gagawin dito dahil ganyan din ang problema at – kung titingnan ninyo sa mapa, ‘yung last time na nagbaha ang mga ilog dahil lahat ng labasan ng tubig ay barado. Kaya’t kailangan nating linisin ito.
Nakakagulat nga, kung titingnan ninyo, ‘yung backhoe wala ng tubig, nakapatong na sa lupa. Ibig sabihin, talagang napakababaw na ng tubig kaya’t kailangan ayusin, kailangan linisin lahat ito.
Tinatanong ko sa mga local official kung kailan ang last time na hinukay ito, nilinis ito, wala silang maalala kahit kailan.
Kaya’t first time siguro ito in decades. I’m sure – I’m sure, nangyari na ito. It happened in – but matagal na in decades na hindi nalinis ang ating mga waterway, ang ating pinagdada – kung saan nagdadaloy ang tubig.
At ito pareho nung nandito sa – nandito sa mga chart, kung matingnan ninyo kung ano ‘yung – ano ‘yung magiging trabaho, saan mag-specify ‘yung mag ilog kung saan kami. ‘Yang pitong – ‘yung pitong ilog na ‘yun, lahat ‘yan ay dadalhin ng – ay, lahat ‘yan ay pupuntahan pala ng mga makin – ng ating mga heavy machinery para linisin ‘yung mga ilog na ‘yan.
Kung titingnan din – ito mahalaga din itong matingnan. Kung titingnan mo, titingnan niyo, ito talaga ay nag – isang proyekto na palagay ko hindi kayang buohin kung hindi lahat ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, iba’t ibang LGU na leadership, at ‘yung iba’t ibang private sector partner.
Kasi kung titingnan ninyo – ewan ko kung makita ninyo, ‘yung DPWH… Ilan ‘yung units? One – hindi, lahat-lahat is 287 pero galing sa – galing sa DPWH is 32 units. Galing sa LGU, 24 units. Ang private sector, ‘yung San Miguel at saka ‘yung Metro Pacific na tumutulong din sa atin, nandoon sila doon sa Maynila. Private sector kasama na ang San Miguel at saka Metro Pacific, napakarami – sila ang pinakamarami, 51 units.
Kaya’t kung hindi nagsama-sama – kung hindi nagsasama-sama lahat ng – lahat ng ahensya ng gobyerno at lahat ng mga ano, lahat ng ating mga partner sa development dahil lagi ko nga sinasabi, hindi kayang gawin ng gobyerno na – lahat kailangan matulungan.
Kailangan matibay ang koordinasyon sa ating local government. Kailangan eh matibay din ang koordinasyon sa private sector. At kapag nangyayari ‘yan, nakakagawa tayo ng ganitong klaseng proyekto na magiging maganda.
Ang projection natin – ang pangako sa atin, one year. So, ang pangako sa akin, ‘pagka umulan ulit, hindi na magbabaha.
So, mga nine months na trabaho bago dadating ulit ang ulan. Hopefully by that time hindi na tayo makakakita ng baha kagaya ng nakita natin noon dahil lahat ng nakaharang, lahat ng barado na labasan ng tubig ay ‘yun ang – ‘yun ang lilinisin at hindi na mababara, maka – may dadaanan na ‘yung tubig palabas. Kaya’t ‘yan ang project natin.
Okay, I’m sure…Bantayan ninyo, tingnan ninyo kung ano ‘yung magiging progreso at nakakasiguro ako na malaking tulong itong ginagawa ng paglilinis.
At hindi ba…Pagkatapos malinis ito, hindi lamang ganito ‘yung project, mayroon tayong gagawin na tinatawag na Sabo Dam.
Ang Sabo Dam, ‘yung maliliit na dam na mula sa – mula sa bundok pa nagsisimula at kinokontrol ‘yung takbo ng tubig.
Kasi kung minsan, malaki sa damage noong last – ‘yung sa dito sa Cebu and malaking damage dahil ang bigat, ang bilis ng takbo ng tubig kaya’t ang daming sinira.
Ngayon, maglalagay tayo ng Sabo Dam. ‘Yung Sabo Dam ay hindi dam ‘yan na mangongolekta ng tubig. Ginagawa niyan kinokontrol ang takbo ng tubig. Hindi lang nag-iisa ‘yan na siguro mga tatlo, apat, baka lima pa sa papuntang pababa.
Kaya’t ‘yan ang isa pang hiningi – hinihingi natin ngayon na ilagay sa budget na magkaroon ng pondo para hindi lamang dito sa desiltation, kung hindi pati ‘yung paglagay ng Sabo Dam doon sa iba’t ibang lugar kung saan dapat.
Nandito ‘yung ating mga hydrologist, ating mga expert, sila magsasabi sa atin kung saan ang pinakamagandang lugar para ilagay lahat ‘yan.
So, patuloy ang ating ginagawa para tiyakin na ‘yung mga problema na nagdudulot ng baha at ng… Kaya naman eh, lagi tayo eh nag-aalala kapag umuulan, sana makarating tayo sa panahon na kahit umulan ng malakas, hindi natin inaalala na mababaha ang ating mga bahay, ang ating mga tirahan.
So, that is what we are trying to do. This is what we are attempting to start now. Patuloy pa rin ito.
Hindi lang for the next nine months ito. Kahit matapos na ‘yung trabaho, babalikan ulit ‘yan dahil magkakaroon ulit ng siltation, kailangan kunin ulit ‘yan.
Pero hindi na ganito kalaki ang trabaho dahil kaunti na lang ang kailangan kunin.
So, that is why we are here. This is the project that we are initiating. As I promised when we opened the – we started the project in Metro Manila that we will not only go to Metro Manila but we will go to all the urban centers and all of those areas that have suffered severe flooding in the last rains.
So, ‘yun ang – ‘yun ang pupuntahan natin.
All right, maraming salamat. Thank you very much.
Magandang hapon sa inyo. Thank you.
— END —