Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Educational Materials to the Students of the City of San Juan
Maraming, maraming salamat sa ating DepEd Secretary, Secretary Sonny Angara, sa kanyang pagpakilala.
At good morning, boys and girls!
Mabuti kayo sabi ko noong namimigay ako nitong tablet sabi ko eh noong ano — anong grade kayo? Anong grade kayo? Kayo, anong grade kayo?
Grade 5? Grade 10 na? Aba, noong nakatira pa kami dito sa San Juan wala kaming mga tablet. Ngayon mabuti pa kayo.
Pero napakahalaga niyan, very important. Dahil kailangan talaga na ang edukasyon natin ay pagandahin natin ang sektor ng edukasyon para sa ating mga kabataan.
Ngunit ang una na dapat nating tugunan para maging maganda ang sistema natin ng edukasyon ay ang tulong na ibinibigay natin sa mga guro. Dahil alam naman natin na nasa kamay ng ating mga guro ang kagandahan ng ating education system. In other words, kung ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, nasa kamay ng ating mga guro ang pag-asa at ang kinabukasan ng buong Pilipinas.
Kaya lahat po ng tulong ng mga teacher natin, lahat po ng tulong na maaari naming ibigay, binigay na po natin. Ibibigay pa rin natin ‘yung mga teachers’ allowance na for the last two years, nai-release na natin lahat.
At ‘yun din kumuha pa tayo dinagdagan natin ang teachers natin. At ‘yung mga guro ay ang pinangako ko noong nakaraang taon, noong nakaraang SONA ay walang magreretiro na Teacher I mula ngayon. Kaya na-promote na ang ating mga guro. [applause]
Sa ating mga kabataan, ay gamitin ninyo lahat itong mga dala namin at magbibigay ng lahat ng tulong na binibigay natin sa ating mga Presidential Scholars. Pagbutihin ninyo at ito… Kagaya po nandoon po ‘yung mga ibang Presidential Scholars nakausap ko, ay sinabi ko sa kanila ay mapakinabangan nila ‘yung ating scholarship na fund na binigay sa kanila upang sila ay maging handa pagdating ng panahon na sila na ang mga leaders ng ating bansa.
Leader sa gobyerno, leader sa negosyo, leader sa lahat ng bagay. Sila na rin ang magiging teacher — lahat ng bagay ay kailangan handa na ang ating kabataan.
And that’s why binibigyan natin, tinutugunan natin nang husto, binibigyan natin ng diin na pagandahin ang educational system.
Ngunit alam ko naman dahil ito — ang ginawa po natin dito ay nagtulungan ang national government at saka ang local government. At maraming magagawa ang local government at national government kapag nagsasama, maganda ang coordination ng national government at saka local government.
Ngunit dito lang yata sa San Juan nakita ko lahat ng public school na estudyante may rubber shoes. Iyong iba may tablet pero ngayon lang ako nakakita may rubber shoes at saka ‘yung hard hat.
Kaya congratulations sa ating mga local officials sa kanilang magandang trabaho at sa kanilang pagtugon sa education, pagtugon sa ating mga estudyante, sa ating mga guro upang pagandahin ang ating educational system para tayo lahat ay handa para sa kinabukasan, na magandang kinabukasan para sa ating minamahal na Pilipinas.
Kaya, boys and girls, enjoy your new toys, pero hindi lang laruan ‘yan. Malaki ang maitutulong niyan para sa inyong pag-aaral. ‘Yung isang bata, tinatanong kung — wala pa ‘yung — hinahanap niya ‘yung password.
Ibibigay sa inyo ‘yung password, huwag kayong mag-alala. Kung hindi pa kayo nakapaglagay ng password, tuturuan kayo kung paano mamili. Isipin na ninyo kung ano ‘yung ilalagay ninyong password. Iyong madali ninyong maalala para hindi niyo makalimutan.
Pero huwag ninyong ipapakita doon sa iba kasi bubuksan nila. Kung ano-ano ilalagay doon sa tablet ninyo. Alam na ninyo ‘yun. Mas kabisado ninyo ‘yan kaysa sa amin. Sanay na sanay kayo diyan.
Kaya gamitin ninyo nang mabuti at mag-aral kayong mabuti para maganda ang kinabukasan ninyo, para maganda ang kinabukasan ng mga pamilya ninyo, para maganda ang kinabukasan ng ating bansa. Nasa kamay po ninyong lahat.
Boys and girls, thank you very much and study hard! Be good. Follow your teacher and be happy. [applause]
— END —