Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Launching of Oplan Kontra Baha: Greater Metro Manila Waterways Clearing and Cleaning Operations
… Greater Metro Manila Waterways Clearing and Cleaning Operations. Oplan Kontra Baha ang tawag namin dito.
Dahil napag-aralan namin nang mabuti at malaking bahagi sa flooding ay ang siltation – masyado nang mababaw ang ating mga spillway, pangalawa, ay ang basura na nagkukumpol-kumpol para hindi na nga makadaan.
So, ang una nating kailangang gawin ay linisin ang lahat ng mga estero, lahat ng mga spillway, lahat ng ganito upang maging mas malalim ‘yung ating pagdadaanan ng tubig, isa; pangalawa, para maayos natin at maging mas maganda ang pagtakbo ng tubig para hindi nga maiwan ang lupa na nanggagaling sa taas, nagsi-siltation.
Hindi ito maaaring gawin na minsan lang. Ito ay patuloy nating gagawin. Hindi natin titigilan ito. Kasama na ito sa MOOE ng DPWH, maintenance na kailangan nilang gawin every year.
Ngayon, itong unang phase kailangan dahil napakalalim pa, 10 meters pa ‘yung huhukayin on average sa atin. Ganoon kababaw na ‘yung tubig. Ten meters ang kailangan nating hukayin para – ‘yung iba 20 meters. I’m sorry 10 feet, three meters pala, sorry, three meters, 10 feet, upang matiyak natin na maganda ang pagdaloy ng tubig.
Ngayon, we will continue to do this first part of the Oplan hanggang June, July of next year, mga nine months ito. Hindi namin titigilan.
Ngunit even after that nine months ay patuloy lang, regular na ang paglinis, pag-desiltation, paglinis ng basura, lahat ito ay patuloy nating gagawin. Hindi nating puwedeng tigilan dahil alam naman natin umiipon pa.
Ang isa pang nakita nating problema ay ang paglagay ng mga pumping station na mali. Mayroong mga pumping station – hindi lang mayroon – marami sa mga pumping station natin mula ng itinayo ay hindi pa gumana kahit minsan. Hindi nag-operate kahit minsan.
Bakit? Dahil ‘yung pumping station mismo sa paglagay nila ‘yun pa ang nakaharang sa tubig. Imbes na magbigay ng solusyon, ito pa ang naging problema ‘yung mga pumping station na nilagay.
Kaya marami pa tayong kailangang gawin. Ngunit malaking bahagi na sa solusyon ito na paglinis ng basura at paghukay ng ating mga – paghukay sa desiltation para maging malalim ulit.
Itong project na ito, itong Oplan na ito, nakita ninyo nandito kasama natin ‘yung mga ibang Metro Manila mayors at ang mga iba’t ibang Metro Manila leadership upang magsama-sama. Kasama po ng – nandito po, mabuti na lang nandito po si MVP na sinama natin. Ito kaya lagi natin sinasabi talagang kailangan natin ‘yung private sector dahil sila ang tumutulong at mabilis gumalaw.
Kaya nandito si Manny Pangilinan, nandito si Ramon Ang ay silang dalawa ay nag-volunteer na sila na ang gagawa sa marami dito sa kailangan na gawin na trabaho.
But of course, they have to do this in coordination with our local government executives. At alam naman natin ang mga local government executives noong nakita nila na may project na ganito ay pumayag naman kaagad dahil siyempre ayaw nila ng baha sa kanila.
So, malaking tulong ang pagsasama ng private sector, ng LGU, at saka ng national government. Kaya hindi kaya ng kahit na national government lamang. Hindi kaya ng LGU lamang. Hindi kaya ng private sector, ng mga negosyante, hindi nila kaya na sila lang.
Kailangan magtulungan at ito ‘yung mangyayari, bibilisan natin. Sana naman ay mababawasan… Ang estimate ng ating mga siyentipiko ay sabi nila mababawasan ng up to 60 percent ang pagbaha kung ito ay maging maayos na.
Mas mababawasan pa ang baha ‘pag naayos natin ang mga pumping station. Kaya kung titingnan ninyo ‘yung mapa nandiyan maliwanag kung saan ‘yung mga problem areas kung saan uunahin.
Ngunit ito ay hindi lamang dito sa Maynila. Ito ay kumbaga – hindi mo na masasabi ‘yung pilot project. Kung maalala ninyo, mayroong ginawang study na ang tawag NOAH. Ang NOAH study was to study the flood control or the flood situation especially around Metro Manila.
Ngunit all over the Philippines na rin. Kaya on the basis of that study and on the basis of the coordination between again the LGU and the private sector, we will also bring Kontra Baha to Cebu, to Bacolod, to Roxas City, to Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Pangasinan, Cotabato, Davao, Cagayan de Oro, and other places na madalas na mabaha.
So, that is what this signifies now. It’s the beginning of a very wide-ranging program to at least partially solve the problem of flooding especially in the urban areas, especially in Metro Manila and the other highly urbanized cities and provinces.
Kaya this is going to be a simple solution but it will take a lot of work. And mabuti na lang ay marami tayong mga willing na tumutulong. Again, from the national government, of course, we are administering it, organizing it. But again, we do it together with our LGU executives and with our friends in the private sector who have volunteered their capacity and their equipment.
We have discovered that kung makita ninyo ‘yung mga equipment na ito medyo bago-bago pa. Nandiyan ‘yan since when 2018?
[DPWH Secretary Vivencio Dizon: Probably almost seven years.]
Seven years ago, naka-ano lang nakatenga lang doon sa warehouse nila, ng DPWH, at never nagamit. Dahil kailangan daw itago for the big one. Pero ito na yata ‘yung big one when it comes to flooding. Ano pang hinihintay natin?
Kaya ilabas na natin lahat. Gagamitin na natin lahat ‘yan.Pplus mayroong augmentation from again the private sector at marami naman silang equipment. And, of course, with the approval and the cooperation of our LGUs.
So, hopefully – we will just keep doing this. This is not an instant solution. Kung tutuusin natin sa pag-aaral ng ating mga eksperto ang flooding problem hindi maaayos dahil mayroon tayong ginawang isang bagay. We will have to do many things. We have to do the siltation. We have to do the changes in the location of the pumping stations. We have to act – in the long term, we have to go upstream and look at the watersheds and see what we can do there. Either develop the watersheds or already put holding – I mean impounding – we’ll have to impound the water upstream.
So, this is a long-term solution. And it is something that has been proposed for a very long time but somehow has never been implemented, and we are doing that now.
And so, I have – I am very optimistic that once we get the majority of this done, maramdaman na kaagad natin na pagdating ulit ng tag-ulan next year, malaki na ‘yung mababawasan sa flooding.
So, okay? Maraming salamat.
— END —