Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inspection of the Upgrading of the Sunog Apog Pumping Station

Speeches 25 May 2026

Good morning sa inyong lahat.

Nandito tayo sa Sunog Apog Pumping Station. Kaya tayo nandito para makita kung talagang naayos na. Dahil mula noong in-inaugurate ito at binuksan ito noong 2020 ay ni minsan hindi gumana ito. It has never worked at all for six years.

So tinrabaho natin ito mula noong November. Sinimulan noong November, ngayon puwede na. Pinalitan โ€˜yung mga electrical equipment, nilinis lahat nung mga tubo, nag-desiltation sila doon sa ilog pati rito sa loob para naman mabawasan โ€˜yung basura.

Dahil ang nangyari โ€” madalas na mangyari โ€˜pag nabara ng basura โ€˜yung bomba, siyempre maiipit โ€˜yun, nasusunog โ€˜yung mga electrical equipment. Kaya pinalitan lahat at inayos nang mabuti para naman after six years, 2020 ito in-inaugurate, after six years lang, naging maayos ulit.

Naging maayos โ€“ never naging maayos. Ngayon lang naging maayos para umandar ulit. Ito umaandar ito.

Sinasabi nila sa akin โ€˜pag umandar ito, umaandar five minutes tapos barado na. Kaya mayroong kaunting problema pagka-design kaya inayos natin lahat.

Mabuti na lang dahil ang laki โ€“ lalo na itong area na ito sa likod ninyo โ€“ itong area na ito malalim โ€˜yan eh kaya mabilis mabaha.

Ngunit noong in-on namin โ€˜yung isang bomba, isa pa lang โ€˜yun โ€˜di ba out of the three? Iyong isang bomba lang at pinatakbo namin at 50 percent capacity, kitang-kita ang laki nang binaba na ng tubig. Siguro mga one foot, mga 12 inches ang binaba na kaagad ng tubig. Wala pa โ€˜yun. One pump at 50 percent.

Kaya kahit malaki ang tubig, malaki ang maibabawas sa ating mga kababayan sa kanilang dating nababaha na lugar.

Kaya nandito si Mayor Isko โ€“ ito si Mayor Isko dahil matagal na niyang nirereklamo ito at sinama natin para makita naman niya na naayos na. At tingnan natin pagdating ng tag-ulan โ€˜pag effective dahil sa aking palagay, sa ating palagay, sa design niya ngayon ay pupuwede na.

Kaya mabuti naayos natin. Nagkakaproblema, nireklamo po ng tao. Tiningnan po natin, pinag-aralan natin. Ngayon, naayos na po natin

Kaya iyan ang naging progress dito sa Sunog Apog. [applause]

Maraming salamat. Magandang umaga sa inyo. [applause]

โ€” END โ€”