Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Presidential Scholars’ Orientation
Thank you. Thank you. Maraming salamat.
Maganda umaga. Good morning sa ating mga Presidential Scholars.
Ipapaliwanag ko lang kaya kami nandito tinitingnan namin dahil nagbukas na ang eskuwelahan. And we are looking to make sure that everything is going well.
At nandito kayo ngayon, ang tawag sa inyo mga Presidential Scholars dahil kayo ang naging beneficiary nung aming programa na ibinababa ang pondo sa ating mga local government.
In your case, it is to the barangay. Ang ginawa natin, I’m sure nasabi rin sa inyo, but I’ll explain it again. Sa bawat barangay, nagbaba kami ng tig-da 200,000 piso for the barangay officials to use.
But ang request lang namin sa mga barangay officials, ‘yung kalahati nun, ‘yung 100,000, mamili sila ng lima na scholar na tutulungan sa kanilang barangay.
So each scholar out of — five scholars, 100,000 ang kanilang budget, lima kada barangay, bawat barangay, lima ang napipiling scholar. Kayo ‘yun.
And that’s why you have become the Presidential Scholars.
Because this is a fund that comes from us, from the Office of the President.
We have designated it as the Socio-Civic Development Fund, Programs Fund.
So, ‘yan ang scheme natin. And ang sinabi lang namin ay mamili kayo ‘yung mga estudyante na malapit nang magtapos. Pero baka hindi magtatapos dahil kulang sa pambayad, kailangan magtrabaho, whatever reason.
Kung ano man ay tutulungan natin para naman makapagtapos, magkaroon na ng diploma.
And that’s how we — that’s the way that we picked the presidential scholars.
And so, that is the opportunity that we have provided for every barangay.
So, there are about 42,000 plus barangays in the Philippines. So, in the whole Philippines, gagawin namin ito sa buong Pilipinas. So, sa buong Pilipinas, over 200,000. There will be over 200,000 of you presidential scholars, which is so important.
And the reason na sinasabi namin na napakalaga nito, ay lagi nating iniisip, ilan beses niyo nang narinig, ang kinabukasan ng ating bansa ay ang ating kabataan.
Totoong-totoo ‘yan. And we have seen it over and over and over again all the way throughout history.
Kaya napakahalaga na kayo pagdating ng panahon, at darating ang panahon, it will be sooner than you think.
Akala ninyo matagal pa ito. It will be sooner than you think. When it is time for you to be the ones to run this country. Kayo ang magpapatakbo ng Pilipinas.
And I’m not talking about government alone. I’m talking in all the different sectors. In private business, in education, in government, in all the sectors, kayo na ang magpapatakbo.
Kaya napaka-importante na kayo ay handa na, na maganda na ang training ninyo, maganda na ang pinag-aralan ninyo.
At ito ay biyaya talaga ito. Ang edukasyon ay biyaya na dahil — it is a treasure.
It is a wealth that you will never lose ever until the day you die.
‘Yan ang talagang pinakaimportante rito. Kaya mapakanibangan niyo sana ang tulong na binibigay namin para kayo ay maging handa pagdating ng panahon.
At alam naman natin, kapag kayo ay may magandang pinag-aralan, malaking tulong ito sa inyong pamumuhay, sa mga sarili ninyo, sa pamilya ninyo, sa komunidad ninyo at sa ganoong paraan sa buong Pilipinas.
Kaya’t huwag niyong kakalimutan gaano kahalaga ang edukasyon. Huwag niyong kakalimutan.
Kaya’t mag-aral kayo nang mabuti, pagtiyagaan ninyo talaga dahil ito ay kayamanan na maibibigay namin sa inyo na hindi na makukuha sa inyo.
Hindi na malulusaw ‘yan. Hindi na maaagaw ‘yan. Wala nang puwedeng magnakaw sa inyo niyan.
Habang buhay ninyo, araw-araw ninyong magpapasalamat na nagkaroon kayo ng magandang edukasyon.
So, work hard, study hard, and magkita tayo ‘pag may hawak na kayong diploma.
Okay, thank you.
— END —