Remarks by President Ferdinand R. Marcos Jr. at his Visit to the Tomb of former President Ferdinand E. Marcos Sr.
Huwag kayong mag-aalala, hindi ako magi-speech.
Nais ko lang pasalamatan kayong lahat na nakisama sa amin dito ngayon sa Undas para sa pag-alala ng aking minamahal na ama. At lalong-lalo na itong mga pulang t-shirt – matagal ko ng hindi nakita. [applause] Nami-miss ko na kayo. Dati lahat ng puntahan ko may pulang t-shirt na maraming-marami parang ilog na lumalakad na ano. Ngayon ko lang kayo nakita ng ilang — matagal na. Mabuti naman.
Kaya’t naman mas naging makabuluhan ang aming Undas dahil sa inyong pagdating. At lalong-lalo na dahil nararamdaman namin na mula sa inyo ang pagmamahal ninyo sa aking ama at sa pag-alala sa aking ama. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat. [applause]
Huwag niyo na po pansinin ‘yung medyo mainit at magpapakain na naman ‘yung Nanay Imelda natin. [applause] Alam niyo naman basta’t nandiyan ang ating nanay, hindi tayo gugutumin. Alam niyo naman lahat ‘yun.
Kaya’t nasisiyahan po ako dahil nandito po kayo dahil kahit papaano ay mahalaga sa amin ang naalala ang aking ama, ang kanyang buhay. Hindi mo maiwasan na may kasamang lungkot na dala ‘yung pag-aalala na ‘yan.
Ngunit kapag iniisip mong mabuti, may katumbas – labis na katumbas na kasiyahan, na tuwa na magagandang pag-aalala na kahit papaano ay magdadala ng ngiti sa iyong mga labi. Iyan po ang naging experience ko sa aking ama. [applause]
Kaya’t napakaganda na nabasa natin ‘yung kanyang prayer dahil nandiyan talaga lahat ang nasa kaluluwa niya. Hindi lang sa puso niya, kung ‘di sa kaluluwa niya, na patibayin siya upang makapagserbisyo siya. At bata pa ako nakita ko na ‘yan, at sinasabi ko napakagandang gabay ‘yan.
Ngayon na nakaupo ngayon ako bilang Pangulo, mas lalong naging mahalaga ang kanyang mga salita. [applause]
Kaya’t pagka iniisip ko… Alam ninyo pagka mayroon tayong patay nakalagay diyan RIP, rest in peace. Siyempre ‘yan din ang ninanais natin para sa aking ama. Ngunit hindi sapat na sasabihin lang natin rest in peace. Para mag-rest in peace ang aking ama, kailangan ipagpatuloy natin ang trabahong sinimulan niya, ipagpatuloy natin ang pagpaganda ng Pilipinas, at ang pagmamahal sa Pilipino. [applause]
Iyan ang magdadala para lang –sa ating ama at malalaman natin na tayo… Kapag tayo’y laos na, maiisip namin: noong kapanahunan namin, marami kaming nagawang maganda para sa Pilipinas. [applause]
Maraming salamat sa inyo. Maligayang Undas po. [applause]
—END—