Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Visit to Delpan Sports Complex and Delpan Evacuation Center
At maraming salamat at kahit โ talaga naman, kahit sa lagay po ninyo eh nakakangiti pa kayo at napakainit ang salubong na ibinigay ninyo sa akin. Maraming-maraming salamat po.
[cheers and applause]
Dumaan lang po ako sandali dito sa inyo upang tiyakin na ang lahat ng pangangailangan ninyo, lahat ng tulong na ibibigay ng pamahalaan ay natatanggap ninyo dahil po alam naman natin kapag ganiyan ang nangyari, nagkasunog at nawalan kayo ng tirahan eh dapat talaga ang pamahalaan ang magsasaklolo sa inyo.
At kaya po nandito po ang DSWD, nandito po ang ating mga ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan at siyempre kasama po natin ang ating local government ng City of Manila, ang Lungsod ng Maynila, na sabay-sabay kami naghahanap ng paraan na tumulong.
Kaya nandiyan po, galing po sa national government, mayroon po tayong hygiene kit, mayroon pa po tayong family cooking kit, mayroon pa po tayong binibigay na food pack at bukod pa roon, โyung PhP10,000 na assistance para mayroon po kayong magamit na peraโฆ
[cheers and applause]
Ang susunod po, pagkatapos po na makuha po namin lahat ng mga detalye ninyo, ang susunod poโฆ Patuloy po, hindi po kami titigil nang pagbigay ng pagkain at lahat ng assistance at lahat itong mga kit na nakikita ninyo, wala pong tigil โyan ay tuloy-tuloy po naming gagawin โyan.
At ang susunod ay ang DHSUD, โyung housing, โyung Department of Housing โ [cheers and applause] para mabigyan kayo ng mga building material para makapagpatayo uli kayo ng inyong magiging tirahan.
Kaya sana po ay kahit na medyo mahirap ngayon, asahan po ninyo, hindi po aalis ang pamahalaan, hindi po aalis ang DSWD, hindi po aalis ang Lungsod ng Maynila.
Nandito po si Yorme at hindi po aalis hanggaโt kayo ay handa nang makauwi uli at mabuhay ulit nang normal. Nandito lang po kami. Asahan po ninyo.
[cheers and applause]
(Mayor Isko Moreno: [inaudible] PhP30,000 [inaudible] per family.)
Ha?
(Mayor Isko Moreno: [inaudible] PhP30,000 [inaudible] per family.)
Lahat-lahat?
(Mayor Isko Moreno: Hindi sa [inaudible] PhP30,000 per family.)
Mayroon pa pala. Ito, nandito pala ang namumuno ng NHA, mayroon palang pang rebuilding, magbibigay din ng PhP30,000 para mayroon kayongโฆ [cheers and applause] Para pambili ninyo ng gamit, para โyun na nga, makapagpatayo ulit kayo ng inyong tirahan. Sige po.
[Crowd: BBM! BBM! BBM!]
Maraming-maraming salamat po.
Asahan po ninyo, nandito po kami. Hindi po kayo namin iiwanan. Hindi ko kayo nakakalimutan. Hindi kayo namin pababayaan.
Maraming salamat po. Magandang umaga po.
โ END โ