Press Conference by President Ferdinand R. Marcos Jr.
OPENING STATEMENT:
PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: Magandang umaga sa inyong lahat.
Tinawag ko kayong lahat ngayong umaga dahil may nagpaalala sa akin na tatlong buwan na ang nakalipas mula noong aking SONA na ating sinimulan ang pag-imbestiga tungkol sa mga anomalous na flood control project.
Kaya ito ang aking report sa taong-bayan kung ano na ang mga pangyayari mula noong SONA ko at kung ano na ang ginagawa. Dahil siyempre marami dito sa ating ginagawa ay hindi naisasapubliko. At kaya nagtatanong ang tao, ano na ba ang nangyari mula noong SONA?
Kaya isaisahin natin. At I will just go through the main points and we will provide you with a briefer with a more detailed explanation after the press conference. Mayroon naman tayong pinrepare (prepare) na mas detalyado dito sa aking sasabihin ngayon.
So, matapos ng dalawang linggo mula ng SONA, binuksan na natin ‘yung Sumbong sa Pangulo website para maka-report ang taong-bayan na diretso sa akin. At mula noon, nakatanggap na tayo – nakatanggap na ‘yung Sumbong sa Pangulo website ng more than 20,000 na report na ibinigay.
Kaya’t marami po sa ating mga naimbestigahan na ay hindi po namin malalaman kung hindi ninyo sinumbong sa amin. Napakahalaga ng impormasyon na ibinibigay ng taong-bayan sa ating pamahalaan na malaking – madaming impormasyon na hindi namin makukuha kung hindi sa inyong sumbong.
Kaya ipagpatuloy po ninyo ‘yung inyong pag-report sa amin kapag mayroon kayong nakita na dapat tingnan, dapat imbestigahan, dapat pag-aralan.
Noong Agosto, personal kong nainspeksyon ang mga iba’t ibang flood control project. Napunta ako sa Iloilo, nakapunta ako sa Calumpit, at saka sa Baliwag at doon maliwanag na maliwanag na isang – mga halimbawa ng mga flood control project na hindi tinapos o ghost project talaga, hindi man naumpisa[han] at naging basehan ng ating tuloy-tuloy na pag-imbestiga.
Noong September 2, nakumpiska ng Bureau of Customs ang 13 luxury vehicle nina Discaya. At dahil sa irregularity sa importation at sa documentation, itong mga luxury vehicle na ito ay iau-auction na. Ang pagkaintindi ko mayroong pito na iau-auction next week at saka susunod na ‘yung iba sa susunod na ibang linggo.
Sa office naman ng Ombudsman, ano ‘yung ating ginawa para pananagutin itong mga may gumagawa ng kalokohan. Sa office ng Ombudsman, nakapag-refer na ng reklamo ang DPWH, galing sa DPWH ito, noong September 8, dahil sa mga iregularidad sa limang proyekto base sa Special Audit Report at Fraud Audit Report ng COA.
Mula sa ahensya ng DPWH First District Engineering Office, ang mga sangkot dito sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Paul Jayson Duya.
Ang mga kinatawan naman sa mga kontratista ang kasabwat nila ay sa St. Timothy Construction, Wawao Builders at saka SYMS Construction Trading.
Lahat ‘yang mga pangalan na ‘yan matagal na nating naririnig at ngayon ay sila ay napatunayan na kasabwat dito sa mga ginagawa sa mga flood control project na hindi tama ang pagka-bid, hindi tama ang pagkakontrata, hindi tama ang pagka-implementasyon, hindi tama ang pagbayad.
Isang buwan matapos na malunsad ‘yung website, binuo natin ang Independent Commission for Infrastructure. Dahil nalaman natin matindi ang sistema ng korupsyon, hindi lang sa flood control project, kundi pati rin sa ibang proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno. Kaya ginawa po natin ‘yung ICI.
Iyang ICI na ‘yan ay para imbestigahan lahat ng infrastructure projects na kailangan tingnan dahil may question kung tama ba ang pagkagawa.
At ipapagpatuloy ng ICI ‘yung kanilang investi – na tuloy-tuloy naman ang trabaho ng ICI. Kung maalala ninyo ICI is investigative. So tuloy-tuloy ang kanilang imbestigasyon. Kung ano ‘yung finding nila sa imbestigasyon nila ipinapasa nila sa DOJ at saka sa Ombudsman.
