Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inauguration of the Calunasan Small Reservoir Irrigation Project

Speeches 5 September 2025

Maraming salamat. Thank you very much.

[Magsiupo po tayo.]

Nakakatuwa na makapunta dito sa mga natapos na proyekto sa – para sa irigasyon.

At alam naman po natin na basta’t ang pinag-uusapan ay ang agrikultura, lalo na ang palay at bigas ay ang pinakamahalaga ang patubig.

Kaya’t ito ang aming – ito po ang aming binibigyan talaga ng pansin para maparami natin ang irrigated lands dito sa buong Pilipinas. Dahil kung maalala ninyo, last year, nahirapan tayo dahil sa presyo ng bigas at dahil sa maraming mga pangyayari dahil sa climate change, dahil sa international market, lahat, maraming dahilan. Kaya’t ‘yun ang inuna namin.

At tiniyak namin na wala ng – binawasan na namin – halos wala na – ‘yung mga smuggler, nahuhuli na lahat. At ‘yung distribution at saka ‘yung subsidy na binibigay ng pamahalaan ay tinuloy na natin kaya’t mayroon na tayong one hundred seventy something… After – pagkatapos nito, pupunta nga kami at titingnan namin, iinspeksyunin namin ‘yung isa pang 20 – 20 pesos per kilo na rice na na-release doon sa Kadiwa.

At ‘yun po ang inuna namin.

Ngunit, kasabay noon, na hindi masyadong napapagusapan ang pag-increase, pagparami, pagpalago ng produksyon natin. And that is very important dahil para hindi na tayo mag-import ay kailangan ang gawin natin ay makapag-produce tayo ng bigas na sapat para hindi na tayo –kailangan hindi na tayo umaasa sa ibang lugar.

At ito ho ay naging – naging maliwanag noong pagdaan nung pandemya na hindi tayo… Walang barkong dumadaan. Walang barkong nagde-deliver ng bigas y doon… Nataranta lahat. Hindi lang naman ang Pilipinas kung hindi lahat ng buong mundo dahil nga nagbago lahat.

Kaya’t natutunan na natin na dapat mayroon tayong sariling supply. Kaya patuloy ang aming mga proyekto para sa irrigation.

At dahil sa kabila naman nito ay ang – mayroon tayong – mayroon tayong mechanization program. Ibig sabihin, ‘yung pagbigay ng mga makinarya—

mga traktor, mga backhoe, mga dryer, mga milling machine na maliliit tapos ‘yung pati na ‘yung sa tinatawag nating solar-powered irrigation.

Ito po ‘yung bagong teknolohiya na solar-powered na po. Hindi na kailangan ng krudo. Basta’t may araw, may kuryente, puwedeng paandarin ‘yung bomba, mayroon na tayong irrigation.

Lahat ‘yan ay dina – kasama lahat ‘yan dito sa ating pagpapatayo, pagpapalagay ng mga ganitong klaseng irrigation project para doon lumaki ang ating produksyon.

At nakikita naman natin na mayroon namang – mayroon tayong nakikitang ‘pag – na gumaganda naman ang ani natin.

Noong 2024, last year, kahit na nagtuyot ng siyam na buwan, bago nagbagyo ng anim na bagyo within 24 days, dumaan dito sa Pilipinas. Kahit na nangyari ‘yun, record pa rin, pinakamalaki pa ring harvest.

Ngayong taon na ito ay palalakihin na naman natin ‘yung harvest. Pinakamalaki ulit ang magiging harvest ng 2025. Sa ngayon nga, nag-aani na ‘yung ibang lugar.

Kaya’t nakiki – kaya na nating kalkulahin kung ano ‘yung magiging total production natin.

At kagaya dito, the 400 – 400 beneficiaries, 300 hectares ang service area dito.

At ang pinakamahalaga diyan, ngayon, ‘yung service area puwede na ang three plant – tatlong planting. Imbes na dati eh hindi ganoon. Kaya’t iba talaga basta’t may patubig.

