Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inauguration of the Rehabilitated and Improved Philippine Fisheries Development Authority – Iloilo Fish Port Complex
Maraming, maraming salamat sa ating Kalihim ng Department of Agriculture si Secretary Kiko Laurel.
Nandito rin po, kasama din po namin si Secretary Manny Bonoan ng DPWH dahil mayroon din kaming tiningnan na ibang flood control project at saka ‘yung mga ibang – mayroon isang tulay na medyo nagkaproblema.
Ngunit ako naman… Ay wait, before I – let me greet everyone: Congresswoman Jam-Jam Baronda; Congressman James; Mayor Raisa; and of course, our friend Governor Art; at lahat ng aking mga kasamahan sa pamahalaan; lahat ng mga tumulong para matapos itong proyekto na ito na…
Actually ito pa lang ang una dahil nga nakita natin ‘yung mayroon nang naka-ready na ipinagmamalaki ni Congresswoman Jam-Jam na mayroon ng mga – magkakaroon ng restawran, ng mga lutuan, para hindi lamang ito fish port at magiging tourist destination na rin. [applause]
At ito po ay napakahalaga dahil ang gagamit nito ay marami-rami rin, mga 1,500 na mangingisda ang gagamit dito sa ating rehabilitated na fish port na ito.
Napakalaking bagay dahil dito natin – sa pagbabago nitong facility na ito, marami tayong maaaring gawin na hindi natin kayang gawin noon kagaya ng paglagay ng cold storage. Dahil alam naman natin ‘yun ang pinakaimportante para hindi naman masira ang inyong mga nahuling isda at kahit malayo ay madadala natin sariwa pa rin pagdating doon para ‘yung balor, ‘yung pagbenta ninyo ng isda ay mataas pa rin ang pagbili.
Kaya napakahalaga ‘yung magkaroon tayo ng cold storage at malaking bagay din na ‘yung cold storage… Dahil ‘yung cold storage diyan – para gumawa ng – ‘yung mga ice plant, halimbawa, para gumawa ng yelo, kailangan maraming kuryente, maraming power. Kaya mabuti na lang mayroon na tayong solar. Ano pa – sustainable pa. Hindi na tayo kailangan magpaandar ng generator, na gumamit ng krudo. Pero mayroon na tayong solar.
Pero malaking bagay po ito dahil nga pinapalapit natin sa market ang ating mga mangingisda. Lahat ng sektor ng agrikultura ganito po ang aming ginagawa na pinapalapit. Sa pagsasaka naman, ‘yung mga magsasaka, para makadiretso na sila sa merkado, wala nang gumigitna. Inaayos po natin.
Kaya inaayos natin itong mga fish port na ganito para dito puwedeng isakay kaagad. Hindi na kailangan isakay sa truck, tapos kung saan-saan pa dadalhin. Napakalaki ang bayad ng transportasyon.
Kaya ito ay sa aking palagay ay isa sa pinakamahalaga na aming gagawin sa Department of Agriculture. Sampu pa ito. Sampu ang itatayo pa natin na ganito at tuloy [applause] – sa buong bansa. Dahil kailangan din…
‘Pag tinitingnan natin ang ginagawa ng mga ibang bansa, kagaya ng Thailand, kagaya ng Viet Nam, kagaya ng mga ibang bansa na nakapaligid sa atin, ay napakaganda ang kanilang sistema. Kaya mahirap makipagkompetisyon sa kanila kung hindi natin ayusin ang sistema natin. Babaan ang presyo ng production, babaan ang presyo ng transportasyon, pagandahin ang pagdala ng ating mga produkto para maipagbili, at ‘yung value added, ika nga, ay maiiwan sa mangingisda, maiiwan sa magsasaka.
Iyon po ang konsepto namin para ‘yung imbes na may binabayaran na middleman, eh kung ano ‘yung binabayad ninyo sa middleman ay hindi na kailangan, nasa sa inyo na ‘yun.
Kaya maiiwan ‘yung kita sa inyo. Hindi na mapupunta sa labas pa ng Iloilo, mapupunta kung saan-saan pang malalaking mga negosyante.
Kaya I’m very happy na nakapunta kami rito. At makikita naman natin na ang ating mga mangingisda ay marami talaga silang magiging advantage kapag nandito na ito.
