Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Brigada Eskwela 2025
Magandang umaga sa ating mga bagong guro. At maraming salamat at mabuti naman at napakarami ninyo na napasok natin sa DepEd.
Isa doon, dahil talagang kulang ang teacher natin. At bukod pa doon, may programa si Sec. Sonny, Sonny Angara, na bawasan โyung mga administrative duty na binibigay sa teacher. [applause] Kasi naman naging teacher kayo para magturo, hindi naman para mag-bookkeeping, para ano โdi ba.
Kaya โyun ang ginagawa namin. Tiningnan ko lahat itong โ โyung Khan Academy ang ganda nung kanilang software. Tapos ito na โ ipinakita rin sa atin โyung bagong Starlink para may internet connection โ may Wi-Fi lahat.
Iyon hindi lamang dito. Gagawin natin sa mga ibaโt ibang eskwelahan lalong-lalo na doon sa mga malalayo dahil may teknolohiya na. Ito โyung nakikita โyung Starlink, puwede na โyan. Basta ikabit mo lang, isaksak mo lang, okay na. Mayroon ka ng Wi-Fi.
Kaya mabuti naman ay nandiyan na โyung teknolohiya. Kaya patuloy lang namin tinitingnan at kailangan maghanda na tayo para sa pasukan.
At ready na ba kayo? [Crowd: Yes, sir!]
Palagay ko โyung mga bata reading-ready na rin. Kaya gagawin natin lahat.
Alam mo naman kayong mga teacher ang inaasahan. Para sa akin, kayo โyung mga talagang hero eh. [applause] Ang tingin ko sa teacher.
Lagi kong pinapaalala sa ating mga kababayan, โyung teacher nagtuturo โyan, naging teacher โyan hindi para yumaman, hindi para sumikat, hindi para kung ano tatakbo ng pulitika.
Ang teacher naging teacher kasi hindi makatulog โyan kung hindi nagtuturo. Hindi mapakali ang teacher โpag hindi nagtuturo.
Kaya bibigyan naminโฆ Ang gagaling naman ng mga teacher natin. Kulang lang siguro sa suporta. Susuportahan namin kayo. [applause]
Hindi lamang sa financial support, kung hindi pati na sa mga retraining. Ito nga โyung binabawasan nating administrative duties, โyung mga ganyang klase, para makapagturo kayo nang mabuti.
Kaya nandito po tayo. Sama-sama natin ayusin ito para naman โyung ating mga kabataan pagka nag-graduate, talagang graduate. Magaling nang magbasa, magaling mag-Mathematics, magaling lahat.
At kayang-kaya nila kung magtutuloy sila ng college o magtrabaho sila ready na sila. Kahit anong napili nila ang gagawin nila sa kanilang career.
Kaya maraming salamat sa tulong ninyo. [applause] At sa lahat ng tuturuan ninyong mga kabataan, napakalaki ang utang na loob nilang lahat at naming lahat sa inyo mga teacher.
Maraming salamat. Good morning. [applause]
โ END โ