Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. during his attendance at the Batangas, Bawat Bayan Makikinabang

Speeches 24 April 2026

Maraming salamat sa ating butihing gobernadora, Governor Vilma.

Masama lang โ€˜yung loob namin ni Secretary Ralph. Sabi ko nga sa kanya, masyado siyang nakapustura eh kaming dalawa ni Sec. Ralph eh nagmukhang driver niya kasi masyadong maganda. Mahirap talaga โ€˜yung malapit sa masyadong maganda.

Anyway, magandang hapon sa inyong lahat at kamiโ€™y nandito upang tiyakin na maganda ang takbo dito sa ating naging programa para sa lalong-lalo na sa ating mga iskolar.

Ito ay isang bahagi nung mas malaking programa na Bawat Barangay ay Makikinabang.

At doon sa programang โ€˜yan, nagbibgay kami ng tigda-dalawang โ€“ PhP200,000 sa bawat barangay at ang hatian ng pera ay โ€˜yung PhP100,000 ay ibibigay sa lima na qualified na scholar.

So, โ€˜yung PhP100,000, ibibigay sa lima, 20-20-20 ang ibibigay para naman, lalong-lalo na โ€˜yung mag-ga-graduate na pero baka hindi makapag-graduate dahil hindi โ€“ kulang ang pambayad eh ang mga barangay chairman, mga barangay official, ay malalaman nila kung sino sa inyo โ€˜yung mga kailangan. Ay mabutiโ€™t ay nandito na pala kayo at magandang makita at nakakatuwa na malaman na kayong lahat ay magtatapos dahil sa aming โ€“ itong bagong programa namin.

Malaking bagay dahil hindi magiging sikat ang Pilipinas kung hindi sikat ang ating mga kabataan at nakikita ko naman na malaki at maganda ang pag-asa ng Pilipinas kapag kayo, ang mga susunodโ€ฆKami mga kurang na kami kaya kailangan ma-develop na kayo na pagka โ€“ pagka kamiโ€™y wala na, kailangan nandiyan kayo, handa kayo.

At ito ay isang maliit lamang na bagay na maitulong namin para naman eh matiyak natin na kayo nga, mga qualified at mga deserving students ay makakapagtapos.

Nice to see you all.

Magandang-magandang hapon sa inyo.

[applause]

โ€” END โ€”