Sa parehong araw, nagsampa ng kaso ang DPWH sa Ombudsman laban sa 20 opisyal ng DPWH ng Bulacan First District Engineering Office at limang pribadong individual dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Revised Penal Code, at Government Procurement Reform Act. Kasama diyan si Henry Alcantara, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza at ang mag-asawang Discaya.
Mula naman noong September 15 hanggang November 5, ang Anti-Money Laundering Council, ‘yung AMLC, ay nakakuha ng pitong freeze order mula sa Court of Appeals.
Saklaw ng freeze order na ito, ang kabuuang halaga ng PhP6.3 billion. Nagsimula na ang SolGen na magbuo ng forfeiture case para itong PhP6.3 billion ay mababawi ng pamahalaan at itong perang ninakaw ay maibabalik sa taong-bayan.
Saklaw ng freeze order, ito 6.3 billion, at noong September 18, nakapag-refer na tayo muli sa Office of the Ombudsman ng ikalawang batch ng mga kasong kriminal ukol sa dalawang maanomalyang proyekto. Ito ang kinakasangkutan ng anim na opisyal ng DPWH at dalawang pribadong kontratista. Nandito yata, ayan. These are the cases.
Mula naman noong September 29 hanggang November 6, nagsumite na ang ICI sa Office of the Ombudsman ng criminal at administrative cases laban sa 37 individual na konektado sa mga maanomalyang FCPs. Kabilang dito ang mga kasong graft and corruption, malversation, falsification, plunder, paglabag sa Code of Conduct for public officers.
Samantala, nag-submit din ang DPWH sa Philippine Competition Commission ang 12 kaso ng bid manipulation at bid-rigging noong October 3.
Kinasasangkutan ng anim na pribadong kompanya. Dito pa lang sa mga kasong ito, makakabawi tayo ng 3 hanggang 5 bilyong piso ang penalty na pagka – ‘pag sinama-sama natin lahat ng penalty ng lahat ng kaso ng bid-rigging so far ha, baka mayroon pang idadagdag diyan, sa kasalukuyan pa lang ‘yan, ay makakabawi tayo ng PhP3 to PhP5 billion in terms of fines.
Nito namang October 23, nagsampan ng kasong malversation at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang DPWH laban sa 21 opisyal ng DPWH La Union 2nd District Engineering Office at Davao Occidental District Engineering Office at apat na pribadong individual.
Moises Tabucol ng Silverwolves Construction Corp., Alvin Diego ng Silverwolves Construction Corp., Ma. Roma Angeline Rimando ng St. Timothy Construction Corp., Cezarah Rowena Discaya ng St. Timothy Construction Corp.
Ang sabi ni Ombudsman Remulla ay mayroon ding person of interest in the person of Congressman Eric Yap na dating Committee on Appropriations Chairman mula 2019 hanggang 2022.
Nito namang November, sinampahan ng DPWH ang anim na kompanyang ito na tatlong kaso ng bid manipulation at bid-rigging.
Mula namang November 6 din, nagsampa naman ang Bureau of Internal Revenue ang BIR natin ng 10 kaso sa DOJ laban sa mga opisyal ng DPWH at mga kontraktor.
Umaabot sa PhP8.86 billion ang kanilang tax liabilities. Ito ang mga tax na – ang buwis na hindi nila binayaran at nakita ng BIR upon investigation. At ngayon, kakasuhan ngayon sila upang mabawi ang kanilang utang sa gobyerno dahil sa buwis na hindi nila ibinayad at siyempre may mga multa ‘yan dahil sila hindi nagbayad. Ito ay tax liabilities na sangkot sa mga kasong tax evasion at failure to file accurate information.
Tinutukan din ng administrasyon ang mga reporma para sa mga ahensiya upang matiyak na magagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at maiiwasan ang mga anomalya at iregularidad sa mga proyekto.
Sa Public Works, sa DPWH, nagpatupad ng blacklisting mula sa mga kontrata ng gobyerno sa lahat ng kontratistang sangkot sa ghost or substandard na mga proyekto.
Noong October 23, pormal na na nakipagtulungan ang ahensiya sa AMLC upang mabantayan at maibalik ang pondo ng bayan na nawala dahil sa korupsyon.
