Remarks by President Ferdinand R. Marcos during his visit to evacuation center in Naga

Speeches 26 October 2024

Magandang umaga po mga kasama. Good morning po. [palakpakan]

Dumaan lang po ako para makita na โ€˜yung mga dala namin na tulong at kayoโ€™y โ€“ lahat kayo na kailangan mag-evacuate dahil nakalubog pa โ€˜yung mga ibang bahay ninyo at na-evacuate para nilagay na ngayon dito sa City Hall. At pinuntahan ko lang para makita ko na maayos naman ang pag-alaga sa inyo.

Ngayon, ito nakapila na โ€˜yung mga iba para makatanggap nung cash assistance na ibinibigay ng DSWD, lalong-lalo na para doon sa mga pwede nang umuwi ay mayroon kayong gagamitin para sa mga pangangailangan ninyo.

Pero โ€˜yung mga uuwi, para kahit na uuwi ay โ€˜pag una ninyong dating sa mga bahay ninyo, tutulungan pa rin namin kayo, bibigyan pa rin namin kayo ng mga food pack dahil sa pag-uwi ninyo baka hindi pa kayo magluto, hindi pa โ€“ nawala โ€˜yung mga ibang gamit ninyo. So, magpapadala pa rin kami ng food pack sa inyo.

Kayaโ€™t mabigat itong nangyari sa inyo at napakalaki ng tubig na dumaan. Ang mahirap kasi ay โ€˜yung baha โ€“ nanggaling kami sa Bula, hindi gumagalaw talaga โ€˜yung tubig eh. Oo marami โ€” doon sa ano hindi talaga gumagalaw ang tubig kaya hahanapan natin ng paraan โ€˜yan.

Ngunit para sa ngayon ay asahan ninyo bastaโ€™t nandito ang pamahalaan tuloy-tuloy ang aming pagtulong sa inyo. Sabihan niyo lang. Nandito si Mayor, nandito si Secretary Rex, nandito โ€˜yung mga ibang Cabinet secretary para marinig mula sa inyo kung ano โ€˜yung mga pangangailangan ninyo.

Sige, bastaโ€™t asahan ninyo hindi kayo namin nakakalimutan at lagi namin iniisip kung papaano kayong tulungan.

Sige po, maraming salamat po. [palakpakan]

โ€” END โ€”