Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inspection of High Vacuum Self-Priming Draining Trailer Pump

Speeches 11 August 2026

Nandito ngayon tayo sa Las Piรฑas, tinitingnan natin ang effect ng naging malakas na ulan noong nakaraang ilang araw. At mabuti naman, tama naman dahil sa binigay kong instruction sa DPWH, patuloy โ€˜yung dredging na ginagawa. Mukhang nagkaroon naman ng epekto. Hindi ganoon kalala ang pagbaha, medyo nabawasan. Dati hanggang sa dibdib umaabot, ngayon wala pa, hindi na hanggang โ€” kulang pa sa tuhod ang baha.

So, effective naman ang ating ginagawa ngunit alam naman natin kulang pa rin โ€˜yan. Marami pa rin tayong kailangan gawin dahil itongโ€ฆ Halimbawa sa dredging, ngayon lang tayo nagde-dredge ulit na tinigil ng moratorium sa dredging for 12 years. So, 12 years walang dredging. Kayaโ€™t pababaw nang pababaw โ€˜yung mga ilog natin, โ€˜yung mga spillway natin.

Speaking of spillway, ay kailangan na talaga natin tapusin โ€˜yung spillway dito sa Las Piรฑas para may labasan โ€˜yung tubig at matagal nang natigil โ€˜yang planong โ€˜yan. That plan has been in the works for โ€“ I donโ€™t know, more than 10 years. Pero for some whatever reason, hindi natin nabuo at ngayon kailangan gagawin na natin.

So, I have given instructions to Secretary Vince na tingnan na muna natin, balikan na natin ang mga plano. Tingnan natin kung may kailangang palitan. But whatever it is, kung anong kailangan gawin, kailangan tapusin na natin. Ilagay na natin โ€˜yung spillway. Malaking, malaking bagay โ€˜yan para sa pagbabaha ng NCR.

Ang isa pang issue na nakita natin na nangyari ay โ€˜yung nagbabaan โ€˜yung sa Paraรฑaque lalo โ€“ ay โ€˜yung nagbabaan ang basura. Nakita ninyo โ€˜yung mga picture na punung-puno โ€˜yung kanal, punung-puno ng basura na hindi naman galing sa Paraรฑaque, galing sa ibang lugar โ€˜yun.

Pero dahil nabuksan na โ€˜yung ating mga kanal, lahat doon napasok, nasabayan pa ng high tide kaya naipit โ€˜yung mga basura doon.

Kayaโ€™t nananawagan kami sa lahat ng involved, ang ating mga local government unit, ang ating lahat ng mamamayang Pilipino, mag-ingat po kayo dahil ang laking pinsala ang nangyayari kapag โ€˜yung basura natin ay hindi maganda ang pagtapon at dahil kung saan-saan na lang nilalagay.

Tayo naman, kami naman dito sa pamahalaan ay itutuloy na natin โ€˜yung waste-to-energy na program. Iyon โ€˜yung kinukuha โ€˜yung basura at ito ay pino-process at ginagawang kuryente.

Napakalaking bagay niyan pagka natapos na natin. Sandali lang siguro โ€˜yan kasi understood technology na โ€˜yan.

Ngunit patuloy pa rin ang ating mga ginagawa, โ€˜yung ating kontra-baha, โ€˜yung project natin na ganoon at patuloy pa rin ang dredging. Pati kasama ang LGU at ang LGU ay nakakasama na rin natin sa dredging at makikita natin ang effect na ito.

Kaya kahit may baha pa nang kaunti ay malaki ang binawas, hindi na ganoon kalalim, una-una. Pangalawa, mas mabilis mawala โ€˜yung tubig dahil nga nabuksan na natin ang ating mga kanal.

Patuloy ang ating gagawing nito dahil hindi pa tapos ang trabaho. Marami pa tayong gagawin.

Ngunit mukha namang effective โ€˜yung ating nagawa na, na nasimulan nitong taon na ito. Hindi natin titigilan hanggang matapos โ€˜yan. Ang dredging talagang walang tigil โ€˜yan, tuluy-tuloy โ€˜yan.

Hanggaโ€™t magawa natin ng paraan na maipon โ€˜yung tubig bago pa bumaba, โ€˜yun ang talagang long-term plan diyan. Kayaโ€™t patuloy ang ating mga pinaplano para sa flood control. Thank you.

โ€”ENDโ€”