Naglabas ito ng Special Issuance of the Construction Materials Price Data noong October 23. Layon nitong pababain ang mga presyo ng mga materyales para sa construction ng mga proyekto ng pamahalaan. Aabot sa 50% ang maibabawas sa presyo upang maiwasan ang overpricing.
Dahil talagang titingnan natin market price na – hindi puwedeng ibahin o baguhin o masyadong malayo sa market price ang mga materyales na ginagamit dito sa mga flood control project at sa mga lahat ng infrastructure project.
Ang ginawa naman ng DTI, matapos na kanselahin ng PCAB ang mga lisensya ng siyam na kontratistang konektado kay Sarah Discaya, ipinatupad ang mas mahigpit na mga regulasyon sa contractor.
Una-una, napakasimple at nakakapagtaka na ito ay pinabayaan at it was a very strange development na it was allowed. Na ipinagbawal na ngayon natin, which is actually bawal naman talaga, pero hindi masyadong – hindi ine-enforce. Pero pinagbawal natin nang matibay na mga may-ari ng construction company ay uupo ay maging miyembro ng PCAB board.
Dahil maliwanag na maliwanag pagka ikaw ay may construction company tapos ikaw nagbibigay ng accreditation, lisensya sa mga contractor ay napakaliwanag ng conflict of interest. Kaya hindi na natin papayagan ‘yan ulit.
Upang masigurong maisusulong ang katapatan, integridad at pananagutan sa pamahalaan, nagsasagawa tayo ng mga reporma sa iba’t ibang sektor ng ating bansa.
Bumubuo tayo ng transparency portal upang makapagbigay sa publiko ng mas malawak na access sa impormasyon tungkol sa mga proyekto kabilang ang mga detalye hinggil sa mga kontratista. Nagpapatupad ng tanggapan, lokasyon, at status ng proyekto.
Ibig sabihin babantayan natin nang husto every step of the way. Bawat hakbang sa prosesong ito ay babantayan natin nang mabuti para ‘pag may nakita tayong hindi tama na gawa o against the rules and regulations ay makikita natin kaagad at hindi na natin pababayaan na makikita lang after two, three years kagaya ng nangyayari ngayon.
Magpapatupad din tayo ng mga systematic na reporma sa tatlong pangunahing larangan upang maipabuti ang transparency, ang security ng ating datos, ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagsusubaybay ng ating mga proyekto.
Mga reporma sa design process upang mas mapabuti ang pagpaplano, maiwasan ang mga risk, at masiguro na data-driven ang mga batayan at pagdidisenyo.
Mga reporma sa bidding at sa procurement upang mapalakas ang kompetisyon, katapatan, integridad at maiwasan ang mga possible risk factor sa buong proseso ng procurement.
Mga reporma sa proseso ng pagbabayad upang matiyak naman na ang pondo na nilalabas natin para sa mga proyekto ay talagang tapos na. Dahil marami tayong nakita, completed, bayad na, hindi mo naman mahanap ‘yung project, ghost project. O kung may makita ka mga project, hindi kumpleto, substandard. Kaya pagtitibayin natin ang proseso para tiyakin natin na lahat ng kontrata ay ma-implement nang mabuti.
Mga reporma rin sa proseso ng pagbabayad para tiyakin natin. Iyong ang mga ating mga gagawin.
Mayroon tayong nakita na bagong smart technology na ginagamit na ang AI. Ito ay tinitingnan lang. Ang tinitingnan niya – ‘yung AI tinitingnan niya ‘yung proseso nung kontrata. At pagka mayroong hindi tama ang takbo ng proseso ng kontrata ay magfa-flag ‘yan. Kailangan magfa-flag, tingnan niyo ulit ito dahil mukhang may problema, hindi tama ang ginawa at may question kung talaga bang may project na ganyan. May nagkukuwestiyon kung maganda ba ang pag-implement ng proyekto.
Kaya gagamitin natin lahat ng paraan na nasa atin, pati nga hanggang AI, lahat ng smart technology na ating nakikita na lumalabas, ay gagamitin natin lahat ‘yan para inspeksyunin…
Una, mayroon tayong smart technology para tingnan kung ano ba talaga ang standard, kung maganda ang pagkaayos. Ito tinitingnan kung talagang nilalagyan ng rebar, kung talagang – kung makapal talaga ‘yung konkreto, ‘yung semento sa tamang specification.
