Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Opening of the NLEX Segment 8.2 Section 1A
Magandang umaga sa inyo at nandito tayo dahil bubuksan na natin itong section na ito ng NLEX na magko-connect sa Mindanao Avenue sa Valenzuela, at magko-connect hanggang sa Quirino Highway sa Quezon City.
Kahit maigsi lang, dalawang kilometro, napakalaking bagay dahil ang dinadaanan ngayon ay napakalayo bago umiikot โ ang tinatawag bababa sa surface road. Dadaan ng traffic siguro 40 minutes, 45 minutes. Ngayon, pagbukas nito, limang minuto na lang.
At ito ay binuksan natin ngayon dahil ang katotohanan, ang schedule nito hindi pa ngayon dapat mabubuksan pero pinilit na natin na buksan para makapaghanda sa Undas. May mga sementeryo โata dun. Oo yung Holy Cross nandiyan so mas madali ngayon ang pagdaloy ng traffic at saka para hindi masyadong mahirapan ang ating mga kababayan sa kanilang pag-recognize at saka pag-celebrate ng Undas.
Nandito rin, tiningnan din natin, โandito rin yung istasyon ng subway. Nakikita natin naโwell, hindi pa masyado makita dahil sa ilalim, tapos na yung tunneling, yung pagbutas, tapos na. Yung mga building, na support building, yung mga training center, yung mga para sa equipment, lahat ay 90 plus percent na ang completion.
Kaya patuloy ang ating construction para maging mas madali ang transport system at mas maganda ang transport system natin para matulungan ang ating mga workers na hindi sila mahirapan, magiging mas productive sila, hindi naaaksaya ang panahon sa traffic na naranasan natin ngayon.
Mayroon pa tayong isang magandang balita na sinabi lang sa akin ngayon lang, medyo surprise pero magandang balita. Ang MVP Group ay mayroon silang, maglalagay sila ng investment na may halaga ng 120 billion pesos. Ito ay maglalagay sila ng elevated na daan mula Balintawak hanggang Bocaue, hanggang Bocaue ang aabutin.
At napakalaking bagay nito dahil ito ay idadaan nila doon sa may highway na ngayon, maglalagay sila ng elevated. Ito yung pagsasama ng dalawang grupo, ng MVP at SM group na pinagsasama, pinakiusapan ko sila na magtulungan sila para madagdagan naman natin yung dinadaanan. At iba ang magiging karanasan, ang experience, ang traveling experience para sa mga commuter natin pagka natapos na โyan. Napakalaking investment na gagawin ng MVP Group at syempre, kasama nila ang SM Group dahil kailangan nila mag-coordinate.
Pero very good news ito para sa ating continuing na construction para sa pagpadaloy, pagpaganda ng daloy ng trapiko sa atin, pagpabilis at pagbaba ng transport cost at pagiging mas maginhawa ang pagbiyahe ng ating mga workers.
Maraming salamat. Magandang umaga.
Ah, is that so? Ah, oh, sige. O, โyun. Dahil, kagaya ng mga ginagawa natin sa ibang lugar, sa ibang mga daanan na bagong bukas, ay dahil kaya pa naman, pinagbibigyan tayo, libre ang pagdaan dito ngayon hanggang end of the year.
Ito, ito na โyung certificate. โAyan, itโs official. Magbubukas na talaga today. [applause]
All right. Maraming salamat. Thank you.
โENDโ