Kaya ‘yung production natin ay biglang tataas kaagad ‘yan. At ito’y ginagawa namin sa lahat ng buong Pilipinas. Kaya mabuti naman dito sa Bohol… Because Bohol, kailangan natin gawin ito kasi you’re also tourist destination eh. Kilalang-kilalang tourist destination.

Para malaman din ninyo, inaayos din natin ‘yung Bohol Airport para gawing international airport para ‘yung mga turista, hindi na kailangang dadaan sa Maynila. Dere-deretso na sila. Kung saan sila nanggaling, dere-deretso na sila dito. Dahil medyo inconvenient kung dadaan pa ng Maynila, lilipat na naman ng sasakyan. Bago sasakay, magbabayad ulit ng pamasahe. Kaya ‘yun ang ating ginagawa para tulungan ‘yung tourism industry dito sa Bohol.

Ito ngang lugar na ito, ang naging karanasan namin, ‘yung mga tinatayo naming mga ganito na mga dam na mga SWIP, mga kung – basta’t water impounding, nagiging tourist destination. Dahil tama nga naman, maganda nga naman dito. Sinasabi ko kay Gov. Aumentado eh lagyan natin nang kaunting bubong, nang kaunting cover dito.

Ang lagay ay pang-picnic ng tao dito. Ang sarap nga naman magkape-kape dito at tinitingnan ‘yung tubig ‘di ba?

Kaya’t another – it’s another – another use. May isa pang gamit kasi ito hindi lang nga irrigation, flood control pa ito.

Kaya ang naging – ang usapan ni Gov., nakita namin, magiging matagumpay ito dahil kung titingnan ninyo, ang kapal ng kahoy sa taas. Kaya hindi ma – ma-preserve ‘yung tubig. Hindi magbabaha, hindi magla-landslide dahil maganda ang ano – maganda ang forest coverage kung tawagin. At nasiksik ‘yung lupa, hindi guguho dahil nga may malalaking puno na… Pagpasok nga namin, congratulations talaga Gov. na ‘yung forest cover ninyo, mga watershed ninyo ay well-protected.

That’s a very important part ng ating – ng ating project. [applause]

Kaya para sa ating mga magsasaka ay gagawin namin ang lahat para tulungan kayo na ‘yung production ninyo ay maging mas mataas, at ang kita ninyo ay magiging mas mataas.

Kaya we are continuing at patuloy nating ginagawa ito para pagandahin ang agrikultura natin, para pagandahin natin ang hanapbuhay ng ating mga magsasaka, para sa inyong – para sa inyong sarili, para sa inyong pamilya, para sa inyong probinsya, para sa Pilipinas at ito’y nakakatulong sa ekonomiya natin kaya nagpapasalamat kami lagi.

Tama ‘yung sinabi ni Administrator Eddie na sinasabi na kayong mga bagong bayani eh talaga naman dahil kailangan niyo– kailangan maunawaan… Kung minsan sa – sa mga lungsod, hindi nila – ‘yung mga bayan, hindi nila naaalala na kung wala ang magsasaka eh wala tayong kinakain. Kayo ang bumubuhay sa buong Pilipinas. [applause]

Kayo ang tumitiyak na may pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino. Kaya’t nandito ang pamahalaan upang matulungan kayo para mapaganda pa natin ang food supply dito sa Pilipinas.

Mapaganda pa natin ang hanapbuhay ng ating mga farmers, ng ating mga magsasaka at maging maayos ang patakbo ng sektor ng agrikultura.

Maraming, maraming salamat.

At sa ating mga farmer beneficiaries, ipagpatuloy niyo, alagaan niyo po ito. Alagaan ninyo ‘yung watershed at nakakatiyak ako na makakakita kayo ng ani na napakaganda dahil mayroon na tayong patubig at may suporta na tayo galing sa Department of Agriculture.

Maraming, maraming salamat sa inyong lahat.

Magandang umaga!

— END —