Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Launching of the PhP20/kilo Rice Program in Bien Unido, Bohol

Speeches 5 September 2025

Magandang hapon po!

Magandang hapon po. Nandito po kaming lahat upang pagmasdan at tingnan itong aming pag-distribute ng dalawampung piso kada kilo na bigas na dito sa Kadiwa namin.

At tinitingnan natin na lahat ng mga qualified na dapat makatanggap ng 20 pesos per kilo ay nabibigyan nang kaunting tulong para naman makamura nang kaunti sa 20 pesos.

Kasama din po natin dito. Nandito po ang… Eh siyempre, nandito ‘yung inyong Governor na marami ring programa para pagandahin ang presyo ng palay [applause] para makapag-avail doon sa subsidy ng national government para maipagbili nga ang bigas.

At lahat po ng nakikita ninyo, ito po ay hindi na galing labas ito, galing dito sa Bohol. Ito, binili sa inyo, sa mga magsasaka dito.

Nandito rin po ang Department of Agriculture, ang Kalihim ng Department of Agriculture, Secretary Kiko Laurel. [applause]

Nandito rin…Tumingin din kami sa – pumunta rin po kami sa eskuwela, tiningnan namin ‘yung feeding program at saka ‘yung mga facilities ng ating mga estudyante para naman maging maayos.

At sinama po natin ang DepEd Secretary, Secretary Sonny Angara. [applause]

At ‘yung hinahanap ng lahat ng mga magsasaka, ang administrator ng National Irrigation Administration, NIA.

Dahil noong kausap namin ang mga – ang mga magsasaka, lahat, pare-pareho. Hindi lamang dito sa Bohol, lahat ng mapuntahan namin, ‘yun lang talaga dahil alam nga natin na talaga ang pinakamahalaga para sa agrikultura ay ‘yung patubig.

Pero bukod pa sa patubig eh nagbukas tayo kanina ng service area na 300 hectares, 400 ang beneficiary farmers. ‘Yung binuksan namin na dam, Calunasan, sa Calunasan.

At siguro, titingnan po natin, saan pa natin makakapaglagay ng ganiyan. Kasama na rin po diyan hindi lang pag-iipon ng tubig para sa irigasyon, kasama na rin diyan ang flood control. Kasama na rin diyan ng – kung may power element, kung minsan, nilalagyan namin ng solar. Kaya’t titingnan po natin.

At alam naman po natin na ang pinakamahalaga para sa ating mga magsasaka ay ‘yung patubig.

Pero dagdag pa roon, kung titingnan niyo po sa labas, nakapagbigay tayo ng mga bangka, nakapagbigay tayo ng mga tractor, mga harvester.

Ito po kasama po sa RCEF sa PhilMech, ‘yung – parang mechanization para maparami natin ang mechanization, nagbibigay kami ng mga makinarya.

‘Yan, ganiyan. Ganiyang klase ho harvester, mga tractor, mga drying machine, milling machine. ‘Yung milling machine pala ninyo sira – ‘yung milling plant ninyo sira.

So, titingnan po natin para maayos ‘yung inyong – para nandito. Para hindi na – para ‘yung kita sa pagproseso ng palay hanggang bigas ay hindi mapupunta sa ibang lugar.

Hindi na mapupunta sa middleman, ‘yung trader at maiiwan na rito sa inyo para ‘yung kita – gaganda ang kita ng ating mga magsasaka.

‘Yan po ang aming tinatrabaho.

Asahan po ninyo na kahit na nagbabago ang panahon, kahit may tinatawag na nga na climate change na kung minsan natatamaan ‘yung ating mga tanim at saka ‘yung palay kung minsan medyo hirap dahil uulan, tapos aaraw tapos uulan. Nasisira ‘yung quality nung – nung ating palay.

Pero pagkamaganda ang patubig natin, hindi na ‘yan magiging problema. Kaya po ayan po ang aming tinitingnan at binibigyan ng pansin.

Asahan po ninyo na ipapagpatuloy po natin ito. Hindi lang minsan ito. Tuloy-tuloy na po ito hanggang katapusan. [applause]

Maraming marami pong salamat.

Good luck po sa inyong lahat!

Maraming salamat sa mainit niyong pagsalubong!

Thank you po.

— END —