Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. During His Visit to Patul Elementary School in Santiago City

Speeches 2 October 2026

Maraming salamat. Maraming salamat sa ating Kalihim ng DepEd, Secretary Sonny Angara, na ating kasama para pagandahin ang ating education system.

Ating mga magulang, ay kayo ay napakahalaga para pagandahin ang education system natin dito sa Pilipinas. Alam naman natin ang dinadaanan ng bawat magulang, mga sakripisyo, โ€˜yung mga ginagawa, pagtulong para sa mga anak ninyo para maging maganda ang kanyang pag-aaral.

At kaya pinagsasama-sama po namin at hindi lang namin tinitingnan ang nangyayari sa classroom ngunit pati na ang kalusugan ng ating mga kabataan. Kaya mayroon tayong feeding program, mayroon tayong special para doon sa mga masyadong payat o masyadong maliit ay binibigyan natin ngโ€”tinitiyak natin na nakakatanggap sila ng kanilang mga pangangailangan para sa pagkain.

Pati na saโ€”mayroon din tayong YAKAP Program na sinasama natin para โ€˜yung nagpapatingin, hindi lang ang estudyante โ€“ pati teacher, pati magulang pinapatingnan natin para nga makatiyak tayo na kayong lahat ay ligtas para maging maayos, na matulungan natin ang ating mga minamahal na ating mga anak na para sila ay makapag-aral nang mabuti.

Ngayon po ay nakakalungkot na mayroon tayong nakikita na mga pangyayari sa ilang eskuwelahan. Nangyari po ito, tiyak ako na nabalitaan na ninyo na nangyari sa Tacloban, nangyari sa South Cotabato, at sa Zamboanga. Ito po ay kailangan po nating bantayan nang mabuti.

Kaya po naging kasama sa ating programa ang *pagturo kung papaano ano โ€˜yung mga kailangan* bantayan para ang ating mga kabataan ay hindi nadadala sa ganyang klaseng mga ginagawa na nananakit ng kanilang mga classmates, nananakit ng kanilang mga teacher.

Kailangan po magkasama tayong lahat. Hindi po lamang ang pulis, hindi lamang ang mga teacher, hindi lamang po ang mga magulang, hindi lamang po ang pamahalaan. Kailangan po lahat tayo ay magkaisa tayo at magsama-sama tayo. Bantayan po natin nang mabuti ang ating mga kabataan.

Alam naman po natin, alam ko na kayong mga magulang, napakamahal ninyo ang mga anak ninyo. Kaya ginagawa natin ang lahat na sila ayโ€”nakakatiyak tayo na sila ay ligtas, walang mangyari sa kanilang hindi maganda kagaya ng nakita natin at kailangan lahat tayo ay nagtutulungan.

Bantayan po natin nang mabuti ang ating mga bata, ang ating mga anak. Bantayan po natin na hindi sila nasasama sa mga ganyang klaseng kagagawan. At ito po ay hindi madaling gawin, kailangan po nakabantay tayong lahat at sabay-sabay tayong lahat. Sabay-sabay, kasama ang mga magulang โ€“ siyempre kayo ang una na kailangan tingnan ninyo โ€˜yung mga kabataan kung nagbabago, magiging masyadong malungkot o masyadong galit o lahat na, basta kailangan bantayan.

โ€˜Yun mga teacher ganoon din, nagbabantay din po. Kami din po sa pamahalaan ay ginagawa namin lahat upang matiyak. Kaya ganito po ang aming ginagawa sa larangan ng edukasyon. Hindi lang po ang pagtuturo sa classroom kung hindi pati po ang pag-aalaga sa kalusugan ng kabataan at ang kanilang kaligtasan sa kanilang eskuwelahan.

Kailangan namin ng tulong ng mga magulang. Kailangan namin ng tulong ng ating mga teacher. Kailangan natin ng tulong ng pamahalaan. Pareho โ€˜yung national government pati local government, kailangan po tayong lahat ay magkaisa at tulungan natin at bantayan natin na tiyakin na ang mga bata, ang mga anak natin ay makapag-aral nang mabuti at sila ay ligtas at walang masamang pangyayari ang ating makikita muli.

Kayaโ€™t maraming salamat sa inyong pagsasama sa ating mga programa at kayo po ang aming inaasahan na laging nandiyan para bantayan ang ating mga kabataan, para tulungan ang ating mga kabataan para maging maganda ang kinabukasan ng Pilipinas dahil naging maganda ang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Maraming, maraming salamat. [applause]

โ€”ENDโ€”