Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inauguration of the Alfonso Lista Pump Irrigation System (ALPIS)

Speeches 26 October 2026

Maraming salamat sa ating Kalihim ng Department of Agriculture, Secretary Kiko Laurel.

Nandito tayo dahil unang-una bago kami nakarating dito, pumunta kami doon sa mga control room ngโ€ฆ Magat Dam Control Room dahil mayroon tayong linagay dyan sa Magat Dam na solar para hindi na tayo masyadong umaasa sa krudo.

Lalong-lalong ngayon na tumataas ang presyo ng krudo ay napapalitan at mayroon naman bagong teknolohiya kaya ginagamit natin โ€˜yan upang ang power, โ€˜yung kuryente ay makuha natin sa araw. Hindi na natin may binabayaran at hindi na tayo bumibili ng krudo, hindi na tayo kumukuha sa national grid ng kuryente at dito na lang ginagamit.

Pagkatapos nito ay bumaba kami dito upang tingnan itong ating Alfonso Lista Pump System, itong ALPIS na nakikita natin dito ngayon. At alam naman po natin na ang pinakamahalaga sa pagsasaka ay ang patubig at malaki ang pagbabago kapag โ€˜yung non-irrigated areas ay nagawan natin ang paraan na maipapatubig.

Kaya โ€˜yan po ang dahilan kung bakit tayo may ALPIS. At sa pamamagitan ng ALPIS, dati ang irrigated area ay 275 hectares lang. Dahil dito sa pumping station na ito, magkakaroon na tayo kagaya nung nakita ninyo sa video โ€“ 2,300 hectares na ang magiging irrigated area doon, dito sa kabila dahil kinukuhaโ€”ang source nito ay Magat, binobomba paakyat hanggang pumunta ngayon doon sa kabila.

Ang produksyon ng palay noon ay 900 metric tons, 900 tons dati ang production. โ€˜Pag nagamit na ito, pagka fully utilized na itong ating ALPIS, itong ating pumping station, ang projection natin na ang magiging ani ay 26,000 tons. So mula sa 900 tons, magiging 26,000 tons.

Ang magsasaka naman, ang kinikita, โ€˜pag kinakalkula namin โ€˜yung kita, ang kinikita bago mag-irrigation nung dati, ang kinikita ninyo ay 16 million pesos. Ito naman ay madadagdagan. Imbis na 16 million pesos, ay magiging 159 million pesos na ang kikitain ng ating mga mannalon, ng mga ating magsasaka.

Kaya po tinitingnan po natin lahat ito at ito ay matagal na talaga namin pino-project dahil napakahalaga ng patubig sa ating mga magsasaka. At dahil sa sakripisyo ng ating mga magsasaka ay kaya nakakakain ang buong Pilipinas dahil sa sakripisyo at sa tiyaga at sa pagod ng ating mga farmer.

Kaya tiningnan natin kung paano pa makatulong at kaya mayroon tayong project na ganito, mayroon tayong mga solar, mayroon tayo โ€˜yung pinuntahan din namin is a solar pumping irrigation system. Ito naman, โ€˜yun na nga, kumukuha ng kuryente sa solar.

At nakatayo na kami ng 3,000 sa buong Pilipinas, 3,000 na na solar power irrigation system. [applause] At patuloy nating ginagawa ito upang tulungan ang ating produksyon ng lahat ng ibaโ€™t ibang produktong sa agrikultura.

Naging mas mahalaga pa ito dahil nararamdaman na natin ang super El Niรฑo na tinatawag. Kaya tinitingnan natin nang mabuti na lahat ito ay gumagana at maganda ang takbo at napapakinabangan ng ating mga magsasaka upang matiyak naman natin na kahit tagtuyot, na grabe na pagtuyot ay mayroon pa rin tayong makukuhaan ng tubig para sa irigasyon, para sa paggamit ng ating mga household, pati sa industriya.

Kaya tuloy-tuloy po ang pamahalaan na ginagawa lahat ang maaring magawa at lahat tinitingnan kung ano ang mga ibaโ€™t ibang pamamagitan upang mabigyan natin ngโ€ฆ matugunan ang problema na hinaharap natin sa tagtuyot.

Kaya at congratulations sa lahat, sa NIA, sa Department of Agriculture, lalong-lalo na sa ating mga kooperatiba na nagtulungan. [applause] Hindi po namin kayang gawin ito na gobyerno lamang. Kailangan tutulungan nyo kami at with the local government, with the cooperatives, lahat ay dapat magsama-sama para magkaroon tayo ng ganitong klaseng mga magagandang facility.

Kaya patuloy po ang inyong pamahalaan. Asahan ninyo na kami ay nandito upang maghanap ng lahat ng kayang magawa upang pagandahin ang buhay ng ating magsasaka, upang pagandahin ang inyong hanapbuhay para matulungan kayo, mga pamilya ninyo, mga komunidad ninyo, at sa ganung paraan matutulungan ang buong Pilipinas.

Maraming, maraming salamat po.

โ€”ENDโ€”