I’m looking forward ngayon doon sa ating ibang itatayo na… Iyon hindi na rehabilitation ‘yun, bago ‘yun. We have to put up fish ports na bago.
Kaya ito lang kailangan ng imprastraktura. This is why our infrastructure is important dahil kahit na simpleng-simple lang na disenyo, eh mayroon lang tayong hallway na malaki, napakalaking bagay na kasi magiging sentro na ‘yan para sa ating mga mangingisda na connection – they have a connection sa ating mga ice plant, mayroon na silang connection sa mga frozen food na retailer, sa mga retailer – ‘yung mga maliliit at saka ‘yung mga bentahan ‘yung maliliit na tindahan.
Mapupunta dito lahat para hindi na kailangan mag-abala. At kagaya ng aking nasabi, hindi na kailangan na magbayad pa ng sino pa, kundi ‘yung kinikita nila maiiwan na sa ating mga mangingisda. Iyon ang pinakamahalaga para sa akin.
At tinanong ko kay Secretary Kiko Laurel kung ilan ang mangingisda sa Pilipinas? Ang sabi niya more or less mga 2.1, 2.2 million na mangingisda.
Palagay ko ‘pag iniisip natin na ang Pilipinas ay pitong libo na isla, parang kulang ‘yun eh. More people should be making their living from the sea. And that is what we are trying to encourage.
At to do that, ginagawa natin pinaparami nga natin ang mga facilities na kagaya nito, pati ‘yung transportation, pati ‘yung cold chain. Kung maalala ninyo, cold chain ay lagi namin napapag-usapan ‘yan dahil ‘yung cold chain ibig sabihin nasa yelo ‘yung isda mula sa umpisa. Mula rito hanggang doon sa tutunguhan para ‘yun na nga para maging – laging sariwa ‘yung isda na inyong ipinagbibili.
Kaya congratulations sa inyong lahat!
At alam ko na pagbalik namin dito, sana – baka pagbalik namin dito sasabihin ninyo maliit na, kailangan natin dagdagan. Eh ‘di maganda ‘yun. Dadagdagan natin. [applause]
Nakapagbigay din po tayo ng ilang bangka. Tapos kagaya ng laging ginagawa ng Department of Agriculture, nagdala kami ng mga tractor, ng mga combine harvester, mga milling machine, ‘yung maliliit lang. Mayroon para sa mais, mayroon para sa palay.
Kaya isusunod na lang namin diyan ‘yung tinatanong ko nga dahil binabasa ko ‘yung instruction doon sa milling machine, kailangan dry ang ilalagay. Kaya siguro drier naman ang dapat natin isabay pagka mayroong mga ganyang klaseng makinarya. [applause]
Kaya patuloy lang, patuloy lang po ang ating pag-develop ng ating agrikultura. At sinasabi ko nga noong dumadaan ako rito, eh ‘yung mga nakakamayan ko nagpapasalamat. Sabi ko hindi naman tama ‘yun. Kami ang nagpapasalamat sa inyo at importante itong ginagawa ninyo. Kayo ang nagpapakain sa lahat ng Pilipino. [applause]
Kung hindi sa inyo, wala kaming – hindi po mabubuhay ang Pilipino. Aasa pa tayo kung kani-kanino.
Kaya binibigyan niyo kami ng pagkakataon na magkaroon ng magandang buhay at mapalaki natin ang mga anak natin, maalagaan natin ang mga pamilya namin. Hindi po mangyayari ‘yun kung hindi sapat ang food supply ng Pilipinas.
Kaya maraming, maraming salamat po.
[applause] Alam kong malaki ang sakripisyo ninyo para gawin ang inyong trabaho.
At kami naman na nasa pamahalaan, nandito lamang para magsuporta sa inyo. At kung anuman ang pangangailangan ninyo, huwag po kayong mag – huwag kayong magdadalawang-isip. Trabaho po namin ‘yan. Hindi problema para sa amin ‘yan.
Kung anuman ang kailangan ninyo, kulitin niyo kami para alam namin. Kahit na nakasimangot na, sige lang, kulitin niyo pa rin kami kasi kailangan gawin. Kung kailangang gawin, kailangan gawin, gagawin namin. [applause]
Sige po, maraming, maraming salamat. Congratulations po! At sana pagbalik ko, makikita natin na punong-puno na ito at humihingi na kayo ng extension.
Maraming salamat. [applause]
— END —