Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Visit to the Recent Fire Victims in Happy Land, Tondo
Marami pong salamat. Salamat, Yorme.
Nandito lang po kami dahil alam โ nabalitaan namin na iyon na nga nagkaroon ng malaking sunog. Maraming nadala sa evacuation center kagaya po ninyo.
Kaya kinausap ko kaagad si Secretary Rex Gatchalian ng DSWD para makapagbigay kaagad nitong mga relief goods at saka โyung cash assistance para naman kayoโฆ
Kasi ginagawa po namin โyan dahil siyempre lahat kailangan ng pagkain, lahat kailangan ng gamot, lahat kailangan ng pagsisilungan.
Ngunit hindi lahat ng pamilya pare-pareho ang pangangailangan. Mayroon โyung may batang maliit, may sanggol, mayroon โyung mga mas matanda. Kayaโt iba-iba.
Kaya nagbibigay po kami ng cash para mayroon kayong gagamitin para sa sarili ninyong pangangailangan para sa pamilya ninyo. [palakpakan]
Ang dapat talaga pagkatapos po nito, pagka panahon na na puwede na kayong bumalik sa inyong mga tahanan ay ang gagawin po natin ay titingnan po natin kung papaano makatulong โyung pamahalaan para sa pagpatayo ulit ng bahay o pagrehabilitasyon ng bahay, [palakpakan] pagpaayos ng bahay.
At siguro next time huwag na kayong nagsisiga dito sa malapit sa mga bahay para hindi na maulit itong sunog na ganito.
Naintindihan ko naman wala ng paglalagyan. Pero pag-ingatan po ninyo kasi kawawa naman โyung mga nasasalanta sa mga ganyang klaseng calamity. Kayaโt ingat-ingat lang po.
At kahit na ganito ang mangyari, asahan po ninyo ang gobyerno ninyo ay nandito, binabantayan kayo, inaalalayan kayo, at titiyakin namin na maaalagaan namin kayo sa lahat ng inyong pangangailangan. [palakpakan]
Lagi pong ganyan pagka mayroon kaming evacuation center na inilagay, siyempre mayroon itong mga relief goods, mayroon itong mga cash.
Pero ang nangyayari din ay pati medical team, mayroon po diyan medical team. Kasi lagi naming inaalala kapag ganyan mga evacuation center, kapag ka napakasikip, eh isa lang diyan magkasipon, wala pang isang araw nagkalat na โyan lalo na โyung mga maliliit.
Kaya nandiyan po ang ating mga nurse, mga doktor, para tingnan lang, matiyak lang na nasa maganda kayong kalagayan.
Kaya po ay sige lang po, kaunting tiyaga lang po. Gagawin po namin ang lahat para makabalik na kayo sa normal na ninyong buhay. [palakpakan]
Kayaโt sige po ay patuloy na โ na โ natigil tuloy โyung pagbigay ng pera. Teka, ititigil ko na โyung speech ko para matuloy โyung pagbigay ng assistance.
Sige po! Maraming, maraming salamat po!
Alam niyo โ [Crowd: BBM! BBM! BBM! BBM!]
Nag-uusap po kami ng โ nag-uusap kami ni Mayor, ika namin sa isaโt isa โ ika namin, alam mo ang Pilipino lang ang makikita mo, nasunugan na ng bahay, nakangiti pa, kumakanta pa. [palakpakan]
Ang galing talaga ng Pinoy. Ibang klase talaga ang tibay, tapang ng Pilipino. Ipagpatuloy niyo po โyan. Nandito po kami sa likod ninyo.
Maraming salamat po! [palakpakan]
โ END โ