Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Brigada Eskwela at Kapitbahayan Elementary School
Nandito lang tayo dito sa Kapitbahayan School dahil tinitingnan lang natin ang paghahanda para sa darating na pasukan.
Ang una nating pinuntahan ay ‘yung CCTV. Nagkabit tayo ng CCTV. I think dito sa eskuwelahan na ito they have 16 cameras, 16 cameras para bantayan, na tiyakin na ‘yung mga bata ay ligtas at safe sila. At kung mayroon mangyari ay alam kaagad nung mga teacher, alam kaagad nung mga administrator. Kaya ‘yun ang inuna namin.
At ang isa pang pinuntahan namin ay ang Brigada Eskwela. Ito ay – ‘yan naglilinis, nagpipintura, nag-aayos. At dito, ang benepisyaryo… Ito ay isinama natin sa TUPAD Program.
Kaya ‘yung mga volunteer na nagpipintura, nag-aayos, nagkakabit ng kung ano ay sila naman ay nasama sa TUPAD Program para kasama sila sa cash-for-work program.
Kaya nagpapasalamat kami sa kanilang lahat.
At malaking bagay ang ginagawa nila para tulungan ang ating mga administrator, ang mga teacher, para makapaghanda para sa pasukan.
Tapos na ang implementasyon ng 147 na paaralan ang matutulungan, 3,658 ang naging beneficiary ng TUPAD, at ang nilagay natin ay 26.12 milyon ang kabuuang pondong naipamahagi natin.
Pinapatupad ngayon – mayroon pang 181 na paaralan tutulungan; 4,597 ang benepisyaryo ng TUPAD; at may nakalaang 37.14 million para diyan sa programang ‘yan.
At ang isa pang pinuntahan namin ay ‘yung Tara, Basa! Program. Ito ay parang ‘yung mas batang version nung ARAL Program.
Ito kinukuha natin ‘yung mga college student na gustong tumulong at sila ay nagtuturo ‘pag summer. Tinuturuan nila ‘yung mga bata para maging mas magaling magbasa at sila naman ay nabibigyan din ng tulong para sa kanilang pangangailangan para makapagtapos sila.
Mayroon pa akong dinaanan. Mayroon kaming ginagawang tinatawag na reading nook. Kung maalala ninyo mayroon kaming ginagawa na library hub. Iyong library hub para kumpleto ang libro ng mga bata, nagtayo tayo ng mga library hub.
Doon kinukuha ng mga teacher ‘yung mga libro na ginagamit nila sa pagturo. Ito naman ang miniature version ng library hub at ginawang reading nook.
At may pagkakataon pa akong magbasa sa mga bata. Ang gagaling ng mga bata, ang tatalino. Alam na ‘yung kuwento, hindi ko pa nasasabi.
Pero nakakatuwang makita na full blast tayo sa educational sector at lahat ng pangangailangan hanggat kayang ibigay ng pamahalaan, binibigay natin.
Alam naman natin ang pinakamahalaga para sa ating kinabukasan ay ang pagturo at ang pag-training sa ating mga kabataan.
At ‘yan ay hindi natin pinag-uusapan ang college, hindi natin pinag-uusapan ang high school. Kailangan magsimula sa Grade 1 pa lang, Kindergarten pa lang, kailangan mag-umpisa na ang magandang pagtuturo. Kaya natin ginawa lahat ito.
Buong bansa gagawin natin ito. At sana by opening of class, tapos na tayo lahat with everything.
Nandito ‘yung ating bagong DOLE Secretary, dating Senador, Francis Tolentino. Siya ang Kalihim ngayon natin sa Department of Labor and Employment. At siya ang nag-implement ng TUPAD Program para dito sa ating mga volunteers.
At itong ating principal ay Marcos scholar pala ito. Kaya naman napakaganda nung kanilang eskuwelahan dahil magaling ‘yung principal. [applause]
[Principal: Salamat po. Kasi naimbag kayo, Manong.]
Nagulat lang ako na ‘yung isang building dito, Marcos School Building pa. [Principal: Opo] 1978 itinayo ano?
[Principal: 1975 po.]
1975 tinayo
[Principal: The first project of our First Lady, Imelda Romualdez-Marcos.]
Ah, ganoon ba?
[Principal: Yes po.]
Mabuti nakatayo pa rin.
[Principal: Malapit na nga pong ano…]
Kailangan nang ayusin.
[Principal: Dream namin po mareregaluhan niyo kami ng building para i-replica ‘yung ating First Lady.]
Hihingi ako sa mother ko para… [laughter] Baka puwede pa, palagay ko puwede.
[Reporter: Sir, ano ang marching order mo sa DepEd sa pagbubukas ng klase na nataon sa panahon ng tag-ulan?]
Well, no. DepEd knows perfectly well what to do. Hindi na natin kailangan silang turuan. But ‘yun na nga, we are just improving the facilities.
Kung may instruction man ako, tiyakin nila na handa sila sa pagbukas ng eskwela, ng klase para naman hindi nabibitin ‘yung mga bata. Tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral.
All right?
Thank you!
Salamat!
— END —