Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Kadiwa ng Pangulo in Batangas
Maraming salamat ating butihing Mayor. Akala ko โyung pinuntahan ko Kadiwa, rally pa ito eh. [laughter] Naaalala ko tuloy โyung ating kampanya. Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyo.
Binabati ko lang po ang ating City Government nandito po; ang ating Sangguniang Panlungsod na pinamumunuan ng ating Vice Mayor; ang mga barangay officials na nandito; at lahat ng nakilahok dito sa Kadiwa, magandang umaga po sa inyong lahat at salamat po sa inyong lahat.
Dahil po ay โ nagsimula po itong Kadiwaโฆ Ang katotohanan nito ang Kadiwa nagsimula ito noong panahon pa ng tatay ko. Noong nakita namin tumataas ang presyo ng mga bilihin ay binuhay namin ulit. At ang sikreto dito ay ginagawa namin ay diretso na galing sa mga farmers ay tuloy-tuloy na dinadala na dito sa Kadiwa para wala ng dagdag presyo.
At bukod pa roon, ang ginagawa natin ay binibigyan din natin ng pagkakataon ang mga local MSMEs na talagang nahirapan noong lockdown, noong kalakasan ng pandemya. Kayaโt ito ay pagkakataon para โyung mga produkto naman na ginagawa ng mga lokal ay mabigyan ng merkado para mayroon silang mapuntahan at ipagbili ang kanilang mga magagandang produkto.
Naikot ko po at marami dito sa mga nagtitinda ay wala ng laman at naubos na. Kayaโt mabuti naman at malakas ang benta. Kaya โyan ang ating hinahabol.
Ito po ay nagsimula ay tawag namin dito noong umpisa ay โKadiwa ng Pasko.โ At noong Pasko sabi namin baka naman mayroon tayong magawa para naman mas magaan, mas maganda, at mas maging masaya ang Pasko natin. At โyan ay binuhay namin โyung Kadiwa.
At kasama po natin lahat diyan ang Department of Agriculture, ang Department of Trade and Industry, at siyempre ang pinakaimportante diyan lahat ay ang kooperasyon ng national government at saka ng LGU. Hindi po namin magagawa ito kung wala โ kung hindi tumulong ang LGU.
Kayaโt ito โyung magandang pagsasama at pagkakaisa para makipagtulungan para nga makapagbigay tayo ng tama na presyo para sa ating mga bilihin.
At akoโy nagpapasalamat sa inyong lahat na lalong-lalong na lahat ng nakilahok dito, lahat ng pumunta rito, lahat ng nagdala ng kanilang produkto, at ito po ay magbubuhay sa ating ekonomiya.
Ang ekonomiya po natin karamihan po ay MSMEs, โyung maliliit po na negosyo. Kaya naman iyon ang nahirapan noong dumaan โyung pandemic at talagang ang daming nagsara na negosyo, ang daming nagsara na ibaโt ibang businesses, at nawalan ng trabaho โyung ibang tao.
Kayaโt โyun ang inuna namin. Sabi namin gamitin natin lahat ng kakayahan ng pamahalaan upang tayo naman ay makatulong, maibangon ulit ang ating mga maliliit na negosyante. Kayaโt kasama sila dito, kasama kayo dito sa ating Kadiwa.
Sana naman po ay ito po ay pinaparami po namin. Hindi lang po rito sa Sto. Tomas, hindi lang po sa Maynila, kung hindi pati na sa ibaโt ibang lugar sa buong Pilipinas. At sa huling bilang ko ay nakalampas na tayo sa 500 na Kadiwa na ginagawa sa buong Pilipinas. [applause]
Kayaโt pararamihin po natin โyan kagaya ngaโฆ Bastaโt nagkakaisa at nagsasama lahat ng ahensya ng pamahalaan, lahat ng local government, at lahat ng ating mga producers, kasama na ang ating mga magsasaka ay โyan po ay makikita natin magiging matagumpay po itong programang ito.
Kayaโt maraming salamat po sa inyong lahat sa inyong tulong โ sa pagtulong ninyo sa ating kapwa Pilipino at sa pagtulong ninyo sa pag-ahon sa ekonomiya ng Pilipinas.
Magandang umaga po at marami pong salamat. [applause]
โ END โ