‘Yung isang smart technology na gagamitin natin, ‘yung aking nabanggit, titingin sa proseso ng kontrata para ‘pag may nakitang hindi tama, makikita natin kaagad. Maglilista ‘yan, makikita natin, babalikan natin at imbestigahan natin bakit ganyan ang nangyari.
Alam ninyo, lahat naman tayo ay nais natin na makamtan kaagad ang hustisya. Ngunit kung may aral tayong natutunan sa nakaraan, ito ay ang mas mabuti na maging mabusisi tayo at tumagal nang kaunti kaysa magmadali at magkamali.
Alam ninyo, kinakatakutan namin na ‘yung mga alam natin na talagang kasabwat dito sa kawalang-hiyaang ito ay makakalusot sa kaso because of a legal technicality. Dahil nagkamali tayo sa pagbuo ng ebidensya, dahil hindi maganda ang ating pagpresenta ng kaso, o nakalimutan natin pumirma sa isang dokumento. ‘Yung mga maliliit na bagay na ganyan, nalalaglag ang kaso dahil diyan. Kayo mga reporter, alam ninyo nangyayari talaga ‘yan.
Kaya tinitiyak namin na pagka kami ay sumampa ng kaso, ‘yang kasong ‘yan ay hanggang sa dulo ay matibay ang kaso at kung sino man ang mga guilty, ay sila naman talaga ay mananagot. At kung kailangan at kung huhusgahan sila ng korte ay makukulong sila.
Sa bawat segundo na ating ibinibigay sa imbestigasyton, tinitiyak natin na ang bawat kasong isasampa laban sa mga abusado ay may sapat na ebidensya at hindi hahantong sa pagbabasura ng kaso.
Iyon ang pinakamasamang resulta. Iyong alam natin na guilty, ngunit nagkamali tayo sa pagbuo ng kaso, nagkamali ang DOJ o nakalimutan, ay mawawala – ‘yung masisira ‘yung kaso natin, hindi natin mapapasagot ‘yung taong ‘yun o ‘yung kompanyang ‘yun.
Pananagutin natin lahat ng may kasalanan. Ibabalik natin… So, tatlo talaga ang ating ginawa rito. Unang-una, sinampahan na natin ng kaso ‘yung mga may ebidensya tayo na mayroon silang kinalaman dito sa mga korupsyon na ito.
Pangalawa, ay tinitiyak natin na ang kanilang ninakaw na pondo ay maibabalik sa pamahalaan upang magamit sa tama ang mga perang ‘yan.
At naglagay tayo ng mga reporma para itong mga pangyayaring ito ay hindi na mauulit.
Kaya ‘yan ‘yung tatlong talagang tinututukan natin na bagay. At ito ‘yung aking mga nabanggit ngayon ay ‘yan ay ang magiging resulta dito sa ating pag-focus, pagbigay ng pansin dito sa tatlo.
Unang-una, mapapanagot ang mga kasama rito, mga kasabwat dito sa korupsyon. Pangalawa, maibabawi ng gobyerno ang pera na ninakaw nila. Pangatlo, na gumawa tayo ng reporma para lahat na itong klaseng korupsyon na ganito ay hindi na mauulit.
Kaya’t ‘yang mga taong ‘yan na kasabwat diyan, ito mga walang-hiyang ito sa – na nagnanakaw ng pera ng bayan: Tapos na ang maliligaya ninyong araw! Habulin na namin kayo.
Okay, that’s it. I’ll take, I will, I think I have… [Oh, it’s already 10.]
I’ll take two questions.
Q&A:
Q: Mr. President, magandang umaga po. Mr. President, nabanggit ninyo ‘yung sa presentation mayroon ng mga nasampahan ng kaso at ang hinihintay po talaga ng taong-bayan mayroong makulong. Ang tanong ko po, Mr. President, kailan po kaya mangyayari na may makukulong at kailan po ito?
PRESIDENT MARCOS: Palagay ko bago mag – hindi, hindi palagay ko – alam ko, bago mag-Pasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko nasa ano na… Matatapos na ‘yung kaso nila, buo na ‘yung kaso. Makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas. Before Christmas, makukulong na sila.
Q: Mr. President, at nabanggit ninyo rin po kanina ‘yung kinakailangan mabawi natin kung ano man ‘yung halaga na nanakaw nila sa taong-bayan. Mayroon po tayong timeline?
