Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inauguration of Pamplona Solar Pump Irrigation Project (SPIP)

Speeches 26 October 2026

Diyos ti agngina apo, Secretary Kiko Laurel, apo nga mannalon tayo, naimbag nga bigat yu amin, agtugaw tayo apo. [Thank you, Secretary Kiko Laurel. Sa ating mga magsasaka, magandang umaga sa inyo. Sige, umupo po tayo.]

Maraming, maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama rito at kayo ang tumulong sa amin upang makapaglagay tayo ng ganitong klaseng irrigation system na solar powered.

Alam naman po natin na sa lahat, pagka pinag-uusapan natin ang pagsasaka, ang pinakamahalaga na bagay ay ang patubig. Kaya ito ay kinalat natin, mayroon na tayong bagong teknolohiya, ‘yung solar power nga na hindi na tayo gumagamit ng krudo at nababawasan ang gastos dito.

Dati, P300,000 to P400,000 ang buwanang gastos sa paggamit na traditional na irigasyon. Tama ba ‘yung bilang ko? P300,000/P400,000? Okay. Dito sa solar powered, P50,000 to P100,000 – makatipid tayo P250,000/P300,000 kada buwan. Imbis na gagastos kayo sa krudo ay magagamit ninyo ‘yung perang ‘yun para sa sarili ninyo, makapag-savings kayo.

Kaya ito po ay aming talagang binibigyan ng prayoridad. Mula noong 2022, nakapagpatayo na tayo ng ganitong solar powered irrigation system sa buong Pilipinas – 3,000 na ang nagawa na natin na solar powered irrigation system. [applause]

Halimbawa dito, ang coverage nito nakakapagpatubig ito ng 600 plus, nadagdagan nga ng 100 hectares ‘yung napapatubigan na kahit ‘yung ibang lugar na minsanan lang ang pag-planting, nakapag-two plantings na tayo dahil nga mayroon tayong ganitong klaseng sistema.

Naging mas mahalaga pa ito dahil sa pagdating ng tinatawag na Super El Niño. Kaya tinitingnan natin nang mabuti, mabuti na lang at nasimulaan na natin ang pagtayo ng solar power irrigation system na ganito at ang mga iba’t ibang irrigation system na ating nagawa. Dahil dumating na, parating na, at nandito na – dito sa atin sa norte, nandito na ang El Niño. Ramdam na ramdam na, nakadalawang buwan na siguro tayo.

‘Pag sa dating na taon, ay mukhang kakalat pa, tatagal pa ito. Kaya naging mas mahalaga itong mga ganitong klaseng proyekto natin at paparamihin pa natin at ipinapaspas natin ang pagtayo at paglagay ng ganito pong klaseng mga sistema upang matulungan ang ating mga magsasaka.

At kabilang dito, mayroon tayo sa Cabaroan, Solar Power Irrigation System sa Quirino, sa Union Irrigation System sa Claveria, at mayroon din tayong solar powered submersible water system sa Ballesteros. Kaya patuloy ang ating pagtayo ng mga solar powered irrigation systems upang pagandahin at matulungan ang buhay ng ating mga magsasaka upang maging mas handa sa pagbabago ng panahon.

At alam naman po natin, hindi na kagaya ng dati na naaasahan natin ang tag-ulan, naaasahan natin ‘pag tag-araw. Eh pagbago-bago na ang panahon kaya mag-adjust din tayo at pagka naman mayroon tayong ganitong klase na ginagamit natin na mga pinakabagong teknolohiya.

At dito, ay dito ay natutunan natin ito sa ibang lugar. Hindi lamang pang-irigasyon ang tubig kung hindi nilagyan na rin natin ng ang isda. Naglagay tayo ng fishnet dito, ‘pag bumaba na masyado ang tubig, pwede nang kunin ‘yung mga isda at dagdag para sa inyong hanapbuhay ang pagbenta, pagkuha, paggamit ng mga isda na palalakihin natin dito sa ating mga fishnet.

Kaya patuloy po ang aming lahat ng ginagawa, asahan po ninyo na inyong pamahalaan ay nandito upang gawin ang lahat na maaaring gawin upang pagandahin ang hanapbuhay ng ating mga nagsasakripisyo, mga mannalon [magsasaka] nating mga nagsasakripisyo na lahat na naghahanda para sa El Niño na parating, asahan ninyo nandito po kami.

Ang inyong pamahalaan ay nandito, nagtatrabaho at iniisip lahat ng pwedeng gawin para sa inyo. Kung mayroon pa kayong naisip, kung mayroon kayong nakikita na maaari pang gawin, sabihan ninyo kami nang sa ganun ay kami ay makakapagresponde at kung kayang gawin ng inyong pamahalaan, gagawin po namin.

Maraming salamat. [applause] Diyos iti agngina. [God bless]

—END—