Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Awarding of Titles and Visit to the Community Mortgage Program (CMP) Beneficiaries

Speeches 15 September 2026

Magandang umaga po sa inyong lahat. Magandang umaga po. [applause]

Nandito lang po kami para tiyakin na kayo’y, natanggap na ninyo ang inyong mga titulo. Nakita ko naman at hawak-hawak na ninyo.

Nakapagbigay tayo ng, mula kahapon ay sinabi sa akin ay 913, binagay sa September 13 dahil birthday ko nung September 13 kaya’t 913.

Ngayong araw naman 110, 110 naman ang naipamigay natin na titulo at ito’y, para sa akin ay napakahalaga na trabaho ng ating pamahalaan na makapagbigay ng titulo para sa ating mga kababayan na wala pang tahanan.

At ito po ay ang aming isang malaking prayoridad sa administrasyong ito dahil malaki po ang pagkukulang ng socialized low-cost housing para sa ating mga kababayan.

Kaya’t pinupurisige namin kasama ang local government, national government, local government, mga ahensya ng gobyerno, mga DHSUD. Lahat po ng ahensya ay kasama po rito upang patuloy ang—huwag po kayong mag-alala kahit na nakatayo dahil hindi naman masyadong matagal itong… mga isang oras lang, mga oras lang ‘yung speech ko.

Ito, lahat po ng ahensya ay nagkakaisa dito dahil napakalaking bagay para sa isang pamilya lalo na na mayroong ligtas, may tiyak, mayroong tahanan ang ating mga kababayan, may hawak na titulo para sa kanilang mga pag-aari.

At ito na ay pagsisimula para sa ating mga kababayan na bago nakatanggap ng mga titulong ‘yan ay ‘yung inyong mga pangarap sa buhay. Dahan-dahan ay maaabot na ninyo dahil po sa pagsimula ng paghawak sa titulo sa inyong mga pag-aari.

Kaya napakahalaga po, at napakasaya ko po na makita ang mga development na ginagawa. Patuloy po naming ginagawa ito. Hindi lang po ito sa Caloocan, galing naman kami sa Valenzuela, bago rito. Ganun din, nakapagbigay din kami. Nag-turnover din kami ng ilang housing unit doon.

At patuloy po naming gagawin ito sa buong Pilipinas [applause] para matiyak na lahat naman ng ating mga kababayan ay makakaasa na ginagawa lahat ng ating pamahalaan para sila ay makahanap.

At malaki pong trabaho ito ngunit kagaya ng sinasabi, you have to start somewhere. Kailangan masimulaan ‘yan kahit saan, kahit maliit lang basta’t masimulaan.

Eh sinimulaan na po natin, pinapagpatuloy natin ito, ipapagpatuloy natin ito hangga’t masasabi natin na napagbigyan na natin, nabigyan na natin ng kabahayan ng ating mga kababayan.

At sana dumating na ang panahon, dumating na ang araw na masabi natin, hindi na tayo maghahabol sa pabahay ng ating mga kababayan.

Iyon po, ang hangarin natin at mabuti naman. At kayo ay mga naging benepisyaryo dito sa programang ito at congratulations po sa inyong lahat.

Sana ay pangalagaan ninyo ang inyong pag-aari at makakatiyak tayo, makakatiyak tayo na ang mga kinabukasan ay kahit papaano ay mabigyan ng kaunting ginhawa.

Maraming, maraming salamat.

Magandang umaga po sa inyong lahat. [applause]

—END—