PRESIDENT MARCOS: Wala tayong buo na ano. Kasi marami pa kaming nakikita. Marami pa kaming nakikitang iba.
So, ‘yung mga nabanggit ko na halaga, ‘yun pa lang ang ating nakikita.
Pero ako, nakakatiyak ako, maraming pa tayong mababawi dito. So, patuloy naming gagawin ‘yan.
Q: Good morning, Mr. President. Sir, you mentioned in the latter part of your speech na tapos na ang maliligayang araw niyo. Hahabulin namin kayo. The nation’s question is, why is former Congressman Zaldy Co’s passport not yet cancelled? And what is the government doing to actually either convince him or force him to return to the Philippines?
PRESIDENT MARCOS: I think that’s best directed at the lawyer because it’s a legal answer. And the legal answer is because hindi pa nasampahan ng kaso, therefore the request for the cancellation of his passport cannot yet be made.
However, when that time comes, we will immediately cancel his passport. I’m not a lawyer so maybe I’m not the best person to explain it.
But that’s the procedure. You have to give grounds for the cancellation of the passport. And those grounds will be based on the cases that will be filed against him.
Q: Sir, just a follow-up question on that point. Sir, how convinced are you that Zaldy Co is the most guilty in this case? Or are you somehow amenable to extending an option for him to become a state witness?
PRESIDENT MARCOS: I’m sorry? Extending?
Q: An option for him to become a state witness?
PRESIDENT MARCOS: That option is always there, except for them who are the most guilty.
Q: Do you think he is?
PRESIDENT MARCOS: I don’t want… And then, ‘pag sinabi ko, sasagutin kita, sasabihin ninyo prejudged.
Let the courts do their work. Let the judges do their work. ‘Yun ang ano sa kanila.
Q: Mr. President, one more question please. While we navigate this corruption scandal, the economy is taking a hit. The peso hit an all-time low yesterday. Third quarter GDP is at 4%. The stock market is at pandemic levels. What is the plan to recover investor confidence? At ano ho ang plano para sa economic recovery?
PRESIDENT MARCOS: Well, once we… The reason that we had that is that we… There really was a downturn in economic activity.
You have to remember it’s not only because of these problems. ‘Yung bagyo, ‘yung nawala na working days sa ano natin sa ekonomiya natin because of climate change.
And you have to also remember the situation, the global situation. We are not the only ones suffering the shocks that come from the new trade structure that has been imposed on the rest of the world.
And so we are all adjusting to that. Kaya ‘yung mga growth rate na lahat ng grupo all around the world is falling. But marami tayong measures na ginawa. Because the public spending now will be increased and – to make sure that by the end of the year, that the levels of public spending are according to our original plan. So, mababawi natin ‘yung nawala sa third quarter.
Q: Sir, one more point on your presentation, very obvious – very noticeable po na marami sa mga pangalan binanggit ninyo, DPWH officials, contractors, pero kakaunti if at all, ‘yung mga nabanggit na legislators who are…
PRESIDENT MARCOS: No, they’re part of the list. We’ll give you the complete list.
I just didn’t go through them because there are like 37 of them.
So, you’ll get – as I said, you’ll get a briefer which will give you more detail on all of the things that I’ve said today.
Q: Is the former Speaker included in the list, sir?
PRESIDENT MARCOS: I don’t think so because the only evidence that has been made against him is in the Senate.
So, I don’t know. We don’t… We… No, with the Speaker, no. Not as yet. Not as yet. If something else comes out, then he might have to be answerable for something.
So, again, you know, we don’t file cases for optics. We file cases to put people in jail or to make people answer.
I know that there are many, many suggestions of who else we should file cases against. Well, we’re fine with that. Provide us the evidence and we will file cases against them.
Kaya sinabi ko napakahalaga ‘yung Sumbong sa Pangulo dahil marami kaming nakukuhang impormasyon diyan.
So, ipagpatuloy ninyo ‘yung inyong pagsumbong. At bigyan ninyo kami ng lahat ng ebidensya na mayroon kayo para magamit natin, para kasuhan kahit sino.
Wala naman… Walang immune dito sa… Walang exempted dito sa mga imbestigasyon na ito.
All right? Thank